CHAPTER 31: Thirty-One Seduce

3.2K 108 6
                                    




[CHAPTER 31]





"Miss Laine??"

Agad akong napatingin sa isang staff na nakatayo sa harapan ko.

"Ha??"

"Ikaw na po ang susunod" paalala Niya.

Tumango nalang ako at tumayo. Napatingin ako sa salamin at nakita ko ang mukha kong wala ng buhay. Namumugto Ito sa pag iyak ko pero nasapawan Naman ng make up na nakalagay sa mukha ko. When the host announce my name agad akong lumabas at kahit Parang broken I still stand out. Hindi bagay sa outfit ko ang maging broken. I chin up and walk confidently on the red carpet stage. Different camera's capture every of my move and walk.

This is our last day and we will go home tomorrow. But I prefer to stay. Gagawin ko monang bakasyon Ito habang nandito ako. I already cancelled my flight kaya Wala ng problema. I was supposed to tell this kahapon kay Whitaker pero yon nga Hindi na natuloy dahil sa sinabi niya.

I did not open my social medias account maging ang phone at laptop ko ay hindi ko din binuksan. I don't want to see the news o kung ano mang balita tungkol sa company. Kaya namang patakbuhin yon ni Kuya kahit wala ako. I need to clear my mind. Gusto ko sa pagbalik ko ay maayos na ako. Na kaya ko ng harapin si Whitaker at Rhose.

Natapos na nga at isa-isa na kaming nagsi-ayos.

"Laine" tawag sa akin ng isang kasama ko sa modelling.

"Yes?" Habang patuloy na sinusuklay ang buhok ko.

"May gagawin ka mamaya??" Nakangiti niyang tanong.

Napaisip Naman ako at agad na umiling. "Wala Naman"

"Nice!!" Agad niyang pag palakpak. "Pupuntahan kita mamaya sa room mo but you need to change. Sasama ka sakin mamaya"

Tatanongin kopa Sana siya sa kung Saan kami pupunta ng agad na siyang tumalikod at lumabas. Napabuntong hininga nalang ako. After kung mag ayos ay lumabas nadin ako at tinungo ang room ko. Balak ko sanang magpahinga pero sasamahan kopa si Maritte mamaya.

Pasalampak ko nalang na naihiga ang katawan ko sa kama at nakatitig lang sa kisame. Hindi ko alam kong Anong oras na ng bumangon ako. Nakatulog pala ako damn!

Naisipan ko nalang na mag shower dahil sa wala pa Naman si Maritte. After taking shower, namili na ako ng susuotin ko. A simple black sleeveless dress na talagang bumagay sa akin.

Napatingin ako sa pinto ng may kumatok. Tinapos ko muna ang pag suot ko ng earrings bago tinungo Ito at binuksan.

"Aish! Nakakainis yung guard sa baba!" Agad na reklamo Niya sabay pasok sa loob, muntik pa akong mapaatras dahil sa maypa action-action pa ng kamay.

"Ano bang nangyari??" Tanong ko.

Hinarapan Niya ako at talagang makikita ang inis sa mukha Niya Parang sasabog na nga.

"Eh Parang hindi ako kilala! Hindi pa Sana ako papasukin kong hindi lang dahil kay Kuya!" Inis na sabi nito.

Nagtaka Naman ako. "Bakit ka Naman hindi papasukin??"

Kumalma Naman Ito at agad na umupo sa couch. "Eh hindi Naman Kasi talaga ako natutulog dito. I mean...mas pinili kong sa bahay nalang kisa dito. At least makikita at makakasama kopa ang pamilya ko" paliwanag Niya.

"So..may bahay kayo dito??" Medyo gulat na tanong ko.

Tumango Naman siya. "Oum. Matagal nadin akong hindi nakabalik dito dahil sa pageant so I prefer na doon nalang sa bahay"

Seducing The Billionaire (Billionaire Series #3)[COMPLETED]✓Where stories live. Discover now