CHAPTER 43

103 8 6
                                    

CHAPTER 43 "LOVING THE PAIN"

(Warning: Scenes that were written in the story are the Author's pure imagination, nothing is related to personal life. Just fanfiction.)

ANGELINE'S POV

It's been 2 weeks since we arrived here in Manila, a week of rest was already enough for me kaya the following week ay naghanda na kami for the upcoming party na magaganap para sa partnership ng business naming ni Erik. This was just a normal partnership between both componies pero hindi ko alam kay Erik kung bakit kailangan niya mag tapon ng isang malaking party. Sabay narin sa party na ito ang announcement kung kailan ang opening ng new business ko dito sa Pilipinas kaya siguro it's fine to throw this party and para din makapag socialize ako sa mga ibang Board Members ng Company ni Erik.

"The party will start tomorrow at exactly 7 in the evening, Ma'am," Pagbibigay impormasyon ng aking sekretarya.

Nagpasalamat ako sa aking sekretarya bago ko siya pina-alis sa office room ni Yeng.

Pansamantala kaming nandito sa bahay nila Yeng kaya habang hindi siya nag tatrabaho ay ditto muna ako sa kaniyang opisina niya. Isa o dalawang buwan lang naman kami mananatili dito sa Pinas. Napag-usapan na naman naming ni Erik ang desisyon ko, nung una nagpumilit siya na dumito na kami pero ako lang talaga itong may ayaw manatili sa bansang ito. The People and Environment is so toxic at isa pa marami rin akong responsibilidad doon sa Paris.

Tinapos ko na lahat ng mga dapat ko na pirmahan at nakapag review narin ako ng iba pang mga importanteng dokumento. Lumabas ako ng office room ni Yeng at dumiretso sa kwarto naming ng mga bata para maligo at magbihis dahil pupunta kami sa isang boutique kung saan ako nag pagawa ng damit namin nila Yeng at ng mga bata.

Si Yeng ang nagbihis kay Angelo at ako naman kay Amil kaya smabilis kaming natapos at sabay-sabay na naka baba para mag tungo sa kotse. Nang makalabas kami ng bahay ay hiyaw ng mga bata agad ang namunga dahil sa saya ng makita nila ang kanilang Ama. Niyakap ni Erik ang mga bata at siya na ang nagdala nito sa aming sasakyan.

"Bakit kulay puti ang ginawa mong damit para sa akin?" Tanong ko kay Aleona.

Aleona is my friend from Paris, sa kaniya na talaga kami nagpapagawa ng damit kahit noong nagsisimula pa ako. And to clarify it, Aleona is not a Girl, he's a HE, and he's happy and inlove, kaya nga napauwi dito sa pinas kasi bakod na bakod ng kaniyang pinakamamahal.

"I just though na white is a perfect color for the party and hey, hindi lang naman ikaw ang white ang damit eh, the kids and Erik too," He said.

"Yeng's dress is way too gorgeous than mine and mas gusto ko yung ganiyang kulay eh, Iniba mob a ang sinabi ko na design?"

"Are you saying na pangit ang gawa kong damit for you? At wag ka munang magdrama diyan dahil hindi pa nga yan tapos, ikaw lang naman itong nagpumilit na tignan yan eh," He pouted. "And to answer your question, yes, I changed some details on your gown."

"Okay I'll trust with your skills naman kaya ikaw na bahala pagmukhaing pang reyna ang aking suot sa Party, and also, I'am warning you pag hindi ka pumunta sa party bukas aagawin ko talag yung asawa mo----"

My words were cut by Erik.

"Hey! Magiging fiancé mo na nga ako tapos mang aagaw ka pa ng iba," He said, para siyang bata, ang cute lang.

Niyakap niya ako sa bewang ko kaya napatawa nalang ako saka pinisil ang kaniyang pisngi. "Seloso."

"Oh siya sa bahay niyo na yan ituloy na dalawa at wag dito dahil you're giving chills, nang i-inggit lang kayo kasi alam niyong nag-away na naman kami. Che! May interest tung gown niyo!" Aniya saka itinulak niya ako palabas ng kaniya opisina.

Loving The PainWo Geschichten leben. Entdecke jetzt