Chapter 29: It Means Nothing

20.8K 480 44
                                    

Love is blind ngang talaga not just with the way people look, but also in terms gender. I find real happiness with Ken and I know he feels the same way as I do. Kahit hindi kami nakapag 1st Monthsary, our 2nd Monthsary remained one of the most unforgettable. Happy lang walang sad kahit na dumaan kami sa butas ng karayom to test our love with each other. Instead na mabawasan 'yung love ko for him, mas lalo ko pa siyang minahal nang magkasundo kami.

Nasundan ang 2nd Monthsary namin ng 3rd, 4th 5th, 6th 7th, 8th hanggang sa umabot ng 1st Anniversary. Ang bilis diba? Pabilisin pa natin...... naging 2nd Anniversary ang love affair namin when we reached our 3rd year in College. We experienced ups and downs sa relationship namin specially sa pagtatago nito sa dalawang kumag na kasama namin sa Condo. Ang hirap nun ah kahit nakakaramdam na kaming dalawa ni Ken na pinaghihinalaan na kami nung dalawang parekoy namin. Simula nung magbreak-up kami sa mga respective girlfriends namin e hindi na kami nagkaroon ng girlfriend ni Ken. Of course, kami kaya ang magjowa secretly na ang tanging nakakaalam lang e kaming dalawa pati sina Mommy at Ate kaya no plans kaming dalawa to cheat by entertaining the company of girls.

Ken became the sweetest guy in the world. Sa mga nagdadaang buwan at taon, he's very consistent in terms of loving me. Siguro dahil super caring at super duper mahal ko talaga siya na kumbaga sa kanya lang umiikot ang mundo ko na parang asawa na siya kung ituring kaya he is reciprocating my affection for him. Palagi rin kaming nagtatalo kung sino ang dapat umaktong babae sa 'min pero sa bandang huli, we are switching roles and that's what two men falling in love should act.

Simula nung 2nd Monthsary namin ni Ken 'till present, wala kaming naging major problem believe it or not. Hindi ako lubos makapaniwala na aabot kami ng matagal dahil medyo fragile pa ang ganitong klaseng relasyon. Akala ko magkakaroon kami ng pagtatalo mostly pagdating sa babae dahil alam ko sa sarili ko na meron akong tawag ng laman pagdating sa pakikipagsiping sa babae pero nacontrol ko iyon dahil I see him as male, sometimes female, I know it's a bit weird pero that's how I feel for him. No labels at all.


"Two years Kentot.... two years pero tayo pa 'rin," napatingin siya sa 'king bigla sabay ngiti. Ginantihan ko rin siya ng matamis na pagngiti. We're here sa aming hiding place sa Antipolo. Nakahiga kami sa kalupaan na tanging mga braso ang nagsilbing pansuporta sa aming mga ulo while watching the perfect view of the sky kung saa'y wala kang makikitang kaulapan, tanging mga bituing nagkikislapan at bilog na bilog na buwan ang siyang pumupukaw sa aming mga mata.

Wala kaming pakialam kung madumihan ang puting unipormeng suot-suot namin. Kaaalis lang namin galing campus at kahit wala kaming oras na icelebrate ang Anniversary dahil busy ngayong araw para sa 'min, ay napili na lang naming tumungo sa lugar na ito upang maangkin ang isa't isa.

"Oo nga Arjay ko. Two years pero hindi ka pa rin buntis.....," pabirong hirit niya. Nabaling muli ang tingin ko sa kanya nang nangingisi sabay marahan siyang tinapik sa tiyan.

"Baliw!!!!!"

"Hahahaha," paghalakhak niya.

Hindi pa rin nagbabago ang Kentot ko, makulit pa rin na malibog. Though we're not the same people that we used to know when we first met, andun pa rin 'yung Kentot ko na siyang siya pa rin na sweet, friendly, masayahin, and easy to admire. Hindi siya mahirap mahalin, kaya kahit sino'y hindi malabong mahalin siya bilang kaibigan pa 'yan o kasintahan.

Lumapit ako nang bahagya para makipag holding hands sa kanya. Medyo malamig kase nung time na 'yun kaya't kahit mahawakan man lang ang kamay niya'y sapat na upang dumaloy ang init sa buo kong katawan. 'Di lang init ang dulot nito, lalo ring bumilis ang pintig ng puso ko.

"Alam mo Ken, I never imagined myself falling in love with you, but now, I can't imagine life without you," tagos pusong sambit ko na ang tingi'y naka focus lang sa kalangitan.

Condo Boys (A Journey to Remember) [Boyxboy-Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon