Chapter 12

139 7 0
                                    

CHAPTER 12 "LOVING THE PAIN"

(Warning: Scenes that were written in the story is the Author's pure imagination, nothing is related to personal life. Just a fanfiction.)

"Ano daw nangyari?" tanong agad ni Yeng ng makapasok ako ulit sa kwarto.

"Allergies lang daw," sagot ko.

"Di ko alam na may allergy pala siya," anito.

"Sea foods at maalat," walang gana nasabi ko.

"Ayos ka lang?" tanong nito.

"Gusto ko mapaaga na ang alis natin dito sa Pinas," tugon ko.

"Bakit naman?"

"Gusto ko lang i-iwas si Angeline sa hindi magandang paligid dito."

"Sigurado kang yun ang dahilan mo?" May pagdududa sa boses nito.

Napabuntong hingi ako saka kinuha ang cellphone sa bulsa ng pantalon ko at may binuksan na message at pinabasa kay Yeng. As expected nanlaki ang mga mata nito sa gulat at nasapo nito ang bibig.

"Saiyo ba?" tanong nito.

"Hindi ko alam," nanghihina na sabi ko.

"Tatakasan mo?"

"Hindi," nataranta ko na sabi. "Hindi ko alam," nawawalan ng pag-asa na sabi ko.

"Face it, Erik."

"Paano si Angeline?" tanong ko.

"You don't need to care for her that much, may sarili ka din naman buhay," anito.

'Hindi ko pa kaya iwan si Angeline, hindi ngayong minamahal ko na siya.' Sa halip na sabihin yun ay tinignan ko nalang ang maamo na mukha ni Angeline.

'Angeline's POV'

Naguguluhan akong nagmulat ng mga mata ng marinig ko ang pag sara ng pinto. Sapo-sapo ang ulo na byumangon ako at sumandal sa headboard.

Alam ko kung ano ang nangyari sa akin dahil noon pa man ay ganito na talaga ako lalo na pagnasobrahan sa maalat at seafood, tapos wala pa akong gamot na ininom pagkatapos kumain nung ipiagbili ni Sam sa akin kanina.

Inaya kasi ako ni Sam kumain sa malapit na Resto doon sa office nila at lingid sa kaalaman ko na doon pala ay puro pala seafood ang siniserve. Yun din ang dahilan ko kaya ako nagpabili kay Erik ng ice cream, kaso nagtatampo sila pareho ni Yeng sa akin kasi pinag-alala ko sila kanina.

Narinig ko yung buong usapan nila kanina ni Yeng at Erik dahil gising naman ako. Nakaramdam ako bigla ulit ng kirot sa aking dibdib ng maalala ang sinabi ni Yeng.

'You don't need to care for her that much, may sarili ka din naman buhay.'

Di ko alam kung bakit naging ganun ang usapan nila pero labis ako kinabahan at kahit hindi naman dapat ay nasasaktan ako. Alam ko namang lahat ng tao sa paligid ko ay mawawala din pero di ko ina-asahan na mapapa-aga ang pag alis ni Erik sa buhay ko.

Kahit walang kasiguraduhan ay ini-isip ko parin yung mga pinag-usapan ni Yeng at Erik at napupuno na naman ang utak ko ng mga tanong.

'Paano kung magpaalam siya sa akin?'

'Paano kung iba na ang aalagaan niya?'

'Paabo kung iba na ang e-ispoil niya at hindi na ako?'

'Paano kung di niya na ako lambingin?'

'Paano yung nararamdaman ko?'

Simula palang nung kinausap niya ako sa hospital hanggang sa maka-uwi ako ay naging mailap na ako sa tao maliban sa kaniya, sobrang naging komportable ako sa kaniya at naniniwala.

Sobra yung takot ko sa mga lalake simula nung may mangyari sa akin, pero nung sinabi niya sa akin na..

'Yung nangyari sayo, Angeline, sinadya yun, pinagplanohan kaya sana wag mong katakutan lahat ng lalake sa mundo, kilalanin mo sila at sundin mo yung pakiramdam mo, at ikaw na ang kusang lumayo, hindi ko ipagpipilit ang sarili ko kung gayong takot ka paring may lumalapit sayo. Palagi mo lang tatandaan nandito ako o si Kuya pwede mo lapitan kapag natakot ka o kapag may naiisip kang hindi maganda.'

'Wag mo solohin ang sakit kung alam mo namang may dadamay sayo.'

Ang mga katagang yun ang nagpapaniwala ulit sa akin na may nagmamahal at nag-aalala parin sa akin pero nung marinig ko ang sinabi ni Yeng.

Unti-unti na namang nawawala yung tiwala ko sap ag-ibig, unti-unting naglalaho at napapalitan ng sakit.

I'm used to it, noon pa man sa Los Angeles, pag may mga lalake akong nakakatalik ay iniisip ko na, 'Yun lang naman siguro yung habol sa akin ng mga lalake.'

Noon akala ko wala ng magmamahal sa akin, walang mag-aalaga pero nung makilala ko sina Ron, Yeng, at Erik, they made feel all those things again. Ilusyunada na kung ilusyunada pero ramdam ko rin na may nararamdaman para sa akin si Erik.

Isang lingo nung makalabas ako sa hospital ay naging maayos na ang pakiramdam ko pero patuloy parin akong ina-alagaan ni Erik kahit na alam ko minsan ay naiinis siya sa ka tigasan ng ulo ko.

Pero kung sakali man na iwanan niya nga ako ay tatanggapin ko yun, sino ba naman ako, ako lang naman yung nanghimasok sa pamilya nila kasi wala ng pamilya pang nakakasama.

Hindi ako sinanay ni Ron na mag-isa kaya ayun kahit anong gawin ko ay dapat alam niya, siya na yung naging kuya ko simula nung panahong nawala sa akin ang lahat. Siya yung naging instrument para mabuo ko ulit ang buhay ko.

Nagbalik alala ako nung mga panahon na nasira ako at kung paano ko nabuo ulit ang ako ngayon, nanghihina ako. Naalala ko pa yung sabi ni Ron sa akin noon.

Flashback...

'You're the strongest woman I have ever meet Angeline, alam ko na kakayanin mo lahat ng pagsubok na ito, lagi mo lang tatandaan na nandito lang ako palagi sa tabi mo. Magka boyfriend ka man, asawa o magka-anak, kasama mo parin ako. Ipagtabuyan, ikahiya mo man ako hindi parin ako aalis sa tabi mo, ikaw ang nag-iisang baby ko, tandaan mo yan." Hinalikan niya ang noon ko saka niyakap ako ng mahigpit.

Tinanaw ko ang magandang papalubog na, na araw.

Hinarap ko si Ron. "Salamat." Nang masabi iyon ay bigla nalang nagsilaglagan ang luha sa mata ko. "Salamat kasi dumating ka sa buhay ko, I can't imagine my life right now without you by my side," nahihirapan man magsalita ay ipinagpatuloy ko parin ang sinabi ko.

"Baby ka naming ehh," sabi niya.

"Sana wag niyo akong sukuan," paki usap ko.

"Hindi kami mapapagod mahalin ka, at sana ganun ka rin sa sarili mo.

Hindi ako nakaimik sa huli niyang sinabi at sa halip ay napaisip nalang.

End of flashback...

Napaiyak ako sa naalala ko. Matagal ko ng sinukuan ang sarili ko, pagod na ako sa mga nangyayari sa buhay ko, nakakapagod umiyak gabi-gabi, kausapin ang sarili sa harap ng salamin at saktan ang sarili ko.

Everytime I always felt useless but that change when the Santos and Constantine came into my life, they help me build a new me, they give me inspiration. Hindi ko kakayanin pag isa sa kanila mawala sa akin.

"Nabuhay lang ba ako para masaktan?" mahinang tanong ko sa kawalan.

Yun baa ng tungkulin ko dito sa mundong ibabaw. Nagpatuloy sap ag ragasa ang mga luha ko hanggang sa namalayan ko nalang na humahagulgol ako habang yakap ang sariling mga tuhod.

"Nakakapagod yung ganito." Mahinang sambit ko.

Ganun ang pag-iyak ko ng bigla nalang bumukas ang pinto. Nilingon ko siya. 'Iiwan mo din ba ako at sasaktan?' tanong ko sa isip ko.

"Angeline?"

____________

Loving The PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon