20

12 4 0
                                    

Lanz Point of View

Nandito na kami sa Maynila ngayon ng mga kaibigan ko, humiwalay na samin sila Jeanell at Joniel. Ang kasama ko nalang sa kotse ko ngayon ay si Bhrent at si Glezer.

Wala pa akong pahinga simula nung ilibing si Papa kahapon. Hindi na ako nakatulog pag-uwi namin dahil masyado kong sinisi ang sarili ko dahil sa maagang pagkawala ni Papa. Hindi pa ako nakakabawi sa kanya. Bakit kung kelang mabubuo na ulit ang aming pamilya ay doon pa siya nawala.

Pansamantala na kila Bhrent na muna ako tutuloy habang wala pa akong nahahanap na dorm na paglilipatan ko. Kasama ko rin si Glezer na katulad kong walang tulog maghapon dahil mukhang may malalim siyang iniisip simula nung pumunta kami sa puntod niya kasama ang mama niya.

Alam kong may mali, alam ko ring may tinatago ako sa kanya pero hangga't hindi pa ako sigurado sa alam ko tungkol sa kanya ay ako nalang muna ang makakaalam nito.

Si Bhrent ang nagmamaneho ngayon ng kotse ko dahil nagpa-substitution muna ako dahil ako ang driver simula kanina pang umaga, mula bataan hanggang dito sa Maynila. Siya na rin ang pinagmaneho ko ngayon dahil hindi ko naman alam ang daan papuntang bahay nila.

Napatingin ako kay Glezer at hanggang ngayon ay bakas pa rin sa mukha nito ang kalaliman ng iniisip. Siguro iniisip niya ang muling pagkikita nila ng mama niya. Nakatingin lang siya sa bintana at tulalang pinagmamasdan ang dinaraanan namin.

Tumingin ako sa cellphone ko para sana tawagan ang nurse ni mommy para kamustahin ang lagay ni mommy pero pagbukas ko ng phone ay naalala ko nanaman ang nakaraan. Magkasama kami ni Chorine sa picture at ang tanda ko pa ay ang tito niya ang nagpicture sa amin nito.

“Chorine alam mo ba crush kita.” malakas na loob na pag-amin ko.

Bata pa kami noon, mga nasa edad na anim o pito. Anim kaming magkakaibigan. Si Bhrent, Joniel, Chorine, Jeanell, ako at sa pagkakatanda ko ay si Glezer. Hindi na kami madalas magsama dahil dala ng katagalan ng panahon at simula kasi nung sakitin ako noon ay dinala ako ni Mommy dito sa Maynila para ipagamot. Wala pa kasing sapat na kagamitan ang mga hospital sa bataan noon eh kaya sabi ng Doctor na dito na ako sa Maynila ipacheck-up.

Bumalik kami sa Bataan ni Mommy nung namatay na si Lolo. 10 or 11 years old ata ako non. At makalipas ang ilang taon ng pagkamatay ni Lolo ay dinala nanaman ako dito sa Maynila dahil nga hindi raw magamot gamot ang sakit ko. Wala namang makitang kung ano ang mga Doctor sa sakit ko basta pinapainom lang ako ng pinapainom ng gamot. Hanggang sa na comatose nalang ako bigla sa kadahilanang nagkaaberya sa kalsada at dalawang taong tengga sa Hospital. Sabi na-overdose daw ako sa mga gamot na pinainom sa akin dahilan kaya rin ako na coma. Doon na nagsimulang magamit ko ang ability ko na makakita ng mga kaluluwa. Simula kasi ng nacomatose ako ay humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko. Paikot ikot lang ako sa hospital at hindi ako makalabas.

Sa hospital na 'yun ay doon ko nalinang ang kakayahan kong makakita ng kaluluwa. At nung dalawang taon na makalipas ay natuklasan ko na kaya ko ring malaman ang kamatayan ng isang tao kapag ito'y hinahawakan ko.

Sa ngayon ay hindi ko na nagagamit ang kakayahang makita ang kamatayan ng mga tao simula ng makasama ko itong si Glezer. Siguro nga ay nagcocontradict ang aming mga kakayahan kapag magkasama kami.

“Ikaw talaga Lanz ah, Nakikita ko na marami kang mapapaiyak na babae kapag binata kana haha.” naguluhan ako sa sinasabi ng tito ni Chorine. Narinig pala nito ang aking pag-amin sa pamangkin niya.

“Baket naman po ako magpapaiyak? Ayoko na po. Lagi ko nalang pong nakikita si Mommy na umiiyak dahil kay Papa kaya ayaw ko maging kagaya ng papa ko.” sagot ko naman sa tito ni Chorine.

[PUBLISHED BOOK] Cry the Pain I'll Leave BehindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon