CHAPTER 7

3 2 0
                                    


Thinarva's POV

Akala ko ba wala akong maiistorbo kanina, Duhh akala ko lang 'yun. God! Nakayakap pa talaga ako sa kaniya. What the S? Kasama nila si nathan so that means na nandito na ang mga San Diego. Sa kanilang apat maliban kay nathan syempre, dalawa 'dun ang may apelyidong San diego. Siguro pati yung masungit kanina San Diego rin siya at ngayon palang hindi na ako naeexcite na makilala sila. Kung noon nababaliw ako sa kaiisip tungkol sa kanila ngayon hindi na. Ano sila sinuswerte?

"Ate thinaaaaaaa!" Napatingin ako sa main door ng bahay ng marinig ko ang sigaw ni pia at popoy na tumatakbo na ngayon papunta sa direksiyon ko...

"Ate thina! Namiss ka namin!" sabi ni pia pagkalapit sa akin at yumakap ng sobrang higpit...

"Oo nga, ate thina! Namiss ka namin ng sobra!" Si popoy naman ngayon ang yumakap sa akin ng pagkahigpit-higpit, namiss talaga nila ako. Hehe...

"Ako rin namiss kayo ng sobra, bakit ngayon niyo lang ako dinalaw huh?"nagtatampo kung tanong at natahimik ang dalawa."Joke lang 'yun tumahimik agad, teka! Wala bang kiss si ate diyan?"Napanguso pa talaga ako saka umupo sa harap nila, humalik naman sila sa akin kaagad sa pisngi. Sakto naman na lumabas si manang at tinulungan ako sa mga binili ko...

Binigay ko na ang mga pasalubong ko sa kanila pagkapasok namin. Tuwang-tuwa naman ang kambal dahil gusto daw nila ang mga pasalubong na binili ko, balak ko pa sanang magkwento sa kanila kaso pagod ako. Kaya nagpaalam nalang muna ako kay manang at sa kambal...

Umakyat kaagad ako sa kwarto ko at dumeritso sa banyo ng makaligo para masarap ang tulog ko mamaya...

Pagkatapos kung maligo at magbihis, sinalampak ko kaagad ang katawan ko sa malambot kung kama...

Pumikit ako para dalawin ako ng antok kaya lang yung mukha ng lalaki kanina ang lumitaw sa paningin ko at galit na galit siya habang dinuduro ako.

Talagang hanggang pagtulog ko umeeksena ka, e kanina lang naman kita nakita. Kung makaepal! Close?

'Mabuti pa si nathan nalang isipin mo, thina.'

Speaking of nathan ang laki ng pinagbago niya noon kase tahimik lang siya ako lang ang kinakusap sa klase namin at mas lalo siyang gumwapo ngayon...

Naalala ko pa 'nung unang pinagtripan siya nila xander

(Flashback)

Nandito kami ngayon ni nathan felix yuan sa canteen at wag na kayo magtaka kung sa full name ko siya tinatawag palagi niya nga akong pinagsasabihan na nathan nalang daw. Pero 'dun kase ako nasanay, pinapractice ko ngang tawagin siyang nathan pero dumudulas talaga ang dila ko at napupunta sa full name niya...

"Nathan! Anong ulam mo?"tanong ko sa kaisa-isang lalaki na kaibigan ko dito sa campus at himalang nasambit ko ang pangalan niya na hindi na talaga umabot sa full name kaya naman si nathan na kaharap ko, lumawak ang ngiti dahil gusto niya talaga na nathan lang itawag ko sa kaniya...

"Fried Chicken at adobo! Alam mo keiah ang sipag mo talaga, imagine nasabi mo yung name kong nathan na wala ng kasunod. Talagang sinipagan mo huh? Ilang araw mo ba 'yun prinactice?"Ano naman kayang big deal 'dun sa pagtawag ko sa kaniya ng nathan at parang nanalo siya ng loto...

"Hindi ko 'yun prinactice ah, wag kang assuming ang dali lang naman pala banggitin ang pangalan mo e, kaya hindi ko maintindihan kung bakit nahihirapan ako 'nung mga nagdaang araw."Swear nahirapan talaga ako. Weird!

"Talaga! Bakit kaya?"mapang-asar na tanong niya sa akin at talagang nang-aasar na siya ngayon. Baka nakakalimutan niyang ako lang ang kaibigan niya dito."Ewan ko sayo nathan!Bakit ba naman kase Nathan Felix Yuan ang pangalan mo?"inis kong sagot sa kaniya...

Accidentally Destiny Where stories live. Discover now