Chapter 7: Cook

26.4K 578 30
                                    


Parang nasira ang gabi ko kahit pa sabihing nagsasaya kami. Deep inside I felt violated sa bigla biglang paghalik sa akin ni Ken. Biruin mo, pinaliguan ka na ng nakakadiring pinaghalong mga katas nila tapos hahalikan ka pa without asking my permission? I knew they were not gays but I'm not comfortable kissing a guy kahit pa sabihin nating for the sake of friendship or whatever.

All throughout the night, nangalay ang dalawang kilay ko dahil lagi itong magkasalubong while we were partying, drinking..... and them kissing girls. It really shocked me to death that I gained friends like them. But I believed it's too early for me to judge them since I'm just only new in the group.

Nang matapos ang kasiyahan, we rode a Cab on the way to our Condo. Kapansin pansin ang kalasingan ng tatlo specially Ken na kung anu-anong sinasabi while we were heading home . There came to a point na kailangan pa namin siyang buhatin dahil hindi na niya kaya ang sarili niya even standing by his feet.

"Ganito pala 'to malasing? Bagsak na bagsak?" banggit ko kina Loane at Arsi while both of them were carrying Ken.

"Ganyan talaga 'yan. Sabi ko naman kanina sa kanya drink moderately pero hindi nakinig,"-Loane.

"Hoy Arjay! Welcome to the C-cclub," Ken hiccuped dahil sa kalasingan. "Hoy mga P-pppare wag niyong kakalimutan ha? Mga Condo Boys tayo... haha"

"Oo Pare Condo Boys tayo. Ipabubugbog kita diyan pag di ka tumahimik," biro ni Arsi habang karga karga ang kaibigan patungo sa room namin.

Inihiga ng dalawa ang nuo'y lasing na lasing na si Ken sa kanyang kama na para lang nagbagsak ng isang kabang bigas sa sahig.

"Arjay ikaw na bahala diyan ha? Matutulog na kami,"- Loane.

"Teka anong gagawin ko rito mga Pare?"

"Hubarin mo lang 'yung sapatos atsaka hubaran mo na rin ng pantalon. Basta kaya mo na 'yan," suhestiyon ni Arsi.

Hindi na ako sumagot kahit ayokong gawin ang pinagagawa nila.

"Pare... shot pa tayo..." sambit ni Ken na kuntrolado pa rin ng alak ang utak.

"Shot mo mukha mo!" pabirong bulyaw ni Arsi.

"Sige Pare ikaw na bahala ha?" tinapik ni Loane ang balikat ko sa labas ng kwarto kasama si Arsi.

Sa kanilang tatlo'y si Ken ang pinakamahina sa inuman. I never thought that he'll put all the liquor he took onto his brain. Nakakatuwang nakakainis siyang pagmasdan pag lasing.

"A-arjay.... Condo Boys tayo diba? Lakas ng tama Pre.... Astig?! Highkkk!" nauutal siya na sinisinok.

Napapangiti na lang ako sa sinasabi niya. Siya ang malakas ang tama! Ang sarap niyang kantyawan bukas para ipamukha sa kaniya ang pagiging baliw-baliwan niya tuwing lasing.

Dumiretso na 'ko patungo sa kanyang paanan para tanggalin ang kaniyang sapatos. Masyado siyang makulit at magalaw kaya I'm having trouble removing his snickers.

"Pucha... nakikiliti ako... ahhh," ungol niya habang tinatanggal ko ang sapatos niya.

Nang mahubad ang sapatos maging ang medyas ay pwersahan kong tinanggal ang belt ng kanyang pantalon. Nakakainis ang pagiging magalaw niya dahil nagtatagal ako sa paghubad ng pang-ibaba niya.

"Pare 'wag mo kong Reypin.... Wag...." turan niya na parang semi-conscious sa nangyayari though nakapikit naman ang mga mata while I'm undressing him. Hindi ko na siya sinagot coz it didn't make any sense.

Nakasuot naman siya ng boxer shorts so hindi ko na siya kailangang suotan pa. Mabuti na lang! Akala ko wala siyang underwear e.

After a moment, medyo kumalma na ang mokong, but I noticed na basang basa siya ng pawis. Kumuha ako ng damit sa may hamper para punasan ang butlig ng pawis sa kanyang ulunan maging sa kanyang leeg.

Condo Boys (A Journey to Remember) [Boyxboy-Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon