CHAPTER 10

6 0 0
                                    

Earl's POV

Nakakatuwa naman ang babaeng 'yun, binastos ko 'daw siya e malay ko bang hindi naman pala siya ang girlfriend kong si Euna...

Karma ko na siguro 'to sa pagiging babaero. Hindi ko na kilala kong sino ang kinakarelasyon ko. Hays! Ang sakit pa naman ng itlog kong binayagan ng babaeng 'yun...

Yes, I admitted na babaero ako, nasimulan na e. Mahirap ng tigilan, may panahon na magbabago 'rin siguro ako kaya susulitin ko nalang...

Ito naman kaseng si Euna sabi niya magkikita 'daw kami dito sa park, hindi ko naman makilala kung anong itsura niya dahil ngayon palang ang meet-up namin...

Sabi pa niya nakatalikod 'daw siya, nakapantalon at shirt na puti. Kaya a'yun 'nung nakita ko 'yung babaeng nakapantalon, naka-white shirt at nakatalikod na may kausap sa phone nakangiti na ako...

Akala ko siya na'yun kaya nilapitan ko at yinakap sa likuran t'saka kiniss sa pisngi. Nagulat nalang ako na sumigaw 'yung babae at sinuntok ako sa mukha na sa mata ko lumapat ang kamao niya t'saka binayagan...

Di siguro  maipinta ang mukha ko kanina dahil namimilipit ako sa sakit. All this time ngayon lang ako nakaranas ng ganito sa kamay ng isang babae...

Kahit sa sobrang sakit ng nararamdaman ko, pinilit kong humarap sa kaniya at nagulat ako ng hindi siya 'yung babaeng katawag ko kanina. Kaya pala sinuntok ako sa mukha at binayagan nabastos ko 'ata...

Habang nakatitig ako sa kaniya na ang sama-sama ng tingin sa akin, unti-unti siyang nagiging familiar sa akin. Kung hindi ako nagkakamali siya 'yung babaeng kayakap ni ethan sa sinehan...

"Hoy ikaw! Sa susunod mag-iingat ka wag kang basta-bastang nangyayakap at humahalik sa pisngi ng hindi mo kilala, baka mas malala pa diyan ang aabotin mo." Galit na bulyaw neto sa akin at first time in my history na bulyawan ako ng isang babae...

"I'm sorry miss, akala ko kase ikaw ang girlfriend kong si Euna."Wala sa sariling sabi ko sa kaniya. E sa 'yun ang akala ko...

"Tssk! Kaya sinasabi ko sayo mag-iingat ka sa susunod, pasalamat ka nga 'yan lang ang inabot mo sa akin." Sabi niya saka naglakad papunta sa gitna netong park. Hay! Dapat bang ipagpasalamat 'yung nangyare sa akin e ang sakit kaya ng pang-ibaba ko...

"Earl! Is that you?"Tanong ng isang boses na babae mula sa likuran ko at nakatitiyak ako na si Euna na ito. Kaya humarap ako at umayos ng tayo...

"Yes, ako nga."Sabi ko na ngumiti pa pero nakipagtitigan pa siya sa akin at nanlaki ang mga mata...

"O my god! Earl, may black eye ka. Who did this to you?"Sabi neto na ikinagulat ko dahil nagkaroon ng black eye ang mata kong sinuntok ng babae kanina, medyo malakas talaga 'yung pagkakasuntok niya sa mata ko kanina, malamang nahirapan nga akong dumilat kanina e...

Boxer ba 'yun?

"Yung babae ba kanina ang gumawa sayo neto, nasaan siya tuturuan ko siya ng leksyon. Ang kapal naman ng mukha niya para bigyan ka ng balck eye."Galit na sabi ni Euna syempre di niya alam ang dahilan kung bakit ako nagkaganito...

"Calm down okay, it's my fault dahil niyakap ko siya at hinalikan sa pisngi. Akala ko kase ikaw siya kaya a'yun nasuntok ako at binayagan."

"What Binayagan ka niya? Naku! Nanggigigil ako sa babaeng 'yan earl, tara hanapin natin." Galit talaga siya dahil kinaladkad na niya ako...

Inikot na namin ang buong park hindi pa rin namin nakita 'yung babae kaya nagtingin-tingin nalang kami sa mga upuan pero wala. Si ayi at yuan lang ang kilala kong nakita 'dun...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 01, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Accidentally Destiny Where stories live. Discover now