PART 21

3.9K 82 6
                                    

"They're both funny. Now I know kung kanino nakuha ni Jennie ang ugali niya." Natatawa paring wika ni Isiah. Magkahawak-kamay na naglalakad na sila palabas ng mall. Nakapagdinner narin sila kasama sina ate Saph, kuya Alexis at ang may-ari ng mall na si kuya Flynn.

Hindi siya umimik at patuloy paring umiinom ng milk tea. Salty and creamy teatea flavor ang iniinom niya ngayon. Kanina ay calamanteatea. Masarap nga ang milk tea na binibenta ng shop ni ate Saph, pero para sa kanya, nahihiya siyang umorder.

"Masarap ba yan?" Napahinto siya sa paglalakad ng magtanong ang binata. Long teatea naman ngayon ang iniinom nito.

Hindi na siya nakapagsalita pa dahil binitawan nito ang kamay niya saka kinuha ang hawak niyang milk tea.

Titig na titig ito habang tinitikman ang milk tea niya ng magsalita ito. "Hmmm, masarap nga." Bigla itong ngumisi ng nakakaloko. "Pero mas masarap kaya ito kaysa sa teatea ko?"

Agad na pinamulahan siya ng mukha. "Bastos ka talaga! Bahala ka na! Tapos na ang pagtyatyaga kong makasama ka ngayon! Uuwi na ako!" Buti nalang at hindi na nito hawak ang kamay niya kaya iniwan na niya ito agad.

"Denise, wait up! Binibiro lang kita."

Mabilis na nahabol siya nito at muling pinagsalikop ang kamay nila.

Tinignan niya muna ang kamay nilang magkahugpo bago sinamaan ito ng tingin. "Baka akala mo hindi ko napapansin na namumuro ka na? Bitawan mo ang kamay ko Isiah. Kaya kong maglakad ng hindi tayo magkahawak kamay."

Ngumuso lang ito at nagpacute. "Gusto kong hawakan 'tong kamay mo. Ngayon lang naman eh."

"Pwes, bitawan mo ang kamay ko dahil uuwi na ako."

"Sabay na tayo uuwi mamaya."

"Mamaya? At bakit mamaya pa? Gusto ko ng umuwi!"

"May pupuntahan pa tayo."

Agad na kinunutan niya ito ng noo. "
"Saan na naman ba yan?"

"Hotel tayo?" Pakindat kindat na sagot nito. "Alam mo na, para ipatikim ko naman sayo ang teatea ko."

Agad na uminit ang mukha niya at akmang ipipiksi ang kamay ng magsalita itong muli.

"Joke lang love. Ang init talaga ng ulo mo. Halikan kita dito eh."

"Subukan mo!"

"Talaga? Walang bawian yan ha?" Tuwang tuwa na lalapit na sana ito ng talikuran niya ito para itago ang pamumula ng kanyang pisngi. Bumilis din ang tibok ng puso niya, na pilit man niyang pinapakalma ang sarili ay hindi niya magawa.

"Saan mo ba ako balak dalhin ha? Kung kalokohan na naman yan, please lang, patahimikin mo ako kahit ngayon lang." Aniya habang hindi tumitingin rito.

"Punta tayo sa bar ni Clinton."

Agad na nilingon niya ito. "Kung maglalasing ka, wag mo akong isama. Gagawin mo pa akong alalay pag nalasing ka."

"Hindi naman ako magpapakalasing eh. Wala ng dahilan para magpakalunod ako sa alak, kasi kasama na kita." Tumitig ito ng matiim sa kanya dahilan para mapalunok siya. "Kung magpapakalunod man ako, gusto ko magpakalunod sa pagmamahal mo. Gusto kong mahalin mo ako ulit Denise."

Umiwas siya ng tingin rito at ilang sandali siyang hindi nakapagsalita nang muli itong nagsalita.

"Birthday ni Yohann ngayon. Magcecelebrate daw siya sa bar ni Clinton."

Buti nalang at iniba ni Isiah ang usapan dahil parang naumid ang dila niya sa sinabi nito. Mahal niya pa si Isiah, pero takot na siyang magtiwala muli rito. Takot na siyang iwan na naman nito.

HOT AND COLDWhere stories live. Discover now