Chapter 41

47 7 0
                                    

Trap

Jeremy Dashielle Narvaez

NANDITO ako ngayon sa isang sikat na restaurant. Sobrang ganda ng loob at halatang hindi ko afford ang mga pagkain nila rito. Bukod sa mukhang mamahalin ang mga gamit na nandito, mukhang mamahalin din ang mga sini-serve nilang dishes dito.

Halos hindi na ako mapakali dahil sa lamig ng aircon kahit nakasuot ako ng itim na suit at slacks. May suot din akong shades kahit alam kong gabi na.

Mukha akong bodyguard. Pero okay lang. Atleast sobrang g'wapo ko sa suot kong 'to.

"Bakit ang tagal ng menu? Ilang oras pa ba ang aantayin natin?" Tanong ko kay Zach na kasalukyan ngayong umiinom ng tubig sa wine glass.

Katulad ko ay nakasuot din ito ng gaya sa akin ngunit iba nga lang ang kulay. Kung itim ang kulay ng aking damit ay gano'n din naman ka-puti ang suot nito. Nag-mukha tuloy siyang palito ng posporo. Tanging ang ulo lamang nito ang itim.

Hindi ko alam pero kanina pa ako natatawa kaiisip na maihahalintulad ko si Zach sa isang posporo. Mahina akong nagpipigil ng tawa dahil kailangan kong magseryoso sa gagawin namin.

"What's so funny, Dash? Do I look like a clown to you?" Napatingin ako sa aking katabi na sobrang seryoso ng mukha.

"Grabe naman. Sorry na. Natawa lang kasi ako, mukha kang posporo," pagk'wento at muli na naman akong humahikgik ng tawa.

"Posporo? Match? Bakit mukha akong palito?" Takang tanong nito.

"Tingnan mo 'yang sarili mo. Mula sapatos, slacks at pangtaas na damit. Tapos ang buhok mo lang 'yong maitim. Sino bang hindi mukhang posporo sa lagay na 'yan?"

Gusto ko sanang matawa pero hindi ko na magawa dahil sobrang seryoso ng hitsura ng kasama ko. Sobrang seryoso niya talagang tao.

"Ang babaw talaga ng kaligayahan mo. Sunod na 'yang biro mo. Magseryoso muna tayo ngayon," bagsak ang balikat ko sa kanyang sinabi. Ang seryoso naman ng kasama ko.

Nanahimik na lang ako dahil mukhang malabo na makakabiruan ko ang isang agent sa isang misyon.

Ilang minuto pa ang hinintay namin nang isang lalakeng waiter ang papunta sa aming direksyon habang hawak ang dalawang menu.

Napabuntong hininga ako at sumilay sa aking labi ang nakakalokong ngiti. Sa wakas makakakain na rin ako. Grabe, nakaka-gutom pala ang mag-antay.

"Good evening, sir," bati sa amin ng waiter sabay abot ng menu. Agad ko naman binuklat ito at tiningnan ang kanilang mga dish. Pero agad ko rin tiniklop nang hindi ko mabasa ang mga pangalan ng mga putahe. Bakit lahat ng nandito sa menu may apostrophe o 'di kaya ay mga vowels na magkakasunod-sunod?

Ano na? Hindi nila ako pakakainin? Punyemas!

"Ahh, give me a Langouste à la Vanille, please and an iced tea," pag-order ni Zach.

"What about you, sir?"

"Ahh, same rin no'ng sa kanya," panggagaya ko kasi hindi ko na alam ang gagawin.

Tumalikod na ang waiter pero bago pa man siya makaalis ay tinawag ulit ito ni Zach.

"Ah, waiter, I also want to order Danish bread."

Nangunot ang noo ko sa aking narinig. Danish? 'Di ba Spanish 'yon? May gano'n bang tinapay?

"May Danish bang tinapay? Kasi 'di ba common 'yong Spanish bread, pandesal at torta," Bulong ko kay Zach.

"Yes, may Danish pastry, is a multilayered, laminated sweet pastry in the viennoiserie tradition," sagot nito. Mas lalong nangunot ang noo ko sa kanyang sinabi. Tangina! Wala bang simple term diyan? Sweet pastry lang ata naintindinhan ko sa sinabi niya. Parang kakain akong iniisip ang sinabi ni Zach. Mas pinaramdam niya pa talaga na bobo ako.

Los Quatros HermanosWhere stories live. Discover now