Chapter 21.2: Bday

18.4K 572 47
                                    

Dahil sa pagkuyog niyo sa 'kin, e ito may update na. Sa next update siguro kelangan umabot ito ng 70 votes and 30 comments. Thanks sa support guys. Mwah!

It’s a bit awkward to witness that scenario. Maging ako’y napanganga na lang sa nasaksihan nang sampalin ni Aleli si Arsi at magtatatalak si Angelina sa kanya. At first, hindi ko alam kung sino o kanino ako unang makikisimpatya but I realize na lumabas pala si Aleli nang nakahubad na halos walang saplot kaya’t agad kong kinuha ang gamit niya pati ang hinubad na damit. Hindi ko na pinansin ang magiging sunod na eksena sa loob ng Condo dahil nagmamadali akong habulin si Aleli upang ibigay ang mga gamit niya. Lumabas pa ako ng Condominium ngunit tila hindi ko siya naabutan. Mabuti na lang ay nasabi sa ‘kin ng gwardya na merong babaeng nakaupong umiiyak sa may 2nd floor ng fire exit. Nagmadali akong puntahan ang kinaroroonan ni Aleli at nakita kong siya’y tumatangis habang nakaupo sa gilid malapit sa hagdan.

Sobrang nalunos ako sa kalagayan niya. Mantakin mo ba naman nung una’y napahiya na siya sa dating asawa ni Ate na si Cedric dahil sa pagkatuklas ng nature ng trabaho nito, ngayon nama’y napagkaitan siya ng taong mahal niya sa harap pa namin. Kung tutuusi’y sa akin nagmula ang planong si Aleli ang magiging surprise namin sa kaarawan niya. Gumagana kase ang creativity ng utak ko kaya ganun ang napagkasunduan naming set-up pero I didn’t realize na mauuwi pala ito sa ganitong klaseng komosyon.

Hindi naman nagdalawang isip si Aleli na hawakan ang aking kamay nang boluntaryo kong iabot ito upang siya’y makatayo. Nakatopless siya nun kaya bilang respeto, kahit na nakita ko na ang malusog na boobs niya kanina e tumalikod pa rin ako habang siya’y nagbibihis. Ako na mismo ang naghatid sa kanya palabas ng condominium pero before siyang tuluyang umalis ay inalok ko muna siyang kumain sa isang Restaurant. Alam kong gutom na gutom na siya at halos gusto na nga kaninang kumain nang makita ang handa naming potahe para kay Arsi. Um-Oo naman siya sa alok ko kaya’t pumunta muna kami sa kilalang resto at inoorder ko siya ng makakain.

“Hindi ka ba kakain Arjay?” alok niya sa ‘kin while having a big bite of the burger that she ordered. Nakaupo kami sa labas mismo ng resto na ang kinauupuan nami’y may malaking umbrella.

“Ayoko munang mabusog, sayang naman ‘yung handa dun sa Condo,” I immediately refused. Siguro mga apat na subuan lang kay Aleli ang burger at ubos na ito. Ganito ba talaga ‘pag heartbroken at mabilis siyang nagutom?

“Pasensiya na ha? Nagutom ako e,” pasintabi niya habang mabilis na kinain ang burger.

“Ioorder pa kita kung gusto mo pa,”pangiti kong alok sa kanya. While eating the second burger, I noticed na tumutulo ‘yung luha niya. She tends to be emotional na alam kong nandun pa rin ‘yung sakit na nararamdaman na mahirap niyang itago kahit kumakain pa siya.

“Tissue,” I offered her.

“Sorry. Hindi ko mapigilan. Nakakahiya,” sabi niya while she’s wiping the tears that’s coming from her eyes.

“Okay lang. Ilabas mo lang ‘yan. Sorry rin Aleli, hindi ko alam. Hindi ko alam na meron na palang ibang girlfriend si Arsi.”

Nagkaroon ng tunog ang pag-iyak ni Aleli nang mamention ko na meron ng iba si Arsi. Basang basa na ng luha ang tissue niya na akala mo’y gripo kung umagos.

Condo Boys (A Journey to Remember) [Boyxboy-Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon