#6

2.2K 36 10
                                    

Continuation........

🔞
SPG ALERT!
WARNING!
NATURE CONTENT!
PLEASE BE AWARE!
-----------------------------------------------------------

Si Arthemis at si ate......
Mga Walang saplot at..... at.........

At

At

At

Ayoko na! Please lang Kung nanaginip lang ako. Sana ay may gumising saakin. Isa itong malaking bangungot.

Please! Tama na! Ayoko na! Itigil niyo na Ito!

Kinurot ko ang aking sarili. Nasaktan ako. Totoo ito. Hindi ito panaginip. Hindi ito bangungot.

Tumakas na ang mga luhang kanina kopa pinipigil. Paanong nagawa Nila saakin Ito? Nagkulang ba ako?

"A-a-a-te? A-a-a-r-themis?" Halos hindi kona masambit ang kanilang mga pangalan.

Ang Aking sipon at luha ay naghalo na.

"Kazuya!?" Gulat na gulat na sigaw ni Arthemis...

Ang aking pinaka mamahal na nobyo.

"A-a-a-nong ginagawa ninyo riyan? Anot Wala kayong mga damit? Mag damit muna kayo," patay malisyang ani ko.

Kahit pa parang mamatay na ako sa sakit. Pilit kong sinasabi sa isip ko na..... nagkamali lang ako.

Magpapaliwanag Naman sila. Alam ko iyon.

"Gaga ka talaga eh no! Nakita mona Diba?! Tapos nagtatanong kapa! Edi sige ipapaliwanag ko saiyo! At nang mawala iyang katangahan mo! Ako at si Arthemis ay nagsisiping! Mahal Niya ako! Nagmamahalan kami! At ikaw? Wala kanang nobyo! Nasaakin na!"

Mas lalong nadurog ako dahil doon.

Pero gusto kong sa lalaking Mahal ko mismo manggaling na hindi Niya sinasadya, at papatawarin ko siya.

"Kazuya, pasensya na. Lalaking lang ako, may pangangailangan din. At si Kezaya ang nagbigay niyon. Mahal ko ang ate mo. Sana ay mapatawad mo ako,"

Kung masakit man ang linyang binitawan ni ate. Mas masakit palang mas marinig ang linya ng taong Mahal mo.

Humarap ako sakanya ng lumuluha. Wala Akong pakialam Kung ano na ang akin hitsura.

"May mali ba saakin? May kulang ba saakin? Bakit? Bakit mo ito nagawa saakin? Akala koba Mahal mo ako? Akala koba hindi mo ako iiwan? Ha? Arthemis? Sa dami ng babae, bakit ang ate kopa? Alam mo namang Mahal na Mahal ko iyan. Hindi mo alam Kung gaano kasakit ang ginawa mo. Paano iyong mga pangako mo? Iyong pangako mo na papakasalan mo ako? Wala naba? Ha?"

Hindi ito sumagot.

"Tatanongin Kita ng huling beses. Sana ay sumagot ka ng totoo," huminga ako ng malalim. "Mahal mo pa ba ako?"

Sabihin mong OO at papatawarin Kita.

Sabihin mong nagsisisi ka sa iyong nagawa at papatawarin Kita.

Handa Akong kalimutan itong kaganapang ito. Sabihin molang na Mahal mopa ako.

Pakiusap.

Piping dasal ko.

"Hindi na. Hindi na Kita Mahal," mababang turan Niya.

Parang nabingi ako sa aking Narinig.
Ito na ang realidad. Hindi na Niya ako Mahal. Mahal na Niya si ate.

KAZUYA ASTRYLLE: Iᴛs Aʟᴡᴀʏs Yᴏᴜ✓Where stories live. Discover now