CHAPTER 14

1.4K 61 64
                                    

Note: Raw and Unedited.

ENJOY!

*************

Nang makapasok si Claud sa loob ng silid-aralan ay agad siyang naupo sa hulihan. Pinagtitinginan siya ng kaniyang mga kaklase dahil kakalipat niya lang sa paaralan na iyon.

"Hi!"

"Hello"

"My name si Nica"

"Claud"

Napakunot ng noo si Nica dahil parang matanda si Claud. Hindi siya tulad ng ibang naging kaklase niya. Samantalang hindi na siya pinansin ni Claud dahil mukhang bobo sa paningin niya si Nica.

'Hmm... Mukhang walang maayoa sa mga kaklase ko. Dapat hindi na ako tumabi kay Nica, mukhang madaldal at walang alam sa school. Lilipat ba ako?'

Natigil ang pagmumuni-muni ni Claud nang tawagin siya ng guro upang magpakilala sa harapan.

"Good Morning my name is Nikolai Claud Barrenya. You can call me Claud."

"Magpakilala ka ng maayos anak."

'what? Sinabi ko naman na ang pangalan ko ah?'

"Maam? Ok na po. Sinabi ko na po ang pangalan ko"

Hindi pinilit ng guro si Claud na magsalita pa sa harapan.

"Okay, you may now take your seat."

"Thank you po"

Ang pinasukan ni Claud na paaralan ay isa sa pinakamagandang pribadong paaralan sa probinsya.  Karamihan ng mga kaklase niya ay apo o anak ng politiko, negosyante o kung sinumang mayaman sa lugar na iyon.

Habang nakikinig sa guro si Claud ay nakaramdam siya ng kumakalanit sa kanyang siko.

"Do you want?"

"No thanks"

"Nica"

Agad na itinago ng batang babae ang kunakain nitong chocolate.

"Yes maam?"

"Answer this"

Napakamot si Nica sa batok tiyaka kumunot ang kaniyang noo.

50+9+10-15-19.

'Ang hirap naman? Aishh... '

Hindi nagpakita ng kahit anong emosyon si Claud tiyaka niya timitigan si Nica, halatang hindi alam sagutin ni Nica nakasulat sa pisara.

"35"

Palihim na tinuruan ni Claud si Nica. Napakunot ng noo si Nica at limungon sa kaniya tiyaka ngumiti.

"Anong sagot ulit?"

Bago pa man makasagot si Claud ay nagsalita na ang kanilang guro.

"Claud, Stand up"

Sumunod siya sa sinabi ng guro.

"Pumunta kayo sa likuran. Hindi kayo uupo habggat hindi ko sinasabi."

Nabigla ang lahat lalo na sa sinabi ng kanilang guro.

"Alam niyo ba kung bakit ko kayo pinatayo sa dulo?"

Sumagot si Nica sa itinaning ng guro

"Hindi ko po kasi alam ang sagot"

Ngumit ang kanilang guro.

"Hindi Nica, kung hindi mo alam ang sagot sabihin mo sa akin. I'm your teacher and I am here to teach you. Hindi tama na mandaya para lang may maisagot ka sa tanong ko"

Fucker Series #6: YLLERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon