CHAPTER 06

1.6K 105 4
                                    

CHAPTER 06

CLOVER'S POINT OF VIEW

NGAYON NA. Ngayon na ang araw na hinihintay ko, kung saan magsisimula ang nobela, kung saan magkikita kami ng babaeng bida. Busy ang lahat ng maids at tarantang-taranta habang inaayusan ako, may mga bitbit na burloloy at itinatapat sa akin para tignan kung bagay sa bestidang suot ko.

Ngayon na magaganap ang Royal Banquet!

"My Lady, how about this one? This will suit to your dress!"

Panay ang pag-susuhestiyon nila sa akin ng mga alahas at ako hindi naman makasagot dahil sa nerbyos at hilo. Nerbyoso kasi baka may masamang mangyari pagpunta ko roon, at hilo kase ang daming pumapaligid sa 'kin!

"I think a curly half-up hairstyle will suit to her."

Napatingin ako sa sarili. Ang bestidang suot ko ay abot hanggang lapag, green-blue ang kulay at may mga bulaklak na nakadikit sa gitna. May pakislap-kislap pa ito na parang mga bituin. Ang tanging alahas lang na suot ko ay kwintas at hikaw na mabigat. Sa buhok naman ay may mga inipit na mga rosas na pula, may maliliit at may malalaki. Nilagyan din nila ako ng make-up sa mukha.

Seryoso, para na akong um-attend ng prom nito. Dati nga noong grade 10, napilitan lang akong pumunta sa graduation ball kase tinakot ako ng nanay kong amazona na mag-aral sa probinsya. Hindi naman sa may problema ako sa pag-aaral sa probinsya pero gusto ko pa makasama mga ka-tropa ko. Pero ngayon wala na kase patay na ako sa dating buhay.

"Alright, Milady! Please wear these heels!" sambit ng isang kasambahay habang hawak-hawak ang isang kulay itim na sapatos na may mataas na takong. Napalunok ako. Madidisgrasya ako sa mga pinapasuot nilang 'yan! Ayoko!

Umiling ako nang mabilis habang pinapawisan nang malamig. "I can't wear that... thing."

"Why, my lady? This will suit to your dress."

"No please!"

Sa huli, napilitan akong suotin ang mga 'yon. Kapit na kapit ako sa cabinet malapit sa 'kin baka sakaling ma-out of balance ako. Man, hindi ko kayang maglakad nang may mataas na takong! Mapapahiya ko lang sarili ko doon, itaya ko pa buhay ng Duke.

"Oh, wait for here, Milady! We're just going to get something." Halos lumabas ang mata ko dahil sa munting pag-asa na 'yon, naghintay ako saglit para makalabas lahat ng maid saka dali-daling hinubad ang heels. Pinalit ko iyon ng monk shoes saka itinago sa aparador ang takong. Ganoon rin kabilis ang pagtayo ko nang maayos sa pagpasok ng mga maid.

Success! Mwehehehe!

Pagkababa ko ay nasalubong ko ang Duke at Dukesa, nakabihis sila nang mala-maharlika. Naroon din pala si Devien.

"Oh my! You look stunning, my darling!" sambit ng Dukesa sabay haplos sa pisngi ko, nagulat naman ako doon at hindi nakagalaw. Ilang segundo ang lumipas ay nakapagsalita na rin ako. "Thanks?"

"Make sure you don't cause a scene this time, Rouge," striktong sabi naman ng Duke sabay naunang umalis. Kumunot ang noo habang pinagmasdan siyang umalis saka napapikit at bumuntong-hininga. Wala naman akong balak gumawa ng gulo, tatambay lang naman ako sa gilid doon habang nilalantakan ang mga pagkain. Buhay ko nakataya rito, ayokong mapatay sa kamay ni Maxfield. Delikado ang taong 'yon.

Pagkadilat ko ay saktong napatingin ako kay Devien, halos atakihin akong muli sa gulat dahil sa paninitig niya. Nameywang ako at siga siyang kinausap. "What are you staring at, again?"

Humalukipkip ito. "Just to inform you, my lady, I will be the one escorting you there."

Anong konek?

Why So Troublesome, Villainess? (Multiple Universe #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon