14

13 8 2
                                    

Hindi ko lubos akalaing makikita ko ang kaluluwa ng tatay ni Lanz ng harap-harapan. Oo nakikita ko na siya nung nabubuhay pa ito pero naging malaking tulong rin siya nung namatay siya dahil may alam siya sa pamilya ko na kahit ako ay hindi ko alam.

Napakalaking ngiti ang nagawa ko at halos mapunit na ang aking labi dahil sa saya na sinabi niyang tutulungan niya daw akong makita ang Mama ko.

Pero ang nakakapagtaka ay paano ko gagawin 'yun kung ayaw ipaalam ni Mayor Laurenze kay Lanz na nandito ang kaluluwa niya, paano ako makakaalis sa tabi ni Lanz kung nasa kanya ang kandila ko. Naguguluhan pa rin ako hanggang ngayon kaya nilakasan ko na ang loob kong magtanong.

“Ah... Mayor? Paano po tayo makakaalis dito? Eh na kay Lanz ang kandila ko at ikaw naman ay nandito rin ang katawan mo? Hindi po tayo makakalayo.” suhestiyon ko.

“Naging Kagawad ako, Kapitan, Konsehal, Vice Mayor at ngayon pangatlong termino ko na bilang isang Mayor. Hindi ka pa rin ba bumibilib sa kakayahan ko?” pagbibirong sabi niya.

“Pero patay na po kayo este tayo.” paglilinaw ko, baka kasi nakalimutan niya.

“Magtiwala ka lang sa akin. Nakikita mo ba ang nakikita ko? Ayun oh.” tumuro siya sa may mag-nanay na pagawi na sa amin habang hawak hawak ang tinutusok nilang kwek-kwek.

“Sino po ba? Sila?” turo ko don sa dalawang mag-nanay. Isang Nanay na medyo nasa 40's na at batang babae na mukhang 13 anyos na. Tumango tango naman si Mayor. “Ano pong ganap nila para makita ang mama ko?” dagdag na tanong ko.

“Sila ang magiging katawan natin Glezer. Sila ang magmimistulang susi natin para makalayo at makita natin ang Mama mo.” nakangising sabi niya sa akin.

“Paano pong sila? Ano pong magiging role nila?” naguguluhan pa ring tanong ko.

Sasapian natin sila upang maging katawan natin. Kumbaga hihiramin natin ang mga katawan nila.” napatango-tango nalang ako.

May tiwala naman ako sa kanya dahil medyo matanda na siya at may sapat na siyang nalalaman para sa mga ganitong mga problema na agad niyang nasusulusyonan dahil nga isa rin siyang public servant kaya sanay na sanay na siya sa mga ganitong problema.

Hindi ko alam ang mangyayari mamaya, oh kung anong magagawa ko kapag nakita ko na ang mga pamilya ko. Basta iisa lang ang nasa isip ko ngayon, ang makita ko ng personal ang mga taong nagluwal sa akin. At gusto ko rin malaman na sa mahigit isang dekada ko ng patay ay bakit hindi man lang binibisita ang puntod ko.

Bago pa man kami sumapi sa mga walang kalaban laban na buhay ay napalingon pa muna ako sa lugar kung saan nandoon si Lanz. Ganun pa rin ang pustura niya sa harap ng kabaong ng Papa niya. Kinakantahan niya pa rin ito at wala pa rin siyang tigil sa pag-iyak.

Wala ng paligoy-ligoy pa ay sumapi na agad kami sa katawan ng mag-ina. Si Mayor Laurenze ang sumapi sa Nanay at ako naman ay sa batang babae. Nahirapan kami sa pagsapi sa dalawa dahil madulas at ayaw lumabas ng mga kaluluwa nila pero di rin naglaon ay nakasapi na rin kami sa wakas.

Nagulat pa ako ng tuluyan naming maagaw ang katawan ng mag-ina dahil ang mga kaluluwa nila ay hiniwalay sa kanilang mga katawan.

Nagtataka pa 'yung dalawa kung bakit kinuha namin ang katawan nila pero buti nalang ay agad nakilala ng nanay si Mayor Laurenze. Isinalaysay ni Mayor sa babae ang pakay namin at agad din naming ibabalik ang katawan nila kapag nagawa na namin ang aming mga pakay.

Agad naman akong pinagmadali ni Mayor dahil isang oras lang ang itatagal ng kaluluwa namin sa katawan ng mga sinapian namin. Kapag tapos ng isang oras ay agad kaming hiniwalay sa katawan at agad na papasok uli ang tunay na nagmamay-ari sa katawan.

Dahil dun ay hindi na kami nagpaligoy ligoy. Kinuha namin ang bike na hindi nakadena at nakapark lang sa tabi. Hindi na kami nagpaalam sa may-ari dahil masyado na kaming nataranta sa isang oras lang na palugit namin.

Kahit mabagal ang takbo ng bike ay sinikap pa rin ni Mayor na paharurotin upang makapunta kami agad sa destinasyon namin.

Nakakaramdam ako ng pagkailang sa katawang sinapian ko. Hindi tumutugma ang kaluluwa ko sa katawan kaya siguro ganun ang nararamdaman ko.

Makalipas ang mahigit kalahating oras ay huminto kami ni Mayor sa isang bahay na may napakalaking gate na dilaw. Bumaba si Mayor sa bisikleta at ako naman ay itinabi ito.

Habang kumakatok si Mayor sa gate, ako naman ay hindi na mapakali na makita ang pamilya ko.

Ilang minuto rin ang lumipas bago may lumabas na medyo nasa 50's na babae na nakadaster na floral ang suot. Magulo ang tali ng buhok niya at medyo marami na rin itong uban.

“Hello, sino po sila?” tanong ng babae kay Mayor na nasa katawan ng isang nanay.

“Pinapapunta po kami dito ng pamilya ni Mayor Laurenze upang magsulisit po sa pagpapalibing nito.” pagsisinungaling ni Mayor.

“Ah ikaw pala ang ipinadala ni Mareng Lacey. Sige pasok muna kayo dahil may niluluto pa ako. Gusto ko sanang dalhan mo rin ng niluluto ko si Mareng Lacey at ang anak nila ni Mayor.” pag-aaya saming pumasok ng babae.

“Ikaw po si Mrs. Glenda Collins dipo ba?” tanong uli ni Mayor. Umupo na kami sa sofa at binigyan pa kami ng lemon juice.

“Oo, ikaw ano pangalan mo? Kaano ano mo si Mayor?” tanong ni Glenda—ang sinasabing mama ko daw.

“Caretaker po nila ako ng bakanteng lote nila. Doon rin po ako nakatira sa kanila.” palusot ni Mayor. Ako naman ay naluluha na dahil hindi ko lubos maisip na harap harapan ko ng nakikita ang mama ko.

“Ah.. siya sige, maiwan ko muna kayo saglit dahil bibili muna akong magic sarap sa tindahan. Wala kasi akong mautusan eh. Sandali lang ako. Babalikan ko kayo.” paalam nito kaya tumango nalang si Mayor.

Nang makalabas na si Aling Glenda/ Mama ay kinindatan na ako ni Mayor at tinuro ang isang altar na ang ibig sabihin ay puntahan ko at alamin kung gaano ako kamahal ni Mama.

Sa altar ay maraming kandila. May mga alay pa ngang pagkain at inumin. Sinipat ko ang picture frame na may nakasabit na sampaguita.

Naguluhan ako sa nakita ko, batang babae, nakaputi, mahaba ang buhok, maganda ang mga ngiti, at nakasalamin. Napatingin pa ako ng nagtataka kay Mayor dahil sa nakita ko sa picture.

Lalapit na sana sakin si Mayor para tignan rin ang tinitignan ko ay parang bigla nalang kaming hinila. Nakakahilo at nakakasuka. Katulad noon ang pakiramdam.

Pagdilat ko ng mga mata ko ay nasa bahay na uli kami nila Lanz kung nasaan kami kanina.

Lumipas na pala ang isang oras na palugit namin.

Pero ang pinagtataka ko at alam kong sigurado ako ay hindi ako 'yung glezer na nasa picture sa altar. Ibang tao at alam kong hindi ako nagkakamali sa nakita ko.

-
enjoy reading.

[PUBLISHED BOOK] Cry the Pain I'll Leave BehindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon