#1

5.8K 49 24
                                    


Kamamatay lang ni itay, nandito kami ngayon sa sala ng bahay namin. kanina namin inilibing ang labi ni itay. Hito kami ngayon at nakaupo sa kawayang upuan na ginawa pa ni itay. Isang construction worker ang tatay. Si inay naman ay nandito lang sa bahay. Namumugto ang mga mata ng Nanay. Kung mahirap para saamin ang pagkamatay ni, itay. Mas lalong mahirap iyon sakanya. Batid Kong Mahal na Mahal Niya ang itay.

Wala pang mga laman ang mga tiyan namin. Kailangan konga palang magluto. Dahil baka gutom na ang inay at si ate. Oo, may ate ako. Si Kezaya Dimasalang. Naka pandikwatrong nakaupo ito. At may kinakalikot sa mamahalin niyang cellphone. Si nanay ang maybili doon.

Tumayo na ako upang pumunta sa kusina. Upang maghain ng aming makakain. May kanin na na sinaing, ulam nalang ang kailangan. Ngunit, tuyo at pulang itlog nalang ang meron kami dito. Hindi naman ako mapili pagdating sa pagkain. Dahil iyon ang turo ni itay saakin. Pinigilan ko ang mapaluha, ng maalala ko na naman ang tatay.

Dagli ko itong pinirito. At kumuha ng kamatis para sa itlog na pula. Ng matapos ay, naghain na ako sa mesa. Hinanda ko narin ang pinggan at kutsara. Maging ang tubig ay kumuha narin ako. Pagkatapos non ay bumalik ako sa sala. Para ayain sila ate at nanay na kumain na.

"Nay, ate, Kain po muna tayo. May niloto po akong tuyo at itlog na pula. Pagsaluhan nalang po natin Iyon" Pag-aaya ko sakanila.

Tinaasan ako Ng kilay ni, ate. Napalunok ako dahil doon. Batid Kong hindi siya kumakain Ng tuyo. She prefered eating an social foods.

Tumayo ito at humarap saakin. Habang ang kanan niyang kamay ay nasa may bewang niya. Pagkatapos non ay lumakad ito. Dahilan upang magkapantay kami. Matangkad lang ng kaunti saakin si, ate.

"Alam mo naman na hindi ako kumakain Ng tuyo naiyan! Kahit kaylan talaga, Kazuya! Bilhan mo nalang ako Ng minudo doon sa restaurant sa may kanto!" Sigaw Niya saakin. Gusto Kong pumikit dahil sa lakas ng boses ni ate.

Nakakarindi!

"Pero... Ate, iyon nalamang ang mayroon tayo. Wala na tayong pera" Nakayuko Kung Sabi sakanya.
Ayokong makipagtitigan Kay, ate. Mababa rin ang ang boses ko ng sabihin ko iyon.

Maarte itong lumingon Kay, Nanay. At madramang humarap ito sakanya. Kinabahan ako. Ayokong mapagalitan ni Nanay. Sobra na ang kabog ng dibdib ko. Ayoko sa Lahat at Iyong magagalit saakin ang Nanay. Iyon ang bilin ni Tatay.

"Nayyyy..... Ayoko Ng tuyo." Drama ni ate sa harap ni Nanay.

Alam Kong Wala na kaming pera dahil naubos na Iyon pampalibing ni Tatay. Kaya laking gulat ko ng tumayo ang Nanay at may dinukot sa bulsa ng bestida Niya. Five hundred pesoss Iyon. San Naman Iyon nanggaling?

"Oh. Eto! Bumili ka doon ng Menudo sa karenderia sa kanto! Bilisan mo at nagugutom na ang ate mo!" Bulyaw ni Nanay. Nais kong pumikit dahil sa sigaw Niya.

Nanginginig ang kamay ko ng abutin ko ang pera. At dali daling lumabas ng bahay. Doon kona pinakawalan ang luhang nais dumaloy sa mukha ko. Siguro Kung nandito si Tatay. Mag-aaway sila ni Nanay. Bakit Kasi Wala ka dito, Tatay? Miss na Kita. Sana sinama mo nalang ako.

Wala sa sariling naglakad ako. Nais kong magpahinga pero hindi pwedi. Nais kong Kumain ngunit heto ako at bibili ng ulam ni ate. Nais kong magreview dahil may pasok na kami bukas, ngunit hindi ko alam Kung makakapag-review paba ako? Pagod na ako. Sobra. Napapikit nalang ako Ng makitang nasa gitna na ako ng daan at may sasakyang mabilis ang takbo. Panay na ang busina nito. Ngunit para bang Wala Akong pakialam. Pinikit ko na lang ang aking mga mata.

KAZUYA ASTRYLLE: Iᴛs Aʟᴡᴀʏs Yᴏᴜ✓Where stories live. Discover now