IX

84 5 0
                                    

Nang mapuno ang bathtub ay pinatay ko ang ilaw ng banyo at ang shower. Lumusong ako sa bathtub, umapaw ang tubig nang umupo ako dito at ibabad ang katawan ko. Inangat ko ang ulo ko para mailubog ang mga tainga ko. Mas narinig ko ang pagtibok ng puso ko pero kumalma ako kahit papaano.

Hinayaan ko ang sarili ko sa gano'ng posisyon bago ako sumeryoso. Bahagya kong tinaas ang tainga ko saka pinakinggang ang lahat ng nasa labas ng kwartong 'to. Mas tumalas ang pandinig ko, 'yun ang alam kong nangyari noong nasa ibabaw ako ng operating table na 'yun.

Sa ilang linggo kong ginagawa 'to ay ginagamit ko lang ang pandinig ko para malaman kung ano ang ginagawa ni Mama. Mula noong nahuli ako ay hindi ko na narinig ang boses niya, maski noong nasa Zone 3 pa ako. Ang dami kong gustong itanong sa kanya, kung bahay niya talaga dati ang pinuntahan namin ni Damien, bakit kami naghihirap? Bakit niya binebenta ang sarili niya para may makain kami?

Kagaya ng nangyayari ilang linggo na ang lumilipas ay hindi ko pa rin naririnig si Mama kaya sinubukan ko na hanapin ang boses ni Yvo o ang boses ng mga katrabaho ni Mama. Binaon ko ang kuko ko sa palad ko nang wala pa rin akong marinig. Ano ba ang ginagawa nila? Hindi ba nag-aalala si Mama sa akin?

Dahil hindi ko marinig sina Mama ay nag-practice ulit ako na mas patalasin ang pandinig ko. Naririnig ko na ang lahat ng mga bagay na hindi sumasakit ang mga tainga ko, ang natural na trait ng mga taga-Zone 3 kaya mas prina-practice ko na pakinggan ang tunog ng bawat kwarto kung nasaan ako. Dahil hindi naman ako lumalabas ng kwarto ko ay sinusubukan kong i-visualise ang ibang mga kwarto gamit ang mga bagay na nasa loob nito.

Kumunot ang noo ko nang makarinig ako ng mabibilis na yapak at papalapit ito sa direksiyon ng kwarto ko. May ilang mga tao na tinanong kung sino siya pero hindi ito sumagot. Linubog ko nang bahagya ang ulo ko nang marinig kong bumukas ang pintuan ng kwarto ko at mukhang alam nito na nasa banyo ako dahil mas lumalakas ang mga yapak niya.

"Vida..." Lumingon ako sa pintuan nang ibalibag ito ng pumasok. Napapikit nang mariin ako nang buksan niya ang ilaw. Nang imulat ko ang mga mata ko para tignan kung sino ang pumasok ay nakita ko si Iago na hindi pa rin gumagalaw mula sa pintuan.

"Iago..." Tawag ko. Umahon na ako sa bathtub at inabot ang tuwalya na nakatabi sa gilid. Habang pinupunasan ko ang katawan ko narinig ko ang pagyapak ng mga paa niya palapit sa akin.

Ilang linggo na mula nang iwananan nila ako dito sa kwarto, hindi ko alam kung nasa Zone 6 o Zone 3 ako. Hindi na ako nagtangkang umasa na ligtas na ako dahil sa kaalaman na dahil lang dalawa ang na-manifest kong abilidad ay tinuring na akong threat ng buong Syv kahit na wala pa akong ginagawa.

Regular nila akong binibigyan ng pagkain pero kahit na nagugutom ako ay sinusuka ko lang ang mga 'to. Noong isang linggo ay tinanggal nila ang mga tahi ko at mga bakas na alam kong mamemeklat ang nakikita ko. Medyo tumutubo na rin ulit ang buhok ko pero hindi na tinutubuan ang banda kung saan may tahi.

Patuloy sila sa pagtatanong sa akin kung ano ang nararamdaman ko o kung nakakarinig pa ba ako pero hindi ko sila tinutugunan, hinayahaan ko lang sila na magsalita, hindi rin naman nila ako pinipilit na magsalita.

Habang mag-isa ako wala akong ibang iniisip kundi kung gaano kasakit ang buong katawan ko. Naghihilom na ang mga sugat ko pero parang araw-araw itong nagbabago dahil sa hapdi, mas lalo na sa ulo ko, maya't maya ay may parang tumutusok na kung ano.

Tinitigan ko lang ang tao na nag-check sa akin na umalis bago ko pinatay ang mga ilaw saka tumungo sa banyo. Pinatulo ko ang tubig ng shower para mapuno ang bathtub na nasa baba nito. Pumintig ang mga tainga ko sa bawat pagtulo ng tubig pero hinayaan ko lang 'to.

Inangat ko ang tingin ko, nakita ko ang nag-aalalang mukha ni Iago saka niya kinuha ang tuwalya at siya na ang nagpunas ng katawan ko. Hinawakan niya ako na para akong babasagin na bagay, napansin ko na namumula ang mga mata niya at may tumulong luha mula sa mga 'to.

The Grim CovenantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon