PART 26

6.6K 135 63
                                    

Dedicated to

JulietaVillacrucis2
😊




"Tongono Denise, kung makasight-chi naman ites yang ex-nyoylet mo, para kang chuchupain." Bulong ni ate Saphfire sa kanya.

Kasal na ni Sam at Yohann ngayon at naghahanda na sila para sa seremonya ng kasal ng dalawa.

Isa rin sa bridesmaid si ate Saphfire at katabi niya ito.

"Ayos-ayusin mo nga yang pananalita mo apoy ka? Hindi ka maiintindihan ni Denise." Singit naman ni kuya Alexis.

"Oo nga no?"

Nagbuga nalang siya ng hangin at hinayaan nalang ang dalawa na abala na sa pagkukwentuhan. Pagkukwentuhan saan? Sa mga lalaking bisita sa kasal.

Ibinaling niya ang tingin sa harapan at wala sa sariling napangiti siya ng mapansing parang aligaga si Yohann, halatang kinakabahan. Pero saglit lang ay biglang bumilis ang tibok ng puso niya, halata kasing may nagmamasid sa kanya, at pigilan man niya ang sarili ay hindi na niya nagawa at nilingon ang kinaroroonan ni Isiah. Nakaupo ito at sa harap nito ay piano, katapat ng kinatatayuan ni Yohann.

Mabilis siyang umiwas ng tingin ng kindatan siya nito, pero hanggang sa mag-umpisa na ang seremonya ay alam niyang nakatingin parin sa kanya ang binata kaya hindi siya mapakali.

"You're just too good to be true
Can't take his eyes off of you
You'd be like Heaven to touch
Oohhh, he wanted to hold you so much,"

She rolled her eyes as ate Saphfire sang behind her in a low voice.

"Relax lang Denise, baka manginig tuhod mo sa intense na paninitig ng ex mo huh?"

Mabilis na nilingon niya Ito. "Ate Saph!" Mahinang sita niya rito pero ngumisi lang ito sa kanya at sinenyasan siyang maglakad na.

Habang dahan dahang naglalakad ay pabilis ng pabilis ang tibok ng puso niya. Parang nanghihina rin ang tuhod niya at kahit na anong oras ay bibigay na iyon.

Napakalamyos talaga ng boses ni Isiah, at habang kumakanta ito ay hindi man lang inalis ang pagkakatitig sakanya at ganun din siya na para bang hinihipnotismo siya nito.

Mula ng mag-umpisa ang kasal hanggang sa pagpunta nila sa reception area ay alam niyang nakatingin parin si Isiah sa kanya, iiwas lang ito ng tingin kapag may kumausap dito pero pagkatapos niyon ay sakanya ulit ito babaling.

"Ang sarap sigurong magmahal ng ex mo?" Tanong ni kuya Alexis sakanya. Nagtaka pa siya dahil parang biglang parang bula na naglaho si ate Saphfire at hindi na niya niya ito makita. "Sa'yo lang ang tingin, wala ng iba."

"Sa'kin lang natingin, pero kapag nandiyan na ang isa, hindi na ako maalala." Mapait na aniya kay kuya Alexis.

"Aw, bitter ang Lola mo? Sinetch itey ang babaetang iyon?"

"His ex-fiancè."

"Nakapag-usap na ba kayo tungkol sa ex-fiancè niya? Baka naman nag-aassume ka lang kahit wala naman dapat?"

Takang tinignan niya si kuya Alexis. "Kailangan ko pa ba siyang tanungin kuya? He's not my boyfriend anymore."

"But you two are obviously in love with each other."

"Baka naman ikaw lang din nag-aassume kuya? Isiah is inlove with her ex fiancé. Mas naniniwala ako sa nakikita ng mata kaysa sa salita."

"Tama ka, pero minsan, ang nakikita ng mata ay hindi lahat tama." May itinuro itong couple na imbitado rin sa kasal. "They look happy, but you didn't know if it's real or not. They smile, but do you think they are not hurting? It's easy to smile just to hide that they are hurting. So, don't believe what you saw, kung talagang may nakita ka man, confront him. You just have to look closer and deeper and find the answer so that you can find the peace of your heart and to know if he is worth for your love. You need to take the risk before someone will snatch him away from you."

HOT AND COLDWhere stories live. Discover now