11

17 8 3
                                    

“Dito na pala titira si Papa.” nakangiting bungad sa akin ni Lanz.

Nasa hapagkainan kami ngayon kasama ang Mommy at Papa niya kahit na kumilos si Lanz ng kakaiba at kumausap na tila hangin sa iba ay hindi na iba ito sa Mommy niya dahil tanggap na ng Mommy niya na may tinatago itong potensyal na makakita ng mga kaluluwa simula nung mahospital si Lanz. Ngunit ang Papa ni Lanz na matagal niyang di nakasama ay maguguluhan ito kung sino ang kinakausap ng anak niya.

“Anak, Lanz? Sino kausap mo?” naguguluhang tanong ng Papa niya.

“Kaibigan ko pong kaluluwa.” sagot naman ni Lanz. Imbis naman na magulat ang Papa niya ay napangiti pa ito.

Naipasa ko pala sa'yo ang potensyal kong 'yan.” nagulat kaming dalawa ni Lanz ng marinig namin 'yun galing sa Papa niya.

“Nakakakita ka rin po ng kaluluwa, Pa?” namamanghang tanong ni Lanz.

“Noon, mga kasing-edaran mo ako nung ipatanggal ng lolo ko ang ganyang potensyal ko dahil lahat ng mga kaluluwang di matahimik ay humihingi sa akin ng tulong at minsan pa'y 'di lilipas ang oras ng di ako nasasapian. Natakot sila na baka di ako maging normal kaya naisipan na rin nilang ipatanggal sa kagustuhan ko na ring maging normal ang buhay ko.” kwento ng Papa niya. “Ikaw ba ginugulo ka rin ba ng mga kaluluwa? Gusto mo ipasara na rin natin ang third eye mo?” habol na tanong nito pero mabilis na umiling si Lanz. Walang ekplenasyon si Lanz pero ramdam ko sa mga mata niya ang sinseridad na gusto niya talaga akong tulungan.

Lumipas pa ang ilang minuto ay wala ng gumawa ng ingay sa kanila. Tinitignan ko lang silang kumakain. Nakaramdam ako ng inggit kay Lanz dahil buo na ang pamilya niya at sana ganoon rin ako, bakit kasi ang unfair ng mundo. Ang aga aga ko namang namatay, gusto ko rin sanang maranasan ang kung anong pakiramdam ng may nagmamahal na pamilya.

'Nasaan na kaya ang pamilya ko? Bakit hindi man lang nila ako dinadalaw, ni-anino nila ay wala pa akong nasisilayan. Kamukha ko rin kaya ang mama ko? Anong ugali kaya ang nakuha ko sa papa ko? May kapatid rin kaya ako?'

Andaming tanong ang pumapasok sa isip ko ngunit wala man lang kahit isang sagot ang kaya kong sagutin dahil nga pagkatao ko mismo ay hindi ko alam.

“Ah Lanz, gusto ko magkaroon tayo ng bonding dalawa, alam mo na father and son. Yung kagaya ng ginagawa natin dati.” nagpagpag na ng damit ang Papa ni Lanz at hinugot ang cellphone niya sa bulsa niya. “Secretary Madeline? Cancel mo lahat ng meeting ko now hanggang bukas. May importante akong gagawin.” sabi nito sa cellphone.

“Oo anak, matagal mo ng di nakakasama 'yang Papa mo. Need niyo nga magbonding.” sabat naman ng Mommy niya.

“Talaga ba? Sige pa ligo lang ako.” nakangiting tugon ni Lanz at nagmadali ng pumasok sa kwarto niya para mag-gayak ng kanyang susuutin.

Agad akong tumanggi ng tinanong ako ni Lanz kung sasama ba ako dahil ayaw kong makisapaw pa sa bonding nilang mag-ama. Sinabi kong dito nalang ako sa bahay at matutulog para kahit wala siya ay hindi ako makasira o makapahamak dito sa loob ng bahay nila.

Lanz Point of View

Iniwan kong tulog si Glezer dahil sinabi niya na hindi na siya sasama dahil nga minsan na nga lang daw kami magsasama ni Papa tapos baka nasa kanya lang ang atensyon ko kaya matutulog nalang siya sa bahay.

[PUBLISHED BOOK] Cry the Pain I'll Leave BehindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon