34

84 2 0
                                    

I'll Live With You #1: MICHAENG part 34

Nagtatawanan sina Chaeyoung at Dahyun dahil sa kwento ni Momo nang may narinig silang paparating sa direksyon nila.

Sabay sabay silang natigilan at napatingin sa gilid ng bahay at nakita si Jeongyeon. Tumayo si Chaeyoung at sasalubungin na sana ang kapatid nang makita ang babaeng kasunod nito.

Chaeyoung stilled on what he had seen, also the others. They literally froze after seeing the two together.

Maski si Mina ay gulat na gulat sa nakita lalo na ng makita niya ang dalawang malalapit niyang kaibigaan.

Mina: A-anong....

Napatayo si Dahyun at nalilitong itinuro ang dalawa.

Dahyun: A-anong....bakit kayo magkasabay dumating???
Nayeon: Magkasama ba kayo nagpunta rito!?

Jeongyeon didn't answer and walks towards Nayeon. Nabigla ang lahat ng biglang pihitin ni Jeongyeon ang kamay nito.

Nayeon: B-bakit???
Jeong: umuwi na tayo
Nayeon: Huh???
Jeong: Umuwi na tayo

Inis na pinalis ni Nayeon ang kamay niya at sinamaan ito ng tingin.

Nayeon: kaya ka ba wala ng halos dalawang buwan dahil sa kanya!?
Jeong: hindi ganun yun
Nayeon: Hoy!

Tinuro nito si Mina na kakasink in lang ng pangyayari sa utak niya. Nayeon grimacely walked towards Mina and crossed her arms.

Nayeon: Magkasama ba kayo ng ilang linggo? Are you flirting my man?
Mina: Your man?

Mina innocently looked at Jeongyeon. Napabuntong nalang ng hininga si Jeongyeon dahil sa inis. Kung ano anong sinasabi ni Nayeon tsk

Nayeon: Oo! MY MAN!
Mina: And what if I answer your question yes?
Nayeon: A-ano?? Are you confessing!?

Tahimik lang ang lahat. Pinapanood lang nila ang dalawa na nagsasagutan na para bang nasa sinehan sila.

Dahyun: I need a popcorn

Siniko ni Momo sa tagiliran si Dahyun dahil sa sinabi nito. Bakit ba sila nananahimik lang? They should be stopping the stirring fight!

Mina: Don't worry, I'm not flirting with him.

Then she walks towards the vacant seat beside Momo. Nagtatakang pinanood ng lahat ang paglakad at pag upo ni Mina.

Momo: Mina?
Mina: Hmm?
Sana:Ikaw ba yan?
Mina: Ahahha oo
Sana:Anong ginagawa mo rito?
Mina: I heard you two are here. I want to join the fun
Momo: Kahit nandito si Chaeyoung?
Mina: Ano naman?
Sana: Si Mina nga 'to.

Sinamaan ng tingin ni Nayeon si Jeongyeon walang reaksyon sa mukha.

Nayeon: Are you having fun?

Jeongyeon didn't answer her sarcastic question. Nagpunta na rin siya sa tabi ni Dahyun at uminom ng tubig.

Tzuyu:Hindi talaga kayo magkasabay?
Jeong: Sinabay ko siya
Dahyun: Pano? Nasaan ba si Mina? Nawala kasi siya bigla
Mina: I went with my parent's house. Nagkita lang kami doon

Chaeyoung didn't speak. Iniisip niya ang nangyayari. Ngayong nasa harap niya si Mina, marami na namang tumatakbo sa isip niya.

"Bakit sila magkasabay? Magkasama ba sila sa ilang linggong hindi niya mahagilap si Mina? Anong ginawa nila doon? Anong nangyari sa pagitan ng dalawang linggong iyon? May dapat ba siyang malaman?"

Iyon ang mga tanong bumabagabag sa kanya. Ayaw niyang isipin ang hindi niya dapat isiping nangyari.

His imagination is getting wild and he can't stop thinking about them. Tiningnan niya si Jeongyeon na ang tingin ay na kay Mina.

Kumikirot ang dibdib niya, hindi niya alam kung anong rason. Basta, pakiramdam niya may iba. May ibang rason..at hindi niya magugustuhan.

Dahyun: O siya siya! Maghanda na tayo ng meryenda!
Jihyo: I'll get the bread inside.
Nayeon: Dito lang ako ha. Tapos na ang work ko. Si MINA naman ang pagalawin niyo!

Tiningnan lang ni Mina ang nanlilisik na mata ni Nayeon. Naiinis din siya sa trato ng babae. Alam niyang matagal na itong may gusto kay Jeongyeon, at hindi niya gusto ang trato nito sa kanya.

She felt something inside her. Parang gusto niyang awayin si Nayeon hmp! Tumayo si Mina at ngumiti sa kanila.

Mina: Ano bang gagawin?
Tzuyu: A-ahm...yung snacks at beverages nasa loob pa ng bahay. Kunin mo nalang yun
Mina: Ganun ba? Sige

Naglakad si Mina at tinitigan lang siya ng lahat. Nakailang hakbang palang ay huminto siya't lumingon.

Mina: Ah, I forgot. Tutal sabay naman kaming dumating ni Jeongyeon, parehas lang kaming wala pang nagagawa.
Nayeon: So???

Mina got annoyed at Nayeon's posture. Nakakrus ang braso nito ay masungit na nakatingin sa kanya.

Mina: Samahan mo ako, Jeongyeon.

Natigilan naman si Jeongyeon sa pag aaya ni Mina. Inis na nilingon ni Nayeon si Jeongyeon.

Nayeon: Don't you dare.
Mina:What? To be fair, dapat magkasama rin kaming magtatrabaho, right Dahyun?

Nasamid naman si Dahyun sa sariling laway nang tingnan siya ni Mina. Agad namang tinapik ni Momo ang likod nito.

Dahyun: A-ah...o-oo!!! T-tama tama!
Nayeon: DAHYUN!?
Dahyun: eyyy, ikaw naman masyadong selosa.
Mina: Let's go?

Tumikhim muna si Jeongyeon bago tumayo. Tiningnan siya ni Chaeyoung at hindi nito nagustuhan ang nangyayari.

Ano bang gustong palabasin ni Mina? May dapat ba talaga siyang malaman sa pagitan ng dalawang 'to?

Nayeon: JEONGYEON!!!!

Nagpapadyak si Nayeon sa inis.

Nayeon: Wait!

Lumingon ang dalawa at nakitang hinila ni Nayeon si Chaeyoung patayo.

Nayeon: Sasama kami
Chae: Huh? Bat kasama ako?
Nayeon: Sumama ka tsk

Hindi nalang pinansin ni Mina ang dalawa at naunang naglakad papunta sa loob ng bahay. Nadatnan niya sa loob si Jihyo na nangunguha ng tinapay sa ref.

Mina: Hi
Jihyo: Hi, it's been a while.

Sandaling nagtaka si Mina ngunit naalala nito si Jihyo na nakilala niya noon sa condo. Yung panahong hinabol siya ni Jackson hanggang sa rooftop.

Mina:Ah..yeah. it's been a while.
Jihyo: Okay ka na ba?
Mina:Uhm...oo.
Jihyo: That's good. Wag ka ng mag alala kung titira ka ulit sa condominium ko. The security there is better now.
Mina: Ahm, thanks but no thanks. Hindi na ako babalik doon.
Jihyo: really? That's a shame.

Ngumiti lang si Mina. Nang dumating ang tatlo, paalis na si Jihyo. Agad siyang inirapan ni Nayeon at ganun din ang ginawa ni Jihyo.

The rival. Jihyo and Mina vs. Nayeon.

Kinuha na nila ang snacks na nasa cupboard sa kusina. Nakatingin lang si Nayeon at Chaeyoung sa kanilang dalawa kaya naman medyo naiilang siya.

Matapos kunin, naunang naglakad si Jeongyeon na agad ding sinundan ni Nayeon na para bang mawawala ito.

Bitbit ni Mina ang dalawang bote ng softdrinks at saka naglakad.

Chae: Are you enjoying this?

Napahinto siya sa paglalakad.

Chae: May dapat ba akong malaman sa inyo ng kapatid ko? You seem so closer than before.

Mina stayed silent. Wala naman kasi siyang isasagot. Hindi niya rin alam kung ano ba dapat ang sasabihin nito pabalik.

Chae: Bakit ka nandito? Para ipakitang wala lang talaga ako sayo? Ganun ba?
Mina: Hindi ganun yun....
Chae: E ano?

Humarap si Mina rito at ibinaba ang mga bote.

Mina: I'm here becaus---
Nayeon: HOY BILISAN MO!

Naudlot ang gustong sabihin ni Mina nang sumigaw si Nayeon. Umiwas siya ng tingin kay Chaeng at binuhat muli ang bote papuntang labas.

Mina: I'll talk to you later...(whispered)

To be continued....

I'll Live With You #1: MiChaengWhere stories live. Discover now