VI

85 5 0
                                    

The Grim Covenant

Chapter III: Multiple Manifestation (Synesthesia)

Section 1: This rule is for citizens of Syv who manifested more than one (1) ability and shall be known as Synesthetes.

Section 2: Citizens who are considered Synesthetes are:

(a) mandatory to cooperate in operations conducted by researchers of the Zone;

(b) still protected by the Grim Covenant, but should they refuse the mandatory operation, they will be punished.

Ilang beses na umulit sa isip ko ang partikular na batas na 'to na nakasulat sa Grim Covenant. Kahit hindi ako nakapag-aral ay alam ko ang ibig sabihin nito dahil sa mga turo ni Mama pero hindi ito karaniwang naiintindihan ng lahat ng mga citizen ng Syv. Ang Grim Covenant at ang pledge ang tanging alam ng bawat citizen ng Syv na nakasulat aa Markov tongues pero ni isang salita ay hindi naiintindihan ng mga Zeff.

Dinala nila ako sa sobrang liwanang na kulungan pero pagdating ng gabi, kung gabi na nga ba, ay sa sobrang dilim ay wala na akong ibang makita. Dalawa lang ang pintuan nito, isa para sa pintuan ng mismong kulungan at ang isa ay para sa paliguan at mas malawak ito nang 'di hamak sa bahay namin.

Wala ring kahit anong bintana para malaman kung anong aras na. Hindi ko rin mabilang kung ilang oras na ang lumipas kahit na dumilim ang buong kulungan. Mukhang hindi ako dinala sa gusali kung saan nakakulong ang mga kriminal ng Zone 3 dahil alam kong may mga bintana ito. Dito mas bumigat ang dibdib ko dahil hindi nila ako tinuturing na isang kriminal, mukhang mas malala pa dahil lang isa akong Synesthete.

Ang nagustuhan ko lang dito ay ang malambot na kama, ito ang pinakamalambot na kama na nahigaan ko, kahit ang higaan sa bahay ni Giro ay hindi makakalagpas sa sobrang lambot nito. Siguro dahil matagal na akong hindi humihiga sa malambot na kama, o sa kahit anong klaseng kama. Kapag wala si Mama ay sa sofa na pasira ako natutulog. Sa liit ba naman ng bahay namin ay kahit kama walang space para dito.

Pero sa tuwing ninanamnam ko ang lambot ng kama ay naalala ko si Yvo. Kung paano siya humagikgik dahil sa lambot ng kama ni Giro. Kung paano siya natakot dahil gumawa siya ng tunog nung sinabi kong 'wag siyang gagawa ng ingay. Pinangako ko sa sarili ko na hindi ko tratratuhin si Yvo gaya ng pagtrato sa akin ni Mama pero ito ang ang nagawa ko sa kanya.

Ilang beses nang dumilim ang kulungan ko pero wala pa rin silang ginagawa sa akin. Nakasuot pa rin ang hikaw sa akin pero hindi nito natanggal ang kakayanan kong pakinggang ang malalayong bagay. Alam kong makapal ang mga pader pero naririnig ko pa rin ang mahihinang pag-uusap ng mga tao. Sa hindi ko mabilang na tagal ko dito ay madalas kong naririnig ang usapan ng ilang guwardia.

"Ang utos ng Markov sa Zone 6 'wag siyang gagalawin."

"Mas natatakot ka sa Markov na nasa ibang Zone kaysa sa Markov na nandito sa Zone 3?"

"Pero hindi lang siya Markov, isa siya sa mga Proxime ng—"

"Umayos kayo, paparating na si Dr Hailey." Hindi na natuloy ang usapan ng mga 'to dahil mukhang dumating na si Hailey. Humiga ako sa kama nang marinig ko rin ang mga yapak na papalapit sa akin. Nagpakita si Hailey sa tapat ng kulungan ko kasama ang assistant niya.

"Hindi ko alam kung saan n'yo nakuhang mag-ina ang kakayanang manlandi ng mga lalaki. Umamin ka nga, Vida. Ano ang ginawa n'yo ng nanay mong mababa ang lipad para makakuha ng pabor mula sa Markov ng Zone 6?" Tinalikuran ko siya at pinigilan ko ang sarili ko na magalit dahil sa tinawag niya kay Mama.

The Grim CovenantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon