Chapter 20

29.7K 651 50
                                    

"Baby, I need help," nakangusong tugon ni Thunder na may hawak na necktie.

Nilapitan niya ito at inayos ang necktie na natabingi.

"'Di ba marunong ka naman magsuot neto? Bakit ngayon nangangailangan ka na sakin?" tugon niya habang inaayos ang polo.

"Nope. Kasi 'di ko kayang mawala ka." sabay hapit sa kaniyang bewang papalapit dito.

Pinakatitigan niya ang kulay berde nitong mga mata. Nagbabakasaling masambit na nito ang password na kaniyang hinintay pero wala. Umasa lang siya sa wala, kaya humiwalay siya at kinuha nalang ang bag ni Thunder at ibinigay sa kaniya.

"Geh na alis ka na." maiksi niyang tugon.

Bumigat ang pakiramdam niya dahil sa turing niya sa lalaki. Wala naman itong kasalanan sa kaniya pero ayaw niya lang talaga rito. 'Di naman sa umiiwas siya pero parang ganon na nga, baka maakit na naman sya't bumigay. Hinihintay niya lang talaga ang katagang matagal na niyang hinahanghad lalo na't buntis siya at ito ang ama.

"Is there a problem?" tugon neto ng makalapit sa kinaruruunan niya.

"Wala." ganti niya.

Humugot siya ng mabigat na hininga. Malapit nang tumulo ang mga luha niya kaya tumingala siya.

'Sorry Thunder, I need to do this.' saad niya sa kanyang isip.

Naramdaman niyang may humawak sa braso niya kaya napatigil siya sa paglalakad papalabas sana sa kwarto ni Thunder.

"I'm not leaving kung ganito na may bigat sa kalooban mo," iniharap siya neto.. "Tell me baby, may nagawa ba akong 'di mo nagustuhan?"

Nagsusumamo ang mga mata nito and she hates it. Ang lalaking tinitingala ng karamihan ay nagmamakaawa sa kaniya.

"Masama lang ang pakiramdam ko." tipid niyang ganti saka pilit na ngumiti para 'di na mag-alala pa si Thunder.

Itinapat ni Thunder ang palad sa kaniyang noo at leeg.

"'Di nalang ako papasok ngayon, aalagaan nalang kita rito. Baka mapano ka kapag iniwan kitang mag-isa -" she cut him off.

"Ayos lang nga sabi ako!" iritadong saad niya.

"Ba't ka nakasigaw?" kalmadong tanong ni Thunder.

Napaisip siya saglit. Dala na siguro ito ng kanyang pagbubuntis na madali lang magbago ang kanyang mood. Ayaw niya ng may matanong at naiirita siya don.

"Di ako nakasigaw, okay?!"

"Kakasigaw mo lang ngayon,-"

"Arghhh!" pinandilatan niya ito ng mata.. "Di nga ako nakasigaw, pwede bang umalis ka na! Nagdidilim paningin ko sayong kupal ka!" 'di niya rin naman nagustuhan 'tong pagiging moody niya.

Kinuha ni Thunder ang bag na nasa kaniya at walang atubiling umalis. Sinundan niya ang papalayong bulto ng binata.

"Gago. Siya pa may ganang magalit. Wow, hanep!"

'Di niya nalang ito inabala at pumunta sa kusina, pagbukas niya sa malaking fridge ay tumambad sa kaniyang harapan ang iilang laman ng ref. Mas lalong uminit ang ulo niya dahil 'di pa pala siya nakakapag grocery.

Kumain muna siya ng pang agahan bago inilista ang mga bibilhin sa grocery. Umakyat siya sa kaniyang kwarto at naligo pagkatapos ay nagbihis ng simpleng damit. High waisted white shirts with gold buttons. White shirt with colorful stripes on the sleeves on top. Pinarisan niya ng tan sandals, humarap siya sa salamin at naglagay ng kaunting make up sa mukha para 'di siya magmukhang haggard.

Kinuha niya ang chanel sling bag at tinali ang buhok na pina bun. Inilagay na niya sa bag ang listahan at lumabas. Magtataxi nalang siya total 'di siya marunong magmaneho.

Agad na sumakay siya sa humintong sasakyan at sinabi ang kaniyang lokasyon.

"Sm batanggas po tayo, manong." saad niya.

