Chapter 39 TATVSW

39 3 0
                                    

"Mr. Cielo Tolfanco!"


18 Roses na ngayon at turn na nga ni Cielo, nagawa pa akong ngisian ni Zavia kaya umiwas na lang ako ng tingin. Alam  ko naman na inaasar niya lang ako at iniinggit, as if naman maiinggit ako, marami namang ibang lalaki diyan na gusto akong masayaw. 


"Why... Daddy dancing with another girl and not you, Unnie?"Nagtaka ako sa biglang tanong ni Eli sa akin, mabuti na lang at mahina ang boses niya kaya hindi narinig nila Ezlyn ang pagtawag ni Eli ng Daddy kay Cielo. 


"Since she is included at 18 roses because 1 rose equals 1 male who will dance with your unnie Zavia."Pagpapaliwanag ko sa kaniya kaya napanganga siya at napatango-tango. "Oh... so Unnie, when I grow up, I'll have this experience as well?"Tanong niya pero tumango na lang ako.


Hindi ko pa nga secured ang future nila kaya hindi ko masasabi kung matutupad ko pa ang pagkakaroon niya ng debut, at kung hindi naman, maiintindihan naman siguro niya na hindi ko kaya dahil mag-isa lang akong nagtra-trabaho.


Ang second to the last ay ang father ni Zavia, habang ang pinaka-last ay si James kung saan ay mas maganda pa ang flower niya kaysa sa mga naunang nakasayaw ni Zavia. Nang matapos ang 18 roses ay naupo na ang lahat, kinuha ni Zavia ang mic at marahan muna itong tinap upang makasigurong bukas ito. 


"As a debutante, I don't want my 18 roses to finish here, so I'd want to make a request, and that is for all of us to find our partner and dance with them. But I have a particular request for Ate Elishiana, my friend."Napahinto ako sa pagsubo ng pagkain dahil sa narinig ko ang pangalan ko. Tinuro ko ang sarili ko upang makasigurong ako nga ba ang tinutukoy ni Zavia at tumang-tango siya--- Luh? Ba't ako?


"May you please dance with Mr. Cielo?"Kumabog nang malakas ang puso ko dahil sa naging request niya, Aishh! Pwede bang tumanggi? Tinutukso na nila ako. Ano ba naman 'to, Lord? Pilit na akong lumalayo, eh. Bakit naman maypa-request? Pinanlakihan ko ng mga mata si Zavia pero umiling siya. "Pleaseee?"


"S-S-Sige lang... Hehehe."Sa huli ay wala akong nagawa lalo na at nagsisipuntahan na sa gitna ang mga taong sasayaw din, hinanap ng mga mata ko si Cielo na kanina pa pala ako hinahantay na magpunta sa gitna, ito namang taong 'to, G kaagad! 


"Sinuhulan mo si Zavia, Ano?"Tanong ko ka agad nang magkalapit na kaming dalawa. Nangunot naman ang noo niya. "Siy-Now-Hulan?"Umirap na lang ako at hinintay na tumugtog ang kanta. Sumali rin si JC at ang magiging kasayaw niya ay si Eli. 


Nang tumugtog na ang musikang 'Old Love by Yuji, Putri Dahlia' ay si Cielo mismo ang kumuha ng kaliwang kamay ko at inilagay niya ito sa balikat niya, at saka niya hinawakan ang kanang kamay ko gamit ang kaliwang kamay niya, habang ang kanan niya ay nasa bewang ko. 


Habang tumatagal ang kanta ay hindi ko namamalayang ang dalawa kong braso ay nasa leeg na niya, at ang mga kamay niya at nasa bewang ko na, ang kada haplos ng kamay niya sa tagiliran ko ay damang-dama ko. No--- This isn't right! Kumalas ako sa pagkakakapit ko sa kaniya at dali-daling nag tungo sa banyo. 


Nang makapasok sa girl's bathroom ay isa-isa kong tinignan ang cubicles, lahat ay walang laman. Nang tumingin ako sa salamin ay ang syang pagtulo ng luha ko--- Aish! "Hindi, Elish! Masyado ka lang Oa. Sayaw lang naman 'yon, ba't ka naiiyak diyan?"Tanong ko sa sarili ko sa salamin at dinuro pa siya.

The Art of The Vengeance of a Superior Woman || ON GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon