Part 17: Hate at First Sight

41 2 0
                                    

Aki PoV

Nang makapasok ako ay nakita ko ang
malaking tarpulin na nakalagay ng pagkapanalo ko sa competition sinalihan ko dumaretso ako sa room ay kasunod ko lang lecturer namin at binati din ako nito sa pagkapanalo ko hindi ko na nagawang kausapin ang bf ko dahil nag discuss na si sir.

Discuss

Discuss

Break timeeee

"Iwant you to meet my parents baby gusto kitang ipakilala sa kanila yun ang premyo mo saakin dahil nanalo ka sa competition iyon" kinabahan ako sa sinabi ni James biglang pumasok sa isip ko na paano kung ayaw ako ng mga magulang nito dahil mahirap lang ako.

"Paano kung ayaw nila ako James paano? " sagot ko agad sa kanya nang makabawi ako sa pag iisip.

"I promise na kahit anong mang yare kasama mo ako dikita iiwan tulad ng pangako ko sayo aki" gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi nito.

Pumunta na kami sa cafeteria para bumili ng snack at dito nanamin ito kinain may natitira pa kaming mga minuto kaya pumunta muna kami sa batibot tumambay muna kami rito ay pinagusapan ang mga school works dahil marami nanaman ito.

Pumasok na kami sa room namin dahil klase nanaman pero wala dito ang isip ko habang nasa klase ako iniisip ko ang mangyayari mamaya dahil ipapakilala nako ako ni James sa mga magulang nito at hindi ko alam bakit may bumabagabag sa isip ko pilit na pumapasok sa isip ko na di ako magugustuhan ng mga magulang nito dahil sa estado ng buhay na meron ako pero hindi naman ako yung babaeng peperahan lang ang kanilang uniko iho ng pamilya nila.

"Wag kang magisip ng kung ano ano jan baby kasama mo ako at di kita iiwan kahit anong mangyari trust me papayag sila dahil hindi naman ikaw ang babaeng iniisip nila na peperahan lang ako hindi ikaw yun baby" bulong ni james saakin dahil hanggang ngayon ay nasa klase pa rin kami.

Kahit anong sabihin nito ay kinakabahan pa rin ako hindi ko maiwasang magisip,nagpa exam ang teacher namin at hindi ko alam kung tama ba ang mga sagot ko dahil hindi ako nakafocus sa mga tinuturo nito.

Wala akong ibang ginagawa hanggang matapos ang klase kundi magisip ng magisip nawawala ang atensyon ko sa maraming bagay una ang programa na sasalihan ko at ngayon naman ang pagpakilala ni james saakin sa pamilya nito sinong hindi kakabahan sa mga magulang nito.

"Congrats Aki"sabay sabay pagbati nila Sam Alvin at Aly saakin kaya nagpasalamat ako dito sabay sabay kaming lumabas ng school at pumunta sa parking lot nauna na sila Aly at Sam dahil ihahatid pa daw ni Aly si Sam hindi na pala nag dadala ng kotse si Sam dahil sinusundo daw siya lagi ni Aly. At umuwi na rin si Alvin dahil may Family dinner daw sila.

"Are you ready baby"tanong ni james habang hawak ang dalawa kong kamay dahil alam nitong kinakabahan pa rin ako "Kinakabahan lang ako pero ok lang ako" sabi ko dito para di na rin siya mag alala.

Pinagbuksan ako nito ng pinto ng kotse ay dahan dahan akong sumakay dito at pagtapos ay sinara na nito ang pinto at sumakay na din siya "Okay let's go" sabi nito ng makasakay sa kotse "mmm" sagot ko dito para di na humaba pa ang usapan.

Habang nasa byahe ay wala kaming salitaang nagaganap ramdam ko ang bigat ng emosyong namumuo sa loob ng kotse parehas siguro kaming kinakabahan hindi lamang pinahahalata ng nobyo ko samantala akong nobya niya ay halatang halata.

Nang marating namin ang bahay nito hindi maipinta ang pagkamangha sa mga mata ko para akong nasa isang palabas dahil sa laki ng bahay nila hindi ko alam kung mansion pa ba kung ito ay tawagin sa sobrang laki.

Sinalubong kami ng mommy ni james at makikita sa mga suot nito ang katayuan nito sa buhay suot nito ang gintong sapin sa paa at branded na damit na kumikintab pa.

"Magandang gabi po maam" pagbati ko dito pero tinitigan niya lamang ako sa mata at maya maya ay bumaba ang mga mata nito sa aking katawan hanggang sa aking mga paa hindi ko alam niya ito ginagawa pero hindi naman ako makapagsalita sa hiya.

"let's go inside Mom " sabi ni james sa nanay nito at pumasok na kami sa loob at lalo ang namangha sa ganda nito dahil ang kulay ng kanilang pader ay krema na may halong ginto sa paligid nito at mga babasagin ang mga gamit nawala ang atensyon ko ng kausapin ako ng nanay ni james "Sino ka sa buhay ng anak ko" sabi nito at dito na nagsimula ang panginginig ng mga tunod ko "Mom Aki is my girlfriend" si james ang sumagot sa nanay niya na kinataas ng kilay nito "Anak peperahan ka lang ng babaeng yan base sa pananamit nito mahirap at walang pinagaralan ang pamilyang pinagmulan nito." sigaw ng nanay ni james at kinabigla ko naman ito, "Paano niyong nagawang husgahan ang tao base lamang sa itsura nito ,oo mahirap ako pero hindi ho ako mukhang pera at may pinagaralan ho ako" pigil na galit kong sabi hindi ko matatanggap na ganun ganunin lamang ako ng taong di ko naman kilala hindi ko nais bastusin ang magulang ng minahal ko "Bastos yan ba ang gusto mong babae son ang babastusin ang mga magulang mo" sigaw ng nanay ni james at lumapit sa kanya ang may edad na ring lalaki siguro ay tatay ito ni james "Kayo ho ang unang nang bastos ibinabalik ko lang sa inyo ginawa niyo saakin " pigil ko paring galit dahil ayokong bastusin ito dahil magulang ito ng minamahal ko.

"Enough! Mom hindi ganong babae si Aki hindi siya mukhang pera mom mahal namin ang isat isa hindi siya tulad ng inaakala niyo, kayo ang unang nambastos sa girl friend ko mom" awat ni james pinagtatanggol ako nito sa nanay niya na mali naman talaga"Anong pinakain mo sa anak ko bakit niya ako nagagawang bastusin ng ganito" sigaw ng mommy saakin ni james "Mali ho kase ang ginawa niyo hindi niyo ako pwedeng husgahan base lamang sa pananamit at sa katayuan ko sa buhay maam hindi niyo po kilala ng lubos" nagtimbangan sabi ko.

"Mahal ko po ang anak niyo hindi po pera ang habol ko dito" sabi ko nang may diin "Kahit anong sabihin mo hindi na magbabago pa ang desisyon ko ayaw kita para sa anak ko" sabay layas sa harapan nami ni james "Palayasin mo yang babaeng yan sa pamamahay ko james ayaw ko ng makita pa yan ulit dito" sigaw nito at tumingi pa saakin ng masama bago tuluyang tumalikod.

Tumakbo ako palabas ng bahay nila james nang biglang bumuhos ang malakas na ulan habang tumatakbo ako ay may humawak sa aking braso at nang humarap ako ay si james ito niyakap ko ito habang umiiyak ako "Kahit anong sabihin ng magulang mo james hindi kita iiwan hindi naman sila ang minamahal ko ikaw ikaw ang minamamahal ko , mahal natin ang isat isa wag mokong iwan james" umiyak na sabi nito saakin hinawakan ang aking muka "Hindi hindi kita iiwanan Aki mahal kita at ipaglalaban kita sa kahit kanino kahit pa sa mga magulang ko" sabi niya saakin at pinunasan pa ang aking muka.

Hinatid niya na ako sa bahay at di nako kumibo dito at pumasok nako sa bahay dahil nabasa na rin ako ng ulan ay dumaretso nako sa kwarto ko buti nalamang ay natutulog na si nanay kaya di na niya ako nakitang pumasok ng basa naligo nako para di magkasakit.

Himiga ako sa kama ko ay dito umiyak ng umiyak hindi ko alam kung paanong nahusgahan ako base lamang sa suot ko hindi ako makapaniwala ayokong bastusin ang mga magulang ng lalaking pinakamamahal ko.

May biglang pumasok sa kwarto ko si nanay "Anak hindi natin mapipilit ang taong gustuhin tayo" panimula ni nanay na para bang alam na niya agad ang aking pinahdaraanan "Masakit magmahal kung alam mong may tumututol  dito pero kung hindi mo ito papansin ay hindi nito masisira ang dalawang taong nagmamahalan,magtiwala ka sa tadhana anak may dahilan ito sa lahat ng nangyayari sa inyo" hinalikan nito ang noo ko at nagpaalam "matulog kana anak hayaan mong tadhana ang magbigay ng tamang panahon at oras " sabi ni nanay at niliban ang kwarto maya maya din ay nakatulog na ako sa pagluha sa sinabi ni inay.

Hahayaan kong husgahan niyo ako ng paulit ulit,hinde ko iiwanan ang minahal ko

To be continued...

Still You ForeverWhere stories live. Discover now