Chapter 3 (editing)

45.4K 1K 79
                                    

"Just arrange that on my desk," utos ng boss niya habang nag-aayos nang manggas ng sleeve.

Habang si Riya ay nagkada-ugaga na sa pag-aayos ng mga makapal na papeless sa mesa. Fist day of duty pero patayan na agad ang trabaho. Napapamura siya sa kanyang isip dahil matapos nyang makapananghalian kanina ay binusog rin siya ng mga papel sa mesa.

"Bakit kasi hinayaang maging tambak 'tong mga papel na 'to e." bulong niya sa sarili.

"What did you say?" napalingon ang si Thunder sa kanyang sinabi.

Peke niya itong nginisihan saka sinabing.. "Wala yun sir, sabi ko ho tambakan mo pa ako ng mga papeless." pilosopo niyang sagot at malaki ang kumpyansa niya dahil malayo ang distansya nila. Nasa mahabang sofa siya ng office habang nasa may sliding window ang kanyang boss.

"Double time woman, its already 10 p.m and I'm fucking tired!" sambit nito na nagpabilis ng kilos niya.

Hindi niya mawari kung galit ba ito dahil sa ambagal niyang kumilos o sadyang ganito lang talaga ang ugali ng boss niya.

Pero imbes na alalahanin ang mga bagay na yun, binilisan nalang din n'ya ang pagliligpit ng mga papel. Inilagay n'ya ito sa mesa ng boss niya saka inayos ang ibang mga di pa nasisimulang pirmahan. Gutom na rin sya at nangangalay na ang kanyang mga balikat at sumasakit na ang kanyang likod.
Pero imbes na ang boss niya ang magpirma ng mga papel, sya ang pinagawa nito.

Sabay na silang pumasok sa elevator. Pinindot ni Thunder ang lobby, habang nasa loob ay di s'ya mapakali sa kinatatayuan. Naiilang siya sapagkat nasa likuran ang boss nya habang nasa unahan siya at silang dalawa lang ang nasa loob.

"What's you're name again?" basag nito sa katahimikan.

"Riya. Rv for short." maikling tugon niya. Di pa naman sila ganon kakilala ng boss niya kaya di sya magkwekwento basta-basta tungkol sa buhay niya.

"Thunder Devaux. In case you don't know me."

"I already know you." nakatingin niyang sabi sa harap. Di n'ya magawang lingunin ang boss n'ya dahil umiiwas s'ya sa mapanuksong mga mata nito.

"Okay. Halos lahat naman ata kilala na ako."

Bumukas na ang elevator at nauna siyang lumabas. Halos takbuhin niya na ang napakatahimik na hallway. Wala na syang ibang nakikitang mga tao sa lobby maliban sa kanilang dalawa. Tunog ng sapatos ang maririnig niya sa buong pasilyo habang binabagtas ang tahimik na daan papalabas ng lobby.

Naghintay siya sa labas ng masasakyan. Ilang minuto na siyang nakatayo ron pero wala pa ring sasakyan ang humihinto sa harap niya.

"Sabay ka nalang sakin." saad ng baritonong boses sa kanyang likuran.. "Ganitong oras wala ka ng mahanap na masasakyan."

Di niya ito sinagot. Luminga linga lang s'ya kaliwa't kanan baka may hihintong sasakyan pa.

"Tch. Stubborn woman." naramdaman niyang umalis ito sa tabi niya. Sinundan niya ng tingin ang papalayong lalaki.

Yun nalang ang pagkadismaya niya dahil naiwan siyang mag-isa sa gilid ng kalsada. Ang manhid niya masyado para di pansinin ang lalaki. May iniingatan lang syang barrier na di nya hahayaang masira ulit.

Ilang sasakyan na ang dumaan sa harap niya pero ni isa ay walang huminto. Hinanap ng mata niya ang lalaking yun kanina. Pero wala na ito doon sa pwesto kanina.

"Ang ending neto maglalakad ako pauwi. Pakipot pa kasi Riya e!" paninisi n'ya sa sarili.

Sinimulan nalang niyang lakarin ang sidewalk. Napayakap nalang siya sa sarili dahil sa lamig ng hangin sa gabi. Nakasimpleng t-shirt lang sya at blue jeans.
Hindi niya rin naman inakala na ora mismo matatanggap siya.
*Beep*

Napahinto siya ng may bumusina sa gilid niya. Itim na SUV, tinamaan siya ng kaba dahil baka kidnapper ang nasa tapat niyang ito at bigla nalang siyang isakay sa kotse at dalhin kung saan man.

Hindi nya maaninag ang kung sino man ang nasa loob dahil sa tented ang salamin. Pero agad rin naglaho ang kanyang mga naiisip ng ibaba nito ang salamin, nilingon siya ng lalaking nasa loob.

"Sakay." anyaya ng boss niya. Napahinga s'ya ng malalim dahil ang boss niya lang pala.

Ang akala n'ya ay tuluyan ng umalis ang boss nya at naiwan na naman s'yang mag-isa.

Wala na siyang sinayang na oras kakatitig sa lalaking nasa harapan at agad na sumakay. Isinukbit n'ya ang seatbealt at pinaandar na nito ang sasakyan.

"Di ko alam ang address mo kaya sa bahay nalang kita dadalhin."

"Pero sir, baka hanapin ako don sa amin saka -"

"No but's woman.. May cellphone ka naman siguro kaya itext mo nalang at sabihing di ka makakauwi." Thunder cut her words.

Hindi s'ya makaimik di dahil sa gusto n'yang umuwi kundi wala s'yang cellphone! Di n'ya rin kabisado ang numero nang pinsan n'ya na anak ng tiyahin niya. Noong nakaraan lang nasira ang cellphone niya dahil sa kalasingan sa party. Di siya makabili ng bago dahil sa gipit siya sa pera.

Napalingon sa kanya ang lalaki habang nagmamaneho dahil di siya sumasagot.. "What now?"

Nakagat n'ya ang ibabang labi dahil hindi niya alam kung saan sisimulan. Nahihiya siyang sabihin dito na wala s'yang cellphone.

"W-wala akong c-cellphone e." nakayukong aniya.

Kapag makasweldo na talaga siya ay don sya bibili ng bagong cellphone.

"What the fuck, woman? Pati cellphone wala ka? Saang probinsya ka ba nanggaling at di ka man lang makabili ng cellphone?"

Naiinis niyang sinagot ang boss niya dahil kanina pa ito salita ng salita... "Namumuro ka na sir ah! Wag mo nga akong minumura dyan, fuck-fuck'in ko 'yang nguso mo e!"

Sumilay ang ngisi sa labi ng binata saka nilingon siya. Yung ngisi niyang may hatid na kiliti sa ibaba ng puson niya. Sht, not there!

"Then go, fuck me.." mapang akit itong ngumisi sa kanya kaya napaiwas siya agad ng tingin.

Di niya maintindihan kung bakit biglang uminit ang atmosphere sa loob.

Huminto ang sasakyan sa tapat ng malaking bahay. Nasa dalawang palapag ang laki ng bahay. Para itong mansion sa laki. Ganon ba talaga kayaman tong boss niya?

Sabay silang pumasok sa loob. May isang kasambahay ang sumalubong sa boss niya na binati rin siya ng mapansin.

"Sir, gf nyo po?" usisa ng kasambahay na sumalubong sa kanila.

"No." mabilis na sagot ni Thunder. Nilingon siya nito,.. "She's my secretary."

Napaiwas siya ng tingin sa lalaking boss niya. May gusto pa siyang hinanap na maibigkas ng boss niya pero di niya ito narinig.

Wala ba talaga para sa boss niya ang nangyari ng gabing yun? Di nya ba maalala o di nya lang inabala pang alalahanin.

Sabay silang naghapunan at kalaunan ay pinahatid rin siya sa kanyang tutulugan.

Pinahatid na siya sa kanyang tutuluyang silid. Binigyan na rin sya ng kasambahay ng pantulog na damit. Nailibot niya ang paningin sa loob ng kwarto. Purong puti ang kulay ng dingding pati kisame. Mga palamuti na halos mga puti, pati kurtina. Sumampa nalang siya sa malambot na kama at dahil sa pagod ay agad siyang nakatulog.

Night Encounter COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon