19

12 4 0
                                    

Nandito na kami ngayon sa sementeryo kung saan una kaming nagkita ni Lanz, sa sementeryo kung saan ako inilibing at sa sementeryo kung saan ililibing ngayon si Mayor Laurenze.

Nagmimisa ngayon ang pari, nakaupo kami sa harap ng paglilibingan ni Mayor Laurenze at ang tabing lang namin sa init ng araw ay ilang mga napakalaking tent. Napakaraming tao ngayon ang nakipaglibing. Mga mamamayan ng bayan na sinasakupaan noon ni Mayor Laurenze.

Malungkot ang lahat dahil sa pagkamatay ng Mayor pero hindi magkakaila na sa likod ng kamaliang nagawa niya sa pamilya niya noon ay makikita naman sa mga mamamayan na talagang ginampanan ni Mayor Laurenze ang kanyang tungkulin bilang tapat na Alkalde ng kanilang bayan. At napatunayan ko iyon dahil kahit na kaluluwa nalang siya ay tinulungan niya pa rin akong puntahan ang mama ko at higit sa lahat ay kitang kita ko kung paano niya sinakripisyo ang neglecting soul niya para lang mabuhay ang matalik na kaibigan ng anak niya.

Sa gitna ng misa ay may sumitsit sa akin. Nagpalinga linga ako sa paligid pero wala namang nakakarinig sa sitsit kundi ako lang. Tumayo ako sa kinauupuan ko, nakita ko pang sumimangot ang noo ni Lanz kaya sinenyasan ko siyang magpapahangin muna saglit.

Hinanap ko kung saan ang pinanggagalingan ng tunog na sumisitsit at laking gulat ko ng malaman kung sino ito.

“M-mayor L-laurenze...” utal utal na tawag ko sa kanya dahil sa sobrang gulat.

“Bakit parang nakakita ka ng multo? Hahahahahaha.” sabay kaming natawa.

“Ikaw nga!!!” masayang sigaw ko at yayakap na sana ako sa kanya pero tumagos lang ako. Yung dating tingkad ng kaluluwa niya ay nawala na. Para nalang siyang usok na nagform sa katawan ni Mayor Laurenze. Nalungkot ako ng malala ko yung nangyari sa kanya. Niyaya ko muna siyang maupo sa isang puntod at doon nagkwentuhan. “Kumusta na po pala kayo Mayor? Nabalitaan ko na sinakripisyo niyo raw ang iyong neglecting soul kay Bhrent? Baket?” malungkot na tanong ko.

“Simple lang ang eksplinasyon ko diyan Glezer, dahil kahit naman ma-reincarnate ako sa susunod na buhay ay hindi ko na rin naman makikilala ang pamilya ko. Mas mabuti ng makatulong sa kaibigan ng anak ko kaysa naman mabuhay sa susunod na buhay na may paghihinayang akong dala dala. Maya maya rin ay mawawala nalang ako na parang bula. Gusto kong alagaan mo ang anak ko ah. Alam kong kaya mo siyang protektahan at malaki ang tiwala ko na matutulungan ka niyang malutas ang nangyari sa pagkamatay mo. I'm rooting for your reincarnation.” salaysay nito kaya di ko na napigilan ang iyak ko. Kahit konting oras ay napamahal na ako sa papa ni Lanz. “Hindi na ako makakapagpaalam sa anak ko, at huwag mo nalang ring ikwento sa kanya na nakita mo ako dahil alam kong mas mahihirapan siyang tanggapin na wala na talaga ako. Ikaw ng bahala sa kanya Chorine. Maraming salamat at paalam. Hanggang sa muli.” nagtaka ako kung bakit ibang pangalan ang tinawag niya sa akin pero di ko na inisip 'yon. “Bago ako tuluyang lumisan ay nais ko lang ipaalam sa inyo na si Bhrent ang susi para malaman ang kamatayan mo. Hanapin niyo ang sekretarya kong si Madeline at sabihin niyong ipinadala ko kayo sa kanya upang kuhanin ang isang video tape.” nang sabihin niya ang huling bilin na iyon ay bigla nalang siyang parang abo na unti-unting naging kapiraso at tsaka nilipad ng hangin. Tinandaan ko ang pangalang sinabi niya.

Mas lalo akong nakaramdam ng paghihinayang ng makita ko siyang harap-harapang naglaho. Sumilay ang hangin at dumampi ito sa aking pisngi, ang aking lungkot ay humalili sa isang napakalaking ngiti. Tumingin ako sa langit at dahan-dahang ipinikit ang mata, huminga ako ng malalim at ipinangakong iingatan ko ang anak niya hanggang sa aking makakaya. Hindi ko mapigilang mamangha sa kanyang pagsasakripisyo at talagang sa huling pagkakataon ng kanyang buhay ay mas inisip niya pa rin ang ikakabuti ng anak niya.

[PUBLISHED BOOK] Cry the Pain I'll Leave BehindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon