Chapter 2

130 20 8
                                    

Truth

Jairus Zachary Amarillo

KASALUKUYAN akong nagbubungkal sa kalupaan dahil hindi ko na masyadong nabibisita ang aking hardin sa likod ng bahay.

Panay na ang pagtulo ng aking pawis kahit maaga pa lang. Malamig ang hangin at hindi pa sumisikat ang araw dahil alas singko pa lang ng umaga.

Naka-sando't shorts lang din ako't hindi alintana ang pagdikit ng lupa sa katawan.

Ilang araw na ang nakalipas simula no'ng umalis si Kuya Zarm at ang maging model sa resto, hindi ko na alam kung magiging normal pa ba ang buhay ko.

Nakaka-miss ang pang-aasar ng kuya kada umaga kasama sina Ate Reshell at Ate Rashelle. At higit sa lahat, lagi nang maingay ang Fazbook ko dahil sa sandamakmak na comments, messages and notifications.

Tuwing lumalabas ako ng bahay at nagtutungo sa palengke ay may mga taong kumukuha ng pictures ko. And I really hate it dahil matagal akong namamalagi sa palengke 'pag ka gano'n.

Masyado nang maraming pagbabagong nangyayari sa buhay ko. Kahit sa resto ay namamalagi na lang ako sa kusina dahil umaga pa lang ay may nag-aantay ng mga customer sa labas kahit hindi pa bukas ang resto.

Mabuti na lang at hindi na nagtatanong pa ang mga kasamahan ko't hinahayaan na lamang akong gumalaw sa kusina.

Marami mang pagbabagong nangyayari, hindi naman no'n nabago ang ugali ko. Hindi naman lumaki ang ulo ko at higit sa lahat, gano'n pa rin ang trato ng mga kasamahan ko sa akin.

Tinapos ko na lang ang pagbubungkal at namitas ng iilang gulay dahil magpa-Pakbet ako ngayong agahan. Matapos kong mamili ng lulutuin at nagkape muna ako bago niluto ang ulam. Maingay ang kusina dahil sa kawali't sandok na aking ginagamit. Hiniwa ang mga gulay at nagsimula nang magluto bago pa magising ang mga tao sa bahay.

Nang matapos akong magluto ay hindi ko namalayan na nagising na pala si Mama na panay ang pagpahid sa muta. I gave her a weak smile before I placed the plate on the table.

Alam kong malungkot pa rin si Mama kahit lumipas na ang ilang araw simula no'ng umalis si Kuya Zarm. I really can't understand kung bakit kailangan pang umalis ni Kuya na p'wede naman kaming magtulungan ang lahat para umangat kami sa buhay. Hindi 'yong ganito na lalayo pa siya para lang magkaroon ng magandang trabaho.

Lumabas na rin ang kambal sa kanilang k'warto na katulad ni Mama ay malungkot din. Ilang araw na silang ganito kaya wala na akong magawa kundi ang umakto na hindi ako naaapektuhan sa pag-alis ng kuya.

Tahimik kaming nag-agahan. Walang nagsasalita. At tanging ang pagkalansing lamang ng mga kubyertos ang maririnig sa bawat sulok ng bahay.

Matapos ang agahan ay nagpaalam na ako kina Mama't Ate bago pumasok sa trabaho.

Gano'n pa rin ang nangyari. Medyo punuan ang resto ta's alam kong ako ang hinahanap ng mga babaeng panay ang lingon sa counter. Medyo nakakainis na rin dahil parang naging limitado lang ang nagiging galaw ko.

Katatapos ko lang magpunas ng bowl nang lumapit si Dabid sa akin na parang matatawa na naawa.

"Zach, kaya pa?"

"Ewan. Sana kasi hindi niyo na lang ako kinuhang model. Ayan tuloy, hindi ko na alam kung aalis pa ba ako ng bahay o hindi na," I replied. Nagpunas akong muli ng mga plato.

"It's alright, bro. We got you," saad nito bago umalis sa aking gilid. They got me... they always got me.
I sighed for the last time before I took off my apron and hat.

Los Quatros HermanosWhere stories live. Discover now