CHAPTER 9

10 2 0
                                    


Ethan's POV

Nandito kami ngayon ni ayi sa park kasama si yuan na pinsan namin. Siya ang bunsong kapatid na lalaki ni nathan...

Sobrang kulit pa na dinaig ang kuya, palakwento siya at kahit ano nalang ang sinasabi, kahit hindi naman dapat ikwento kinukwento parin niya...

"Kuya ethan, do you have a girlfriend?"Tanong niya na kinabigla ko dahil hindi naman siya nagtatanong ng ganiyan sa akin, kahit sa sobrang daldal niya...

"Wala pa. Alam mo yuan hindi ka dapat nagtatanong ng ganiyan dahil bata ka pa."Sabi ko na kinangiwi niya, pasaway talaga 'tong batang 'to...

"Ano naman kung bata pa ako kuya ethan? Di ba nga age doesn't matter because true love can matter kaya dapat kuya mag-girlfriend kana tulad ni kuya nathan na parang inspired." Napanganga ako sa sinabi niya, his just only 10 years old at may nalalaman na siyang true love...

Kapatid ba talaga 'to ni nathan? Napakalayo lang nila, 'nung bata pa si nathan napakatahimik at mahiyain 'yun, nagbago lang 'nung nag-aral siya sa alcantara Private School. Kwento niya pa sa akin na ang dahilan 'daw ng pagbabago niya ay 'yung nakilala niyang batang babae na sabay 'daw sila binubully lage sa klase. Kung hindi ako nagkakamali Thinarva Zykeiah Moreigh ang binanggit niyang pangalan 'nung babaeng kaklase niya dati, hanggang sa nagtuloy-tuloy na ang pagbabago niya...

Tssk! Ang haba nga naman ng pangalan 'nung babaeng 'yun. Weird!

Hay! mas mabuti nalang na ganito si yuan na madaldal lang, ayaw kong maging si earl siya na babaero, tssk! Mahirap na, may nalalaman pa naman 'tong true love, baka mapunta sa play love dahil na overdose sa kakatrue love...

"Ayaw ko pang mag-girlfriend yuan, wala pa 'yun sa isip ko at saka anong sinasabi mong inspired ang kuya mo at kanino?"Tanong ko ng maalala ko ang sinabi niya kanina na inspired ang kuya niya...

"Ah! Yung old time friend 'daw po niya na dating kaklase niya noon sa Alcantara Private School, nagkita 'daw po kase sila sa mall, 'nung time na pumunta kayong  magkakaibigan para mag-enjoy. Kinilig pa nga si kuya habang nagkwekwento siya sa amin pagkauwi niya dahil lalo 'daw gumanda ang crush niya dati, feeling 'daw niya mahal niya na ito. Ang corny ni kuya no?" Mahaba niyang sagot sa akin, so nagkita ulit sila 'nung ultimate crush niya edi good for him...

"Corny talaga ang ganiyan yuan, kaya ikaw atupagin mo ang pag-aaral mo at wag kang magpapaniwala sa true love na 'yan dahil bata ka pa." Ang bata pa niya para magbanggit ng ganiyang bagay...

"Tama na ang kwentuhang 'yan dahil nandito na ang favorite niyong ice cream. Cookies and cream for yuan and Ube for my kuya."Biglang sulpot ni ayi mula sa likuran namin ni yuan at inabot sa amin ang dala-dala niyang ice cream...

Kagagaling lang kase ni yuan na maglaro sa mga rides dito sa park kanina at napagod na siya kaya umupo muna kami at bumili si ayi ng makakain namin...

"Ate ayi, what's that food?" tanong ni yuan sabay turo sa fishball, kikiam, at ewan ko hindi kona alam 'yung ibang  binili ni ayi dito marami kaseng vendor dito kaya marami kang mapagpipilian...

"Ah! Itong mga 'to, it's fishball, kikiam at squidballs and I know naman na alam mo ang fries at burger right?"Sabi ni ayi at ngumiti lang si yuan...

"Yung fishball, kikiam at squidballs lang  ang hindi ko alam ate ayi."Malungkot na sabi neto...

"Oh bakit malungkot ka hindi ka pa ba nakakain ng ganiyan?"Tanong ni ayi kay yuan na ikinanguso neto...

"Hindi kase ako pinapayagang kumain ni mommy ng ganiyan kase hindi 'daw 'yan healthy."

"Hindi naman masama kung  kumain  ka neto yuan, lalo na kung paminsan-minsan lang. Subukan mo, masarap siya." sabi ni ayi at may inalok na fishball kay yuan agad naman kinain ito ni yuan at lumaki pa ang mga mata...

Accidentally Destiny Where stories live. Discover now