Part 13: Championship

39 2 0
                                    

ALY PoV

Una ang basketball sa championship na maglalaro dahil yun ang unang natapos at susunod ang billiards and ang singing.

Sa loob ng 20 minutes magsisimula na ang game maaga magsisimula dahil lahat ng club at sports ay championship din binigyan nila ng 2hr ang lahat ng clubs and sports.

Naghahanda na kami ng mga kaibigan ko at bago magsimula hinahanap ng mata ko si Sam ang ultimate crush ko pero hindi naman ang pinapansin kaya nagpapapansin ako.

Nang hindi ito makita ng aking mata ay nag focus nalamang ako,wala ng iniintay kayat mabilis nagsimula ang laro.

Nang pinasa saakin ni james ang bola umikot ako sa kalaban para matakasan ang humaharang saakin nakakuha ang ng perfect spot para ipasa ito kay alvin para sa 3points at napasa ko ito ng ligtas.

Nang mashoot na ang bola nasa kalaban na ang bola hinaharang ko ang may hawak nito pero sadyang pino ito gumalaw ang bilis pero hindi ako nagpatinag dito at sinubukan kong makuha ang bola pero nabigo ako nang umikot ito sa akin ay kumuha ang ng chansa sa gilid nito upang makuha muli ang bola at nagtagumpay ako.

Mabilis akong tumakbo papunta sa kabilang court para i shoot ang bola ang pasok 3 point again.

Habang tumatagal ang laro lamang kami ng 17 points. Habang nasa court ako focus lamang ako sa laro ng makita ko si Sam sa gilid at nakatingin saakin hindi niya kasama si Aki hindi ko alam bakit.

Ngayon ay hawak ko ang bola bago ko ito ishoot ay tumingin muna ako rito at kumindat pero tinarayan lang ako nito
Buti nalang ay na shoot ko ang bola

Last round na at hinayaan ko na ang team captain namin ang humawak ng laro si james in short siya na ang nakakapuntos.

Bago ito mag shoot at tumitingin muna ito sa mga tao hinahanap niya ata si Aki pero wala naman ito.

Natapos ang laro at panalo kami ang champion kaya humilera na kami para makipagkamay sa kabilang kampo at pag tapos nun ay pumunta kami sa stage at binigyan ng parangal sa aming pagkapanalo.

At ang MVP of the year ay si James nanaman wala naman ng bago saamin dahil tuwing last round yun ang pasabog niya.

Matapos namin awardan ay pumunta na kami sa cafeteria pero di na muna namin kasama ang mga girls kase busy din sila dahil susunod na ang championship nila.

Kumain lang kami dahil na gutom kami sa laro at pagtapos nito ay pupunta na kami ng billiards hall dun nadaw gaganapin ang championship.

Nang matapos kami ay nagtungo na kami sa hall na yun at nakita kong nagaayos ng gagamitin na tako si Sam.

Maganda si Sam simula noong nag transfer ito sa school ay nagustuhan ko na siya. Sino ba naman ang di makakagusto jan maganda sexy pero diko alam kung ideal girl.

Nagka girl friend na din ako pero pinaglaruan lang ako nito ang habol lang nito saakin ay pera kaya ako nalang ang nakipaghiwalay.

Nagsimula na ang laro nila Sam at siya ang unang titira ang inaasinta nito ay ang pinaka mataas at natamaan naman niya ito at hulog.

Makalipas ang 3 minuto hindi parin nakakatayo ang kalaban ni Sam habang siya naman ay nakakahulog na ng 7 na bola 8 na bola nalang ang natitira.

Nagulat ako ng magkatitigan kami ni sam bago niya asintahin ang otso na bola at tinira niya ito ng nakatingin saakin at hulog.

Ewan ko bakit ako kinabahan sa mga titig niya para kaming naguusap gamit ang aming mga mata, maganda ang mata niya mahaba ang mga pilik at hindi nagsisinungaling ang sinasabi ng mga mata niya dahil ang nabasa ko dito ay paghanga sa lalaking tinitigan niya.

Still You ForeverWhere stories live. Discover now