Pinaandar na nito ang sasakyan at ilang minuto lang ay nakarating na sila. Nagbayad na siya at pumasok sa malaking mall dito sa batanggas. Malapit lang naman ito sa kinaruruonan ng bahay ni Thunder pero wala siyang oras para gumala dahil abala rin siya sa trabaho.

Nag ikot muna siya sa mga stalls pero wala siyang mapili. Napahinto siya sa may jewelry, naisip niyang bilhan si Thunder pang peace offering.

"Miss, magkano to?" turo niya sa relong pambisig

"Ito po ba ma'am, Omega speedmaster racing authomatic chronograph stainless steel. Cost of $3,395.00, its the most expensive luxury watch. 60 second, 30 minute, and 12 hour subdials give you all the equipment you need for pin-point precise timing, while the stainless steel case and rubber strap add a sporty edge." paliwanag pa nito.

Sa mga sinabi nito ay walang pumasok sa isip niya. Parang madugo na yung ilong niya sa explaination ng staff na babae.

"Kukunin niyo po ba ma'am?" ulit nito.

"No, nevermind nalang." sagot niya saka umalis sa jewel shop.

Ang sadya lang naman niya ay mag grocery pero 'di nya akalain ang mahal ng jewel na yun. My gas! 'Di niya afford yun pang peace offer sa boss niyang nagtatampo.

Sa kakaikot niya ay napadpad rin siya sa wakas sa grocery stall. Inilabas niya ang listahan at hinanap ang mga nakalagay sa kanyang list. Nilagay niya isa-isa sa cart at nagbayad na sa cashier.

Pumara ulit siya ng taxi at naisipan na magpunta sa office ng boss niya.

"Babalik rin po ako agad, manong driver." paalam niya sa driver. Dodoblehin nya nalang ang bayad para sa paghihintay sa kaniya.

Pumasok siya sa elevator at pinindot ang floor ng boss niya. Magsasara na sana ang pintuan ng may babaeng agad na pumasok. Tinaasan siya neto ng kilay saka umirap.

'She's sexy but bitchy.' saad niya sa kaniyang isip.

Matangkad ito kaunti sa kaniya dahil sa suot na heels. Fited ang kaniyang damit at kumurba ang slim nitong pangangatawan. Nasa 25+ pa ata ang edad neto. Putok ang mga kolorete sa mukha at muntik na siyang matawa sa hitsura nito. Pero pinigilan niya dahil baka maoffend 'tong katabi niya.

Nang tumunog ang elevator ay lumabas na siya, nauna sa kaniya ang babaeng nakasabay niya kanina.

"Ay hala! Sorry po Ma'am." sabi ng babaeng nakabanggaan niya.

Tinulungan niyang pulutin ang mga papel na nagkalat sa sahig.

"It's okay, better see next time." sagot niya.

Base sa uniform nito ay dito ito nagtatrabaho. Isa sa mga stuff ng Devaux company na pagmamay-ari ng boss niya.

"Salamat po." tugon nito.

'Di niya na inabala pa ang babae at binigay na niya ang mga papel na napulot at pinuntahan na ang room ni Thunder.

Nanlamig siya sa kanyang nadatnan. Kitang-kita sa dalawang mata niya ang dalawa. Naghahalikan.

Ang babaeng nakasama niya kanina sa elevator ay nasa loob ng office nakayapos sa leeg ni Thunder. 'Di siya nagkakamali ng kaniyang nakita dahil alam niyang si Thunder nga ito. Nakahapit sa bewang si Thunder sa babae.

"Walang hiya ka!" sigaw niya dahil sa sobrang galit.

Napaigtad ang dalawa at gulat na napatingin si Thunder sa kaniya. Galit niyang pinuntahan ang dalawa at binigyan ng malakas na sampal ang babae.

"Riya, let me explai-" 'di niya ito pinatapos at binigyan ng malutong na sampal sa dalawang pisnge si Thunder.

Ayaw niyang mag eskandalo sa loob kaya wala siyang ibang magawa kundi ang umalis sa building, dala-dala ang bigat ng kalooban.

"Manong tara na, wala naman pala akong aasahan sa putanginang lalaking yun!" singhal niya.

Night Encounter COMPLETEDWhere stories live. Discover now