15

14 8 4
                                    

Lanz Point of View

Matapos kong kumanta sa harap ng puntod ni Papa ay bigla ko nalang naalala si Glezer.

'Nasaan na kaya 'yun? Alam kong bawal 'yun lumayo sa akin eh.'

Ibinaba ko ang bitbit na gitara ko at nagsimulang itulak mag-isa ang gulong ng wheelchair na kinauupuan ko.

Pumasok ako sa kwarto at inilibot ang bahay ngunit hindi ko man lang makita maski dulo ng buhok niya.

Naglibot pa ako hanggang sa may narinig akong ingay sa labas. Hindi ko alam kung bakit kaya dali-dali ko itong pinuntahan.

Paglabas ko ng bahay ay nakita ko si Vice Mayor at ang pamangkin niyang si Bhrent. Nang makita ako ni Bhrent ay ngumiti siya sa akin at agad na lumapit sa akin.

“Pare!!! Kumusta kana?” bungad na tanong niya pero tinignan ko lang siya. Wala akong balak na pansinin siya ngayon dahil wala ako sa mood. “Ano pare hindi mo ba ako kakausapin?” dahil sa pangungulit niya ay wala na akong nagawa kun'di pansinin siya.

“Ok lang.” maikling sagot ko.

“Grabe ka pare, nung huling kita ko pa sa'yo ay nakasakay ka sa kotse. Ngayon sa wheelchair na? What a from the top make it drop desuwe desuwee♪♪” pang-aasar niya pa. Nagsimula pa siyang magsalita hanggang sa patuloy tuloy na pagkwento niya pero ni isa ay hindi ko na inintindi at tinuon nalang ang pag-iisip sa paghahanap kay Glezer.

Nang maalala ko yung laruang kandila ay agad akong nagmadaling pumasok ng kwarto. Hindi ko na pinansin kung mababastusan sa akin si Bhrent dahil sa nagkukwento siya pero nilayasan ko. Hinanap ko ang kandila dahil baka namatay at naubusan na ng battery.

'What if bumalik na pala si Glezer sa sementeryo?' nag-aalalang tanong ko sa sarili ko.

Nang makita ko ang laruang kandila ay nakahinga ako ng maluwag ng makitang naka-on naman ito. Pero nasaan na ba si Glezer? Nagtampo kaya sa'kin yun dahil maghapon ko siyang hindi pinansin?

Lumipas ang ilan pang mga oras ay nandito lang ako sa kwarto, nag-hihintay sa pagbabalik niya. Naisipan ko na ring pumunta ng sementeryo, sa puntod niya pero masyado pa akong mahina mas mabigat pa ata ang wheelchair ko kaysa sa katawan ko.

Napatigil ako sa pagmumukmok ng biglang tumunog ang cellphone ko. Tinignan ko kung sino ang tumatawag pero unknown contacts ang tumatawag.

'Hindi ko kaya sagutin? Pero what if kung si Glezer 'to? Tinuruan ko siyang magcellphone kaya What if kung siya nga ito?'

Napakalaking ngiti ang nanalaytay sa mga labi ko dahil sa mga iniisip ko. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon kapag naiisip ko si Glezer. Bigla nalang kasing tumitibok ng mabilis ang puso ko lately at hindi ko talaga maintindihan ang nangyayari.

Nang matapos na akong mag-imagine ay tsaka ko lang naalala na may tumatawag pala kaya agad-agad ko na itong sinagot dahil baka nga tama ang nasa isip ko.

Pero kumupas ang mga ngiti ko sa labi ng ibang boses ang narinig ko.

“Good day! Ako si Dr. Roquezell, college dean ng PSM University. Gusto ko lang ipaalam na congratulations! You are qualified to take the  PSM College Admission Test after thorough evaluation of the documents you have sent together with the information you have provided during the registration period last month. With this, We will send on your email the scheduled to take the examination. Thankyou.”  hindi ko alam kung matutuwa ako na nakapasa ako sa unang screening ng pangarap kong university sa Manila o malulungkot dahil hindi ko pa rin alam kung nasaan ba talaga si Glezer.

“Noted po Mr. Roquezell.” nasagot ko nalang at ibinaba na cellphone ko.

Pinag-iisipan ko nalang tuloy kung itutuloy ko pa ba ang college ko? Ang pangarap ko? Kailangan this week ay makahanap na uli ako ng dorm sa Maynila para may time pa ako na mag review this month, pero paano ko gagawin 'yun kung hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makita si Glezer.

Nagulat ako at bumalik sa karimlan ng aking isip ng makarinig ng putok ng baril na nagmumula sa labas, sa burulan ni Papa. Nagmadali akong itinulak ang mga gulong ng sinasakyan kong wheelchair ng marinig kong nagsisigawan na ang mga tao sa labas.

Kahit hirap na hirap na ako ay minadali ko talaga ang pag-punta sa labas. Paglabas ko ay nakita ko na nagsisitakbuhan na palayo ang mga bisita at ang mga mesa, upuan at trapal ay nagtumbahan na. Nainis ako ng makita si Mommy at ang Nurse niya na nasa gilid ng kabaong ni Papa habang takot na takot. Nakayakap ang Nurse kay Mommy.

“Anong naririnig kong usap-usapan na magkakaroon uli ng bagong botohan?! Kaya ko nga pinasira ang preno ng sasakyan ng nasirang Mayor dahil gusto kong palitan siya! Eh putangina niyo pala mag-isip. Hindi ba ako karapatdapat maging alkalde dito?!” napayukom ang mga kamay ko ng marinig ang sigaw ni Vice Mayor Benjie—tito ni Bhrent.

Nanginig ako sa galit ng marinig mismo mula sa bibig niya na siya ang puno't dulo ng aksidente namin ni Papa at pagkamatay nito.

Hindi ko na alam ang ginagawa ko pero galit na galit akong sumugod sa Vice Mayor kahit nakasakay pa ako sa wheelchair. Wala na akong iniisip kun'di makaganti at mapatay rin siya. Susunggaban ko na sana siya ng suntok ng bigla niyang itinutok sa akin ang baril na hawak nito at napapikit nalang ako ng bigla niya itong pinaputok.

Nakakarindi ang putok at alam kong sa akin niya mismo iyon binaril. Ayaw kong dumilat dahil alam kong makikita ko lang si Mommy na nasasaktan. Kung sa akin niya talaga pinutok yun ay alam kong katapusan ko na. Ramdam ko na ang pagtulo ng mga luha sa mga mata ko kahit nakapikit ako.

Rinig na rinig ko na rin ang mga iyakan ng mga taong nasa paligid ko. Ayaw kong dumilat kasi natatakot akong malamang mamamatay na ako.

Tama na siguro to. Tama na magkasama na kami ni Papa.

Iyakan, hagulgol, ingay, sigawan at salitaan. Yan lang ang naririnig ko.

Lumipas ang ilang mga segundo ay nagtataka ako na wala akong nararamdamang sakit kaya dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko.

Babaeng nakaputing bestida ang nakatalikod sa akin. Mahaba ang mga buhok at kilalang kilala ko siya kahit nakatalikod.

Nakatalikod sa akin si Glezer at kita kong salong salo niya ang bala.

Hindi ko alam kung paano niya nagawang mapigilan at hindi man lang tumagos sa kanyang kaluluwa ang bala pero isa lang ang alam ko, ligtas ako at niligtas niya ako.


-
enjoy reading.

[PUBLISHED BOOK] Cry the Pain I'll Leave BehindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon