II.iii

31 2 0
                                    

Merciful

Pinalibutan ako agad ng anim na Proxime ng Zone 6 nang iangat ko ang upuan. Sinubukan nila akong pigilan pero lahat sila iniwasan ko. Malabong nasusundan ng ibang Proxime ang mga galaw namin pero napansin kong gumalaw ang ibang Proxime ng Zone 5 at nagsimula rin na atakehin ako.

Bumalik ako sa tamang wisyo dahil sampung tao na ang nakapaligid sa akin. Kahit na isa akong Synesthete, hinding-hindi ko matatalo ang anim na tao. Hindi ko kailangan magkaroon ng mutated mind para malaman 'yon.

Nakita kong aatakehin ako ng isang Proxime ng Zone 5 at 6 kaya binaba ko ang upuan sa gitna nila, at pareho silang napasubsob dito. Para bang matagal na nilang planado ang mga galaw nila dahil laging magkasabay umatake ang isang pares ng taga-Zone 5 at 6, habang ang isang taga-Zone 6 ay napansin kong tumabi na lang, umiiwas sa labanan.

Limitado lang ang pwedeng maging Proxime sa bawat Zone. Sa Zone 1 ay iisa lang ang Proxime, dalawa sa Zone 2, tatlo sa Zone 3, at vice versa. Nakaupo lang ang Proxime ng Zone 1 at hindi interisado sa nangyayari, samantala ang ibang mga Zone ay umaatake ang iba at may iisa lang na hindi sumasabak.

Kinapa ko ang bulsa ko kung nasaan ang isang gadget na binigay sa akin ni Ciena. Lahat ng pares ng pantalon ko linagyan niya nito para pwede ko 'tong gamitin sa kahit anong sitwasyon.

Sandali kong sinulyapan ang Proxime ng Zone 1 at mabilis na dinuraan ang mga mata niya na agad nagpapikit sa kanya. Hindi kaaya-aya pero kinailangan kong gawin 'yun para sa susunod kong gagawin na hindi niya pwedeng makita.

Pasimple kong dinikit sa upuan ang gadget na kasing liit lang ng butones. Yumuko ako agad at madiing pinikit ang mga mata. Nahagilap ko ang nakakabulag na liwanag. Bumilang ako hanggang lima gaya ng instruction ni Ciena bago ko minulat ang mga mata ko at nagpakita ang isang hologram na binase sa akin.

Agad akong lumayo sa nakapaligid na mga Proxime habang ina-adjust pa nila ang mga paningin nila. Nagtago ako sa likod ng Proxime ng Zone 1 dahil lahat sila ay nakatalikod sa kanya at habang nakikita nila ang hologram ko ay hindi nila aalisin ang tingin nila doon.

Naka-program ang hologram base sa mga galaw ko. Kinuhanan ako ng video ni Ciena habang nagpra-practice kami at iyon ang pinapakita ng hologram ngayon. Umamba ng suntok ang isang Proxime ng Zone 5 at imbes na ako ang masusuntok nito ay ang isang Proxime ng Zone 6 ang natamaan niya, sumabay ito sa galaw ng hologram kaya nagmukhang ako ang sumuntok sa Proxime ng Zone 6.

Napakagat ako sa dila nang tumilapon ang Proxime ng Zone 6 at tumama sa pader. Duguan agad ang pader at napangiwi na lang ako nang marinig ko ang pagdurog ng buto niya. Dito na nagalit nang tuluyan ang mga Proxime ng Zone 6 at halatang hindi na nila iniisip ang mga ginagawa nila dahil wala na silang pakialam kung ang hologram ko o ang ibang mga Proxime ang nasasaktan nila.

Dinidepensahan lang ng mga Proxime ng Zone 5 ang mga sarili nila pero hindi sila lumalaban pabalik, mukhang alam nila na wala na sa tamang pag-iisip ang mga Proxime ng Zone 6 pero dito sila napuruhan. Hindi nila sila magawang patigilin hanggang matumba ang tatlo sa kanila dahil sa pagod at mga sugat na hindi nila namalayang binigay ng mga Proxime ng Zone 6.

Iisang taga-Zone 5 lang ang natira at mukhang siya ang may pinakawalang pasensiya sa kanila. Sinugod niya ang mga taga-Zone 6 at ilang minuto lang ang kinailangan niya para patumbahin silang lahat. Narinig ko ang mabilis na paghinga niya nang matapos  siya saka humawak sa upuan na linagyan ko ng hologram na chip. Napatingin siya sa direksyon ko at malamig ko siyang tinignan hanggang maging puti ang mga mata niya at maglumpasay sa sahig.

Mahigpit na pinagbawal ni Ciena kay Zion na 'wag hawakan ang mga chip na 'to dahil naka-register lang 'to sa akin at kukuryentehin nito lahat ng mga hahawak nito maliban sa akin.

The Grim CovenantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon