Chapter 24: Shade of a Doubt

18.3K 577 47
                                    

I need 90 votes and 35 comments for the next chapter. Gising guys!

Bakit kaya ang slow kong pumick-up? Hindi ko kaagad nafigure out na binlack mail ako ng sarili kong kambal? Lintik talaga! Grrrrrr...... Hindi ko alam kung siya ba sisisihin ko o dulot lang ito ng katangahan ko? Ano man ang rason, buking na buking na ang pinakatatagong lihim ko sa buhay. Kung pwede lang sana akong lamunin ng lupa magpapalamon talaga ako dahil sa sobrang kahihiyan at eskandalo na yayanig sa buong mundo ko.

Sinabi ko kaagad kay Ken ang bad news na ito. Ang siste’y parang hindi man lang nagreact ng husto. Bahala daw akong magpaliwanag tutal ako naman daw ang nagbuko sa relasyon namin. Well, may point naman siya pero hindi pa rin siya ligtas sa mapanuring isip ni Ate. Kasama pa rin siya sa mga iimbestigahan na kulang na lang ay maging imbestigador na kakambal ko. Shit! This is Shit!

Hindi ako tinantanan ng Ate ako sa text at talagang gusto niya kaming dalawa ni Ken na pumunta ng bahay after school. Ano pa nga bang aasahan ko sa kanya? Palagay ko’y makakaani ako ng sandamakmak na sermon at pangaral mula sa walang prenong pag-andar ng kanyang bibig. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nakaramdam ng hiya sa kanya. She knows me as straight at babae lang talaga ang trip ko. Mahilig akong mangolekta ng Men’s magazine gaya ng FHM at minsan Playboy kaya never siyang nagkaroon ng duda sa sexuality ko. Overall, I have 4 girlfriends kaya hinding hindi niya ako pwedeng pagdudahan na ganun... alam niyo na!

Sabay na kami ni Kentot tumungo sa bahay namin. Nagtaxi kami pauwi. Hindi mo nga siya makitaan ng pag-aalala o sadyang magaling lang siyang magtago ng emosyon? Close na siya kay Ate and I’m the living witness dahil out of place ako palagi sa bahay tuwing naroon si Ken. He’s the slight male version of Ate na para sa lahat talaga ang personality. Unlike me, para sa selected people lang and I admit that.

Ken and I proceeded to the mini library ng bahay namin na lugar kung saan kami pinag-uutos ni Ate na pumunta. Gaya ng inaasahan, she was there giving us a serious stare habang hinihintay kami sa loob.

“Both of you have a seat,” she strictly told us.

Nung time na ‘yun e hindi mo kami mapagdikit ni Ken. Para kaming diring diri sa isa’t isa na tipong ayaw massociate ang sarili sa bawat isa. Hindi makabasag pinggan ang loob ng kwarto dahil sa katahimikang dulot ng tila naka zipper naming mga bibig. Walang gustong magsalita ni isa sa ‘min when we sat to our assigned chairs. Si Ken ay parang timang na ayaw tingnan si Ate while ako naman’y nakatingin lang sa floor para iwasan rin ang titig ng mausisa kong kambal. She’s infront of us, nakatayo at palakad lakad paroot parito, na akala mo’y Principal ng isang tanyag na paaralan habang naka cross arm pa. She gets her notebook together with a pen at umupo kaharap kami ni Ken. Nakapang upong dekwatro pa siya at binuklat ang notebook na kung ano’y may isinusulat na tila dinodocument ang bawat tanong niya at magiging sagot namin.

“Tumingin kayo sa ‘kin,” she commanded us na friendly ang tone. Sabay naman kaming napalingon sa kanya at binigyan siya ni Ken ng mapait na ngiti. Ako nama’y expressionless lang na tila pinaparamdam sa kanya na I’m not cool with her because of her pakialamera attitude.

“Sinong bakla sa inyo?” unang tanong ni Ate. Napasalubong ang kilay ko sa hindi ko inaasahang tanong niya. Pansin kong ganun din si Ken. Both of us didn’t answer her question na para bang hindi narinig ang tanong niya.

Condo Boys (A Journey to Remember) [Boyxboy-Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon