PART 13

3.8K 70 1
                                    

"This is a bad idea. Dapat nagparesched nalang Tayo. " Sambakol ang mukha ni isiah Ng sabihin iyon Sa kanya.

Nakaharap Ito SA kanya habang hawak hawak nito Sa dalawang kamay niya. Kasalukuyan na silang nasa malaking boat at naghahanda na para magscuba diving . Paandar na iyon at papunta na sila Sa parteng maraming naggagandahang isda at corals. Kakatapos Lang nilang magpractice ni sophia Ng Trenta minutos Sa mababaw na parte kanina, kasama Ng mga professional diver bago sila dumiretso Sa malalim na parte Ng dagat. Si Lucas at isiah ay Hindi na kinailangan pang mag ensayo dahil ilang beses na ang mga itong nag scuba diving.

Kahit si Lucas ay gusto naring magback out. Madilim ang mukha nito at nag iigtingan ang mga panga.
Nasa pangpang palang sila ay gusto Ng umayaw Ng dalawa pero dahil nandoon na sila ay Hindi sila  nagpadaig  ni Sophia SA kagustuhan Ng kani kanilang nobyo. Daig pa Ng mga Ito ang babaeng may dalaw .

Ang dahilan Ng magbestfriend?

Kasama nila ang magkaibigan na si Felix at Joshua. That's not a big deal to them , but to isiah and Lucas, it is. Ang magbestfriend na parehas seloso .

Dumikit SA tabi niya si isiah at bumulong. " Love , please? Balik na Tayo. I'm restraining myself to punch him in his fucking ugly face."

"Hindi Naman Siya pangit ah. " Biro niya pero mas lalong sumama ang timpla Ng mukha nito dahil Sa sinabi niya.

"What did you say? Sige nga , sino ang mas gwapo samin? "

Kunwaring nag isip pa Siya .

"At nag isip Ka pa talaga!" Mahina at Inis na inis na wika nito . Natawa nalang Siya Sa inaakto Ng nobyo. Para talaga itong bata.

Matamis na nginitian niya Ito. "Syempre ikaw, ikaw ang boyfriend ko eh. "

His face contorted in annoyance even more. "Kunwari.... kunwari Lang ha?Kung Hindi mo ako boyfriend ? Sino ang mas gwapo?"

She laughed heartily.  Sige na nga.. "Ikaw. "

"Mas Macho?"

"Ikaw."

"Mas maappeal?"

"Ikaw"

"Pinakapogi Sa buong mundo?"

She laughed so hard . " Ikaw. Ikaw Rin ang Mahal ko . Wala Ng iba . Nag iisa Lang dito." Aniya sabay turo Sa kanyang puso.

Agad Namang itinikom ni isiah ang bibig at halatang nagpipigil Ng ngiti. Namumula Rin Ng ilong at tenga nito.

"Kinikilig Ka na niyan?" She teased.

"Oo love. At saka bakit ganun?  parang sasabog ang puso ko. " Kinuha nito ang kamay niya at itinapat Sa puso nito. Malakas nga ang pagkabog Niyon. " Pucha, kinikilig ako love. Para akong kinukuryente. "

HOT AND COLDWhere stories live. Discover now