Chapter 17

81 9 2
                                    

Another One

Jairus Zachary Amarillo

NAGISING na lang ako dahil sa lamig ng paligid. Masyadong madilim ang kabuoan ng lugar pero naka-klaro ko naman ang mga bagay na nasa aking paligid. Nasa tambakan ako ng mga lumang gamit. May mga sirang upuan, lamesa, cabinet at ilang kagamitang pambahay. Sobrang alikabok pa at hindi maiwasan na mapa-hatsing ako.

Mabuti na lang din at hindi nila ako tinalian o kahit busal sa bibig. At kahit cellphone ay wala pala ako. Sobrang malas ko naman ngayon, oh. Pero si Vee!

Teka, paano na si Vee? Ano nang nangyari sa kanya?

Dam! Paano na 'to ngayon? Hindi ko pa naman alam kung nasaan ako.

Agad akong tumayo't nangapa sa dilim.

Tae naman, oh! Sa lahat talaga ng mga taong may balak na mangidnap, eh, si Vee talaga ang puntirya. Ano kayang kasalanan no'n, eh, nasa lang naman ang isang 'yon.

Hindi ko maiwasan na ilang beses na matisod dahil hindi ko rin nakikita nang maayos ang nadadaanan ko.

'Pag ako talaga nakalabas dito, pag-uumpugin ko talaga 'yong may planong kumidnap sa amin. Peste talaga 'yong mga 'yon.

Ilang beses akong nangapa sa madilim na silid na ito. At halos maghuhulugan na lahat ng mga nahahawakan kong gamit. Langhap na langhap ko pa ang alikabok ng paligid at habang palayo nang palayo ako sa p'westo ko kanina ay mas lalong lumalamig ang hangin.

Akala ko talaga 'pag gising ko ay nasa isang k'warto ako na may ilaw na nakabitin sa kisame na sa akin lang nakatutok, nakatali sa upuan ang braso't paa't may busal ang bibig ng duct tape. Nga tipikal na nangyayari sa isang drama series.

But damn! This is reality. Pasalamat pa nga ako kasi hindi nangyari 'yong mga bagay na ini-expect ko.

Habang patuloy ako sa maingat na paglalakad ay pansin kong may ingay akong naririnig. Hindi ko alam kung saan 'yong nanggagaling ngunit ramdam kong malapit lang ito sa akin.

Mabuti na lang at hindi ako matatakutin sa mga multo. Dala na rin siguro 'to ng panonood ko ng mga horror movies noon.

Patuloy lang ako sa paglalakad at mas lalo ko rin naka-klaro ang boses.

It started from a whisper sound hanggang sa naririnig ko na ng klaro ang boses nito.

"Darn! Why is this happening?! This is shit!" What's that guy's voice? Or gay?

Pinakinggan ko pa siya dahil mukhang naiirita ito sa nangyayari sa kanya.

"Gosh! This is sick! Wala man lang signal dito. I hate it! I need to fucking escape!" He shouted and his voice echoed around the four corners of this room. Hawak niya ang kanyang cellphone. Halata sa hitsura niya na may tinatawagan ito pero wala nga lang signal.

"Hey---"

"Fuck! Ghost!" Sigaw niya dahilan para mabitawan niya ang kanyang phone na nahulog sa sahig. Agad niya itong pinulot. "Who's there? Bitch, I'm gonna kill you?" Tila natatarantang boses nito. Nawala ang ilaw dahil sa pagkahulog ng phone niya.

"Hindi ako ghost, oka---" nagulat na lang ako nang hindi na naman niya ako pinagpatuloy sa pagsagot ko sa kanya.

"Then, what are y-you?!" Ramdam ko ang pagkagulat sa kanyang boses.

"Tao ako, okay? Kinidnap din. Hindi ko rin alam kung nasaan tayo. Pero paano ka napunta rito?" Rinig kong may bagay siyang napulot.

His voice was deep and similar to mine, but he was trying really hard to talk to me, so I guess that may berdeng dugo may kasama ko.

Los Quatros HermanosWhere stories live. Discover now