Part 2

104 4 0
                                    

Aki POV

"Nay papasok na po ako" ito ang unang araw ng pasukan kaya exited ako. Nagpaalam nako kay nanay na papasok nako.

Hindi ako sumasakay papasok dahil wala naman akong pera at tsaka malapit lang naman ang school na pinagaaralan ko

Ang school na pinagaaralan ko ngayon ay exclusive school mga taong mayayaman  ang makakaharap ko.

Kaya ako nakapasok sa school na yun ay dahil binigyan ang ako ng isang lalaki ng scholar hindi ko siya kilala kaya pag nakita ko siya ay pasasalamatan ko talaga siya

Nahinto ako sa pag aaral dahil kapos kami sa pera at walang kakayahan ang nanay kong paaralin ako. Oo tama ang nabasa niyo ang nanay ko lang ang kasama ko sa bahay dahil hindi ko kilala ang tatay ko, hindi kase sinasabi ni nanay saakin ang tungkol kay tatay.

Nakarating nako sa school at namangha ako"Diko alam may gantong school pala para akong nasa isang palabas" hindi mawala sa mukha ko ang pagkamangha.

Dahil unang araw ko hindi ko alam kung anong section ko kaya pumunta muna ako sa dean's office at nagtanong dun.

"Magandang umaga po nais kong makausap ang dean ng paaralang ito nais ko pong malaman ang section ko"
Magalang na pagbati ko sa babaeng nasa kaliwang table at may tinuro siya saakin

Sinunod ko naman kung anong tinuro niya at nakita ko ang dean ng paaralang ito ang lalaking nagbigay ng scholarship sakin kaya't dali dali ako upang makausap siya.

"Magandang umaga po dean" magalak kong bati. "kayo po ang nagbigay saakin ng scholarship maraming maraming salamat po dean" maluluhang wika ko

"Nagagalak kong makita kang muli Miss Del Mundo walang anuman, alam ko ang pakay mo dito sa opisina ko nais mong tanungin ang section mo" nakangiting sabi ng dean

"Opo dean nais ko pong malaman" nakangiting sabi ko "Ang section mo ay 1 Miss Del Mundo" nagulat ako sa sinabi ng dean section 1 ako ngunit paano hindi naman ako gaanong matalino ngunit di nako nagtanong pa at nagpasalamat nalang bago umalis.

Hinanap ko na ang section ko at alam kong late nako. Kumatok ako ng nakita ko ang section ko at guess what may lecturer na.

"Why are you late" bungad saakin ng lecturer hindi nalang ako nagpakita ng emosyon"Hinanap ko pa po kase yung section ko po"wika ko.

"Sasusunod ayoko ng late, by the way what is you name?tinanong ng lecturer ang pangalan ko"Aki Del Mundo" at dumaretso nako ng upo sa dulo dahil na late ako nasa dulo ako.

Habang nasa gitna ng discussion ay may kumausap saakin. Magandang babae siya at feeling ko matalino at mayaman to makikita mo palang sa bag niya .

"Hi I'm Samantha Anne Jose" pakilala nito sakin feeling ko naman ay mabait to kaya kinausap ko din siya"Hello ako naman si-" hindi ko pa natatapos ang pagsasalita ko ng sumagot agad ito"Yes I already know your name Aki" natatawa pang sabi niya at natawa din ako

Nagpakilala na pala ako kanina kaya niya alam. Mabait si Samantha dahil sabay kaming kumain sa cafeteria kakatransfer niya palang daw dito at nilibre niya pa ako ng snack.

"Salamat dito Sam hindi mo naman ako kailangan ilibre" mabait talaga siya"Haha it's ok Aki just today" wika ni sam

Natapos na ang klase at umuwe na kami ni Sam napaka bait niya nakakita nako ng kaibigan sa school na iyon.

"Nay nakauwe napo ako,marami po ang ikekwento"at dun ko sinabe kay nanay ang lahat ng nangyare kanina.

To be continued...


Still You ForeverOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz