Chapter 17 TATVSW

73 5 1
                                    

"Pa-english-english pang nalalaman!"


Nasa university court ako ngayon kasama ang ibang SSC members, nag-aayos na kasi kami ng court para sa set-up mamaya, walang pasok ang lahat ng grade levels, maliban na lang sa mga athlete na kinakailangan mag practice, pero maari naman pumasok ang ibang students kung gusto nila manood ng election na saglit lang.


Ang voting ay sa online form upang mapabilis ang pagbibilang dahil hundred thousand ang students dito, pero makaka-vote ka lang sa university app namin, kapag wala kang ID code ng university na si Dean ang nagbibigay once you enroll here ay hindi ka makakapag-vote. Students lang naman ang pwede mag vote, bawal ang mga hindi students dito, maraming sikat na students dito kaya hindi makatarungan 'yon.


"Kanina ko pa napapansin, bakla, ha! Kanina pa magkarugtog mga kilay mo. Mukha ka ng si Angry Bird."Sabi ni Chase at marahang tinusok ang kanang kilay ko kaya umiwas ako sa kaniya, hindi ko siya sinagot at binuksan na lang ang LED Screen ng stage dito, magp-pop up mamaya dito ang mga picture ng candidate and platforms nila.


Pero oo, salubong talaga ang kilay ko, kagabi ko pa iniisip kung ano ang ibig-sabihin ng 'numbed' i mean, i know the literal meaning pero hindi ko alam kung bakit ako sinabihan ng ganoon ni Cielo. Ako? Manhid? Aish!


Nang matapos ko buksan ang stage screen ay bumaba na ako upang kuhain ang mga upuan na uupuan ng kada-candidate sa stage, medyo may kabigatan ang bawat upuan dahil pinagawa pa raw ito ni Dean para lang sa election na ito. Wala ang ibang boys dahil sila ang nagsasabit sa taas ng kung-ano-ano.


"Let me help you."Lumingon ako sa nag salita kaya sandali kong binitawan ang upuan, nakita ko si Zeus na naka-suot ng formal attire ngayon, hindi naman required na mag school uniform ngayon dahil wala namang pasok. "Sigurado ka? Kaya ko naman."Sabi ko rito.


Lumayo ako kaunti sa kanya upan gmabuhat niya ang upuan, binuhat niya ito effortless na parang unan lang ang binuhat niya. Paulit-ulit ang ginawa namin hanggang sa maibaba na niya ang huling upuan, pinagpagan niya ang dalawang kamay niya bago ako lingunin.


"Ba't?"Tanong ko dahil nakita ko na naman ang uncommon na tingin niya sa akin, ito rin ang tingin na binigay niya nang mag-usap kami. "Uh... Have you have your breakfast? If not, would you mind if I invited you to breakfast with me?"Tanong nito.


Ngayon ko lang masasabi na ibang Zeus ang kaharap ko ngayon, hindi ito ang Zeus na lagi ko napapansin dahil tahimik ito, laging tutok sa libro at hindi man lang kayang tapunan ng tingin ang mga babaeng nakapaligid sa kaniya. Should i say yes? Naalala ko tuloy na wala pa akong experience sa ganito, wala rin naman lumalapit sa akin. Subukan ko kaya?


"It's okay if you don't want to.---"Tumango lang ako at tipid na ngumiti, sinusubukan ko na... Sana naman tama 'tong ginagawa ko, maaari ba na sarili ko naman? Kahit, one percent lang.


NAGLALAKAD na kami ngayon papunta sa cafeteria, gusto niya sana akong ayain sa coffee shop dito sa university kaso tumanggi ako, maraming mga kainan dito pero hindi ang typical na mga kainan sa labas na kilala, mostly, mga food shops dito ay gawa ng mga graduated sa culinary na ngayo'y tanyag na mga chefs na. May bilihan nga ng damit dito pero formal wear naman, may imac rin. Nakakalito na rin minsan, mall ba 'to or university? Pero minsan lang naman 'to bukas at hindi always, may rules din kasi dito patungkol sa mga stores dito.

The Art of The Vengeance of a Superior Woman || ON GOINGWhere stories live. Discover now