Chapter 41 TATVSW

40 2 0
                                    

"D-Do i really have to tell you how i felt just for you to... t-talk to me?"


Naalimpungatan ako nang makaramdam ako ng mainit na hangin na nasa banda noo ko, nang maidilak ko ang mata ko ay bumungad sa akin si Cielo na nanatili pa rin ang bakas ng pag-iyak sa mukha. 


Ang malala pa ay nakasuksok ako sa dibdib niya na agad kong ikinabigla kaya dali-dali akong tumayo at lumayo sa kaniya. Hinila ko pa ang isang unan upang itakip sa aking dibdib sa kadahilanang--- alam niyo na, malamig pa naman ang panahon kaya maaring bumakat. 


"A-Anong ginagawa mo rito sa lapag!?"Ani ko, mahina man ngunit mayroon diin sa tono. Ahhh this man! Ang akala kong panaginip ko kaya may naririnig akong nagsasalita ay hindi na pala! At kaya naman pala ang himbing ng tulog ko ay dahil sa init ng katawan ni Cielo na bumabalot sa'kin.


"S-Sorry... I can't resist to hug you when i woke up."Ani niya, tila nanlambot naman ang damdamin ko dahil sa naging boses niya kaya agad akong mabilisang lumapit sa kama na nasa sahig kung saan ako natutulog at agad hinigit ang bra ko na naka-tago lang sa isa pang unan na sandalan ko at nagtungo sa banyo upang magbihis.


Nang lumabas ako ng banyo ay naka-indian seat na si Cielo ngunit nasa kama ko pa rin na nasa sahig. Lumapit ako sa kaniya at kinapa ang kaniyang noo at leeg. "Masama pa rin ba pakiramdam mo?"


Hindi niya ako sinagot, bagkus ay tinitigan niya lang ako nang matagal. Yup... Andito si Cielo sa loob ng kwarto ko, kahit sa kagustuhan ko na sa loob na lang sana ng kwarto ni JC dahil lalaki siya ay hindi ko naman mababantayan itong lalaking 'to, mahirap naman kung mag labas masok pa ako at baka maistorbo ko si JC na napuyat kagabi kakatulong sa'kin.


Ewan ko ba, imbis na sana ang una kong gawin ay tawagan ang mga kaibigan niya o mga magulang niya upang ipag-alam na andito si Cielo ay hindi ko magawa, para kasing pasan-pasan ko na yung responsibilidad na alagaan siya dahil kundi siguro dahil sa'kin ay wala sigurong ganito, lalo na't nahimatay pa ang mokong na 'to.


"Elish?"Pagtawag niya matapos ang matagal na katahimikan at pagtitig niya lang sa akin. "Bakit? may masakit ba sa'yo?"Tanong ko.


"Can you never forget that i want you? more than just i like you..."Hindi ko alam kung tanong ba iyon o isang utos na sinasabi niya na huwag ko ngang kalimutan na mayroon siyang damdamin para sa'kin. Imbis na matuloy pa ang drama kahapon ay tatlong beses na lamang akong tumango... In fact, i never forget it, it's just that i am the problem here.


"Osya, kukuha lang ako ng extra bath essentials sa baba, magluluto na rin ako ng pagkain para makainom ka na ng gamot. May gusto ka bang i-request na lutuin ko para sa'yo?"Masinsinang tanong ko sa kaniya, ngumiti siya nang malawak na tila ba kinikilig sa mga sinabi ko pero sa huli ay umiling-iling siya.


"O sige, bumalik ka na sa kama dahil malamig ang sahig. Sige na... Lalabas na muna ako at magpahinga ka muna, ha?"Sabi ko at tumayo na, tinaas naman niya ang dalawang kamay niya na senyales na nagpapatulong sa pagtayo. Nang hawakan ko ang kamay niya ay naramdaman ko ka-agad ang init na nagmumula sa katawan niya.


Nang lumabas ako ng kwarto ay agad akong nagtungo sa baba upang kumuha ng mga bath essentials na ipinahatid ko kay JC sa kwarto ko dahil maghahanda na ako ng mga ingredients para sa lulutuin ko. 

The Art of The Vengeance of a Superior Woman || ON GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon