Chapter 12

53 3 0
                                    


••Hera POV••
Nagising ako sa marahan uga sakin. Nagdilat ako nang mata at nakita ko si Vien.

°5:30am°

"Gising na Hera.." napabangon naman ako. Hinanap ko si West. "Nasaan si West?"

"Ahh may binili sa baba. Sabi nya gusto nyang magluto para sa agahan natin."

Tumangi nalang ako at nilihis yun mga kurtina. Ang dilim pa sa labas. Tinignan ko yun ginagawa ni Vien. Nagbabasa sya nang libro.

"Bakit ka nagbabasa?"

Napatingin naman sya sakin."Ahhh nagbabasa ako nang history ng KU."

Pinabayaan ko na sya magbasa at pumunta sa closet. Kinuha ko yun mga susuotin namin ngayon at nilagay sa mga kama nila. Nagpasalamat namab si Vien.

Nagpaalam ako na puntahan ko lang si West sa baba baka madaming binili. Tumango na sya kaya lumabas nako.

Inaantok pakong naglakad pababa. Dapat pala di naman ako bumaba hay. Pero ayos la din para makainom ako nang kape.

Pumasok na ko sa supermarket kuno sa baba nang dorm namin. Malawak ito. May kainan. Binati ako nang staffs doon kaya tumango lang ako.

Nakita ko si West na may binabasa sa canned foods. Tinawag ko naman sya. "West!"

Napabaling naman sakin yun tingin nya. Ngumiti lang sya at sinenyasan ako na lumapit.

"Ano ba masarap dito? Unang kita ko palang sa mga ganito eh.." tanong nya.

Tinuro ko naman yun spam. Paborito ko kase ito nun bata ako.

Pumayag naman ito at naglagay nang limang nun. Nice. Akala ko magbabayad sya pero hindi. Sabi nun staff ay libre muna sa ngayon yun mga ganto kase wala pa naman daw evaluation.

Habang naglalakad kami pabalik ay nagkwento lamang si West kung ano yun mga balak nya sa mga binili nya. Tango tango nalang ang naisasagot ko.  Napakunot naman ang noo ko habang inaalala yun sinabi nun staff.

Di ko namalayan na sa loob na kami. Sinalubong kami ni Vien. "Ohh ang dami nyan ah?"

Nagkibit balikat nalang si West"Pabayaan mo na libre eh."

Binaba ko yun mga pinamili namin at dumeretso sa banyo. "Ligo lang ako." Paalam ko sakanila.

Agad naman akong naligo at nagroba muna dahil maaga pa naman. Pagkalabas ko ay sumunod naman sa banyo ay si Vien.

Nakita ko din na luto na yun mga itlog at yun kanin nakahanda na rin. Kasalukuyang naman nyang niluluto yun spam.

Hinanda ko yun mga plato at kutsara na gagamitin namin. Hinanda ko din yun prutas at hiniwa ito.

Natapos din kami ni West maghanda. Kinatok ko naman sa banyo si Vien.

"Vien kakain na bilisan mo dyan."

"Okay palabas na!"

Dumeretso naman ako sa malaking bintana at binuksan ito nang kaunti. Ang lakas nang hangin sa labas kaya binuksan ko ito nang pagkalaki laki. Sakto naman yun araw ay paangat na.

"Wow! Ang sosyal naman nang breakfast natin may pa sunrise! Taray!HAHAHA" rinig kong sabi ni Vien. Napailing nalang ako.

°6:40am°

"Sige tara na kain na tayo!" Sabi ni West. Umupo naman kami agad at nag dasal.

Pumikit ako at humiling.

'Sana yun mga nanyayari noon ay di na maulit at madamay sila Vien. Please,I don't wanna make the same mistake again.'

"KAIN NAAAA!" Sigaw ni Vien. Patay gutom. Walang nag salita saamin habang kumakain. Just enjoying the sunrise. Ang ganda grabe.

Mabilis namin tinapos iyon nang tuluyan nang tumaas ang araw. Pinagbibihis na kami ni West kasi maliligo pa daw sya. Humiga lang ako habang si Vien ay nagbihis.

Binato ako bigla ni Vien nang unan kaya tumayo na din ako at nagbihis sa closet.

--------TO BE CONTINUED--------

A/N:
■Thank you for reading! Make sure to leave a comment,Like or React. Comment nyo din yun mga thoughts and reactions about sa story! Medyo maikli tong chapter nato kase wala pa talaga akong ideya para sa chapter na toh. Pero makulit yun kamay ko at kusa syang nagtype HAHAHAHA!

■KEEP SAFE PIPS!

Kenque University(completed) Where stories live. Discover now