CHAPTER 12

1.1K 51 32
                                    

A/N:

Good evening!

I am very thankful to my readers who promote my profile as well as my stories

Thank you so much! Kahapon ko lang nalaman about sa may nag-promote ng profile at mga stories ko.

Salamat sa lahat!

-En

------------

Matapos ikwento ni Gilbert ang lahat nang pangyayari noon sa pagitan ni Yller at Claudia ay agad siyang kinabahan dahil hindi agad nagsalita si Claud, bagkus tahimik ang bata habang nag-iisip.

"Young Master"

"Salamat lolo Gilbert, magpapahinga muna ako"

Nang makalabas si Gilbert sa kuwarto ay kumuha ng lapis at papel si Claud upang ibuod ang pangyayari, simula sa paano nagkakilala ang kanyang magulang hanggang sa kung bakit siya itinago ng kaniyang lolo sa pamamagitan ng 'concept map' na itinuro sa kanya ng kaniyang guro.

"Ibig sabihin, hindi kasalanan ni attorney ang lahat? Hindi dapat mamamatay si lolo noon, may gustong sumira kay attorney at sa pamilya namin?"

Agad niyang binalikan ang mga taong nakasalamuha ng kaniyang magulang. Binilugan niya ang kaibigan ng kaniyang ina noong kolehiyo, si Sandra.

"Isinama niya si mommy sa party para makita si attorney pero malis siya at iniwan si mommy doon, kinaumagahan nagkita sila?"

Inilista niya ang mga nakasalamuha ng kaniyang ama at ina nang gabing iyon.

"Ang pinakamalapit kay attorney ay ang kaibigan niya at tauhan din namin, si tito Lucas. Umuwi siya dahil akala niyang nakauwi na si attorney Newz, pero uuwi ba agad si attorney ng hindi siya kasama o hindi siya sinabihan? Hindi ba siya magtataka bakit nawala si attorney Newz nang walang pasabi?"

Napakamot sa ulo si Claud at napailing.

"Bakit ko ba iniintindi to? Pang matanda naman ang problemang to. Haist... Kapag nagloko ka pa talaga attorney, hindi kita tutulungan"

Itinabi ni Claud ang papel at lapis, lumakad siya papunta sa kama upang magpahinga. Hindi kaya ng kaniyang isipan at katawan ang nangyayari sa pamilya nila dahil alam niyang bata pa siya ngunit gusto niyang makatulong upang maiayos ang kaniyang pamilya.

**************

Tinanggal niya ang kaba upang hindi mahalata na nakipagsabwatan siya sa kaibigan ni Yller.

"Claudia"

Lumingon si Claudia kay Yller. Napakunot ang noo niya dahil mukhang nang-aakit ang mata ni Yller habang nakangiti sa kanya.

"Lasing ka na"

"Hmmmm"

"Attorney"

"Call me hubby"

"Tumi—"

"Maam, pakiuwi na po si sir. Nakabasag na po siya ng tatlong bote baso"

Napangiti si Yller nang marinig ang sinabi ng waiter.

"Bakit ako? Hindi ba—"

"Honey~"

Muling natigil si Claudia nang marinig ang pagtawag ni Yller sa kaniya.

"Anong honey? Sipain kaya kita"

Fucker Series #6: YLLERWhere stories live. Discover now