INTRO

24K 167 18
                                    

Denise breathed a sign of relief as she got inside her hotel suite, reserved by Yohann and Sam for their wedding guests. She smiled because one of her best friend, Sam, was already married to the person she really loved.

Naglakad siya papunta sa kama at inilapag doon ang shoulder bag niya tsaka hinalungkat ang nightdress niya. Inilapag niya lang iyon sa kama at naglakad na siya sa papuntang cr para maligo. She took off the bridesmaid dress she was wearing and hung it up and went underneath the shower.

Muli na naman siyang huminga ng malalim ng maalala ang pangungulit ni Isiah sa kanya simula ng dumating siya sa Baguio hanggang sa reception ng kasal ng kaibigan niyang si Sam.

Isiah had been pestering her life for months now. Wala itong ginawa kundi kulitin siya ng kulitin ng kulitin.

Wala aa sariling hinawakan niya ang kanyang puso at mabilis na umiling.
She should be more careful if she doesn't want to be hurt again by the same person . And She had to guard her heart not to break it into tiny pieces again. Not anymore...

Napabuntong hininga siya, at pagkatapos niyang maligo ay kinuha na niya ang malinis na tuwalya na nakasabit sa railing, kasama ng puting bathrobe at ibinalot iyon sa ulo at katawan niya tsaka naglakad pabalik sa kama.

Tinanggal niya ang tuwalya sa kanyang ulo pati narin ang bathrobe niya, pagkatapos ay isinuot na niya ang red nightdress niya. Balak niyang bisitahin mamaya si Jennie sa silid nito para ayain itong uminom. Nauna kasi siya sa kanyang suite at ang kaibigan niya ay nasa reception pa. Hindi niya pwedeng ayain si Crista dahil kahit hindi nito sabihin, alam niya sa kilos nito na nagbabalak itong kausapin si kuya Clyde. 

Naalala niya muli si Isiah. Buti nalang at hindi na siya sinundan pa nito dahil hanggang ngayon ay nahihiya parin siya sa ginawang kalokohan nito sa reception ng kasal ng kaibigan nila.

Napabuga siyang muli ng malalim na hininga bago pabagsak na humiga sa kama, habang nakadipa ang dalawang kamay niya sabay pikit ng kanyang mata.

Pero ilang sandali lang ay unti unting nagsalubong ang mga kilay niya,  mabilis siyang nagmulat ng mata at napakunot noo ng marinig niyang may nagbubukas ng pinto ng kanyang suite. Mabilis na bumangon siya at isinuot ang bathrobe na nasa tabi niya. Akmang maglalakad na siya ng ng biglang bumukas ang pinto at nakangiting si Isiah ang nabungaran niya.

Nanlaki ang mata niya ng makita si Isiah, pasimple niyang itinali ang bathrobe niya at matalim na tinitigan Ito. "What are you doing here isiah?!" Inis na itinuro niya ang pintuan niyang alam niyang inilock niya naman. "At paano mo nabuksan ang pintuan ng suite ko?!—" Oh, why did she asked that anyway? Naalala niyang hindi ito ang unang beses na ginawa nito iyon.

But isiah just pouted, as if he doesn't mind her sharp look. "Mahal, why did you leave me there?" Sa halip ay wika nito sa tanong niya.

She gritted her teeth in annoyance.
"I'll asked you again isiah. WHAT-ARE-YOU-DOING-HERE?! Diba may sarili kang suite? And stop calling me mahal!" Galit na wika niya. Bigla siyang napatingin sa suot nito. Nakabathrobe din ito kagaya niya kaya napakunot siya dahil doon.

"I just want to entertain you Mahal."

Napahawak siya sa kanyang sentido ng bahagyang pumitik iyon dahil sa inis kay Isiah sa paulit-ulit na pagtawag nito sa kanya ng Mahal.

But her brows suddenly furrowed. "Entertain?" Tumawa siya ng pagak. "I don't give a damn in your shit Isiah. Just get the hell out of here... Please... Kung ano man yang kalokohan mo, huwag mo ng ituloy. Umalis ka na at magpahinga ako." Mariin niyang pahayag. Mukhang may kalokohan na naman itong binabalak.

Napasimangot naman bigla si Isiah.
"Mahal naman, stop cursing. "

"I can swear whenever I want isiah, and you can do nothing." Sinamaan niya ito ng tingin kaya bahagya itong umatras habang nakataas ang dalawang kamay nito.

HOT AND COLDWhere stories live. Discover now