PART 18

3.4K 75 7
                                    

(Sorry for late update)





"W-what did you say? Pakiulit nga?" Hindi makapaniwalang tanong ni Denise kay Isiah.

No way! He must be kidding!

"I bought that unit beside you. Magkatabi na tayo lagi. Isn't that great?" Tuwang tuwa pang sagot nito.
Na akala mo'y nakakatawang bagay iyon sa kanya!

Hindi niya alam, pero dahil sa sinabi nito ay bigla siyang kinabahan. Kinabahan para sa puso niya. Dahil kung magkatabi na sila ng condo, lagi na silang magkikitang dalawa. Lagi siya nitong kukulitin at kung ano ano pang nais nito, mapansin niya lang.

Mariing ipinikit niya ang kanyang mata at pinayapa ang sarili. Wala na siyang magagawa. Kilala niya ito at alam niyang hindi ito titigil. Nasobrahan ata sa kakulitan noong bata, hanggang ngayon ay dala-dala parin hanggang ngayon. Mabilis ang pagkabog ng puso niya, pero mas naging mabilis iyon ng may mapagtanto siya.

Agad na nagmulat siya ng mata at tinitigan ito. "Tell me the truth, ikaw ba ang lalaking kasama ko kahapon? Yung galing sa kompanya ko, kasabay ko sa taxi, at—"

"Yes." Putol nito sa iba pa niyang sasabihin.

Nagrambulan na naman ang puso niya, at hindi niya alam kung bakit. "Pagkalabas ko sa building kahapon, may nakaabang ng taxi."

"I booked that for you. Pagkalabas mo ng condo mo kahapon napansin kong masama ang pakiramdam mo, ni hindi mo nga napansin na tinitignan kita. I know you Denise, kahit masama pakiramdam mo papasok ka parin pero magha-half day ka lang. Kabisado ko narin na ayaw mong magmaneho na masama ang pakiramdam. Kaya ng makita kitang lumabas ng opisina mo, tinawagan ko na yung maghahatid sayo."

Nangunot ang noo niya. "I didn't see you there."

"Because I was hiding. Kaya nga nakasabay mo ako sa elevator diba?Alam kong maiinis at magagalit ka na naman. Masama ang pakiramdam mo kaya ayaw ko ng lumala pa."

Sinimangutan niya ito. "And the pillow?"

"And also that. I know that your can't sleep without a pillow inside a car. Yung ibinayad ko na pera sa taxi driver, yun na lahat ang bayad ko sa pagsunod niya sa mga bilin ko. Kasama narin yung kunwaring bibili siya ng gamot para maisip mo ring magpabili. I'm not sure kung nakainom ka na nun ng gamot, pero inutos ko parin iyon para makasigurado."

Parang may humaplos sa puso niya sa ginawa nito, pero pinigilan niya ang sariling magpadala sa kung ano man ang umuusbong sa puso niya. "Don't tell me pati yung ensaymada—"

"Yes. Alam mong ayaw na ayaw kong umiinom ka ng gamot na walang laman ang tiyan mo Denise. Alam ko ring hindi ka pa nakapananghalian ng mga oras na iyon."

Napailing iling nalang siya sa ginawa nito, pero aminado siya sa sarili na hindi niya magawang magalit dahil sa concern nito. Ngayon niya lang din napagtanto grabeng coincidence naman ang nangyari sa kanya, na lahat ng kailangan niya ay kailangan din ng driver, iyon pala ay pakana lang nito iyon.

"And I thought he's nice. Akala ko pa naman one of a kind siya. Iyon pala ay inutusan mo lang si kuya driver."

"He's nice Denise. At saka naghahanap buhay yung tao, at kailangan niya ng pera. Ang ibinayad ko sa kanya ay malaking halaga na iyon para sa pamilya niya."

Hindi nalang siya umimik sa sinabi nito tungkol sa taxi driver. "And I thought you're mute. Puro ka pakita ng cellphone sa taxi driver. Naawa pa naman ako, yun pala, ikaw lang yun.
I wish patahimikin mo narin ang buhay ko kagaya ng pagtahimik mo kahapon." Mas lalo niya itong sinimangutan. "Can you also try to be mute when you're around me?"

HOT AND COLDWhere stories live. Discover now