Chapter 47

33 0 0
                                    

••Hera POV••

Mabilis na lumipad ang oras at natapos din ang exam at kinabukasan na ang Grand Fiesta at sa mga susunod na araw naman ang Fésta Ball.

Walang pasok ngayon dahil naghahanda ang marami para bukas. Nabalitaan ko na maraming booths ang bubuksan bukas at libre lahat. Ayon sa announcement kanina ay lahat ng section ay malayang gumala bukas,ibig sabihin maging bampira,taong lobo,tao o fairy pwedeng pwede lumibot kung saan nila gusto.

May apat na araw na gaganapin ito. Ang unang araw ay para magsaya,kumain at magtanggal ng pagod sa utak dahil nga kakaexam palang. Ang pangalawang araw ay mga contest. Ang pangatlo ay papayagan ang mga estudyante na lumabas sa paaralan,pwede silang umuwi ganun. Ang panghuling at bilang pagtatapos ng Fiesta ay ang Fésta Ball.

Kahit gusto ko lang humilata sa buong apat na araw ay inaya ako nila Vien sa lahat nang yan.

(•3•)

Nun una ay hindi nila ako napapayag dahil nga plano ko lang magkampo sa silid pero nun sinabi nila sa kada huling gabi ng apat na araw ay magsisindi ng mga lanterns. Simula ng bata ako ay pangarap kong makita ng malapitan,mapanood at magpalipad ng lantern kaya pumayag ako.

Pupunta ako sa field ngayon dahil iaanunsyo na ang mga huling nasali sa paligsahan para sa ikalawang araw.

Papalapit pa lamang ako at naririnig ko na ang hiyawan. Kala ko iaanunsyo palang eh bat parang nagtatanghal na? Tsk.

Tumigil ako sa may isang poste at tinanaw ang nag aanunsyo. Mukang patapos na dahil yun mga tao ay nasa gilid nalang.

"Ang huling sandali,mga kontesta sa larangan ng kantahan! Na maglalaban laban para sa isang araw na kasama ang isa sa mga alpha sa Trecio Beach!"

"Edward Styn!"
"Franklin Wick!"
"Saha Kubetta!"
"Sofia Dasekand!"
"Jennie rubychain!"
"Herause Saren!"

"What the fuc-?" Wala sa sarili kong na usal.

Napatingin ako sa mga tao na nagpalakpakan at nag aayos na nang mga upuan para bukas.

Lutang akong umalis doon. Bakit nandoon ang pangalan ko? Hindi ako nagpalista at wala pang nakakatinig sakin kumant---

(-.-)

'Nexan freaking Peter, such a pain you are...'

Nakayuko akong pumunta sa gilid at nagteleport papuntang kwarto. Inis kong hinubad ang sapatos ko at nagpalit ng damit.

Pabagsak akong humiga sa kama at pumikit.

'Ang gago talaga nun wala magawa sa buhay,tsk.. pano kung sino kaya ilagay ko dun?'

Napangisi ako sa naisip at binuhat si Winter papuntang lamesa. Kinuha ko ang libro kung saan nakatala ang mga gagawin para malinlang ang magaanounce bukas.

'Taste your own venom,Peter...'

-Next day-

••3rd POV••

Masayang naghanda ang lahat sa kasiyahan na magaganap ngayon araw. Malakas na tawanan doon,sigawan dito,kainan riyan at madami pang nakakaaliw na lugar.

••West POV••

AAaaannnngggggg gggggaaaannnddaaaaaaaaaa! Napakaraming booths sa kaliwa't kanan,makukulay ang bawat tema at higit sa lahat napakamaaliwalas ang kapaligiran! Kusa akong napapangiti tuwing may bumabati saamin.

"West asan na ba yon si Hera? Ang tagal tagal ah!"Tama si Vien ang tagal nanamin nag aantay dito sa may bench area.

"Baka di pa gising?" Napatingin naman ako sa may orasan. "9am palang baka natutulog pa yon,tara puntahan na natin.."

Napanguso ako habang naglalakad. Kailan ba iyon sinipag gumising nang maaga? Tsk.

Kumatok kami nun nasa harap na kami ng pinto nya. Narinig kong lumakad ang kung sino at binuksan.

At bumungad sa aamin ang bagong gising na si Hera."Aba't anong oras mong balak gumising ha? Tanghali na!" Sigaw sakanya ni Vien.

"Ang aga aga ang ingay tsk, Pasok." Huli akong pumasok at nilock ang pinto.

Pumunta ako sa damitan nya at namili ng isusuot nya.

'Hmm..ah! Itong croptop na kulay ng langit at fitted skirt na checkered. Kinuha ko ang boots na hanggang tuhod at bonet. Kumikinang na kulay damo ang pendant ng kwintas at white bag. Hmm ayan tama na siguro yan..'

Kinatok ko si Hera at kinulit na bilisan nya na. Nakasimangot syang lumabas pero ngumiti lang ako sakanya at binigay ang damit nya. Tamad syang pumasok sa bihisan habang nakita ko Vien na nilalaro ang mga guardians.

Lumabas na si Hera at inaya na kami lumabas dahil nagugutom na daw sya. Pinaupo muna ni Hera si Winter kay Emerald upang di maiwan.

Naglakad na kami palabas habang nagdadada si Vien tungkol sa paggising ni Hera ng tanghali.

Pumunta kami muna sa isang food booth,kumain at umalis. Naglaro kasi sa isang illusion booth. Kung saan may mga boteng nakatayo pero dalawa ang totoo. Babatuhin mo ang satingin mong totoong bote. Nanalo kaming dalawa ni Hera habang si Vien ay wala nang pag asa. Kinuha ko ang prize na snow globe pero once na nahawakan mo ito,ang tema sa loob ng snow globe ay maaayon sa ability mo.

"Astig." Narinig kung sabi ni Hera habang iniikot ikot ang kanya. Bumubulong bulong si Vien habang naglakad papalalapit kila Rade na kasalukuyan naglalaro ng mga pana.

"Ohhh West,Hera at Vien! Tara sali kayo!"

Umiling ako dahil hindi naman ako magaling umasinta. Binalingan ko si Hera."Maglalaro ka Hera? Akina ang bag mo at sumali kana,"

"Salamat." Binigay nya sakin at kumuha na ng bow at arrows. Humarap sya sa mga gumagalaw na mansanas ng bigla ito magsalita.

"Mga paalala bago ako magsimula?"

Ngumiti naman ang babaeng may ari saka sumagot."kailangan mong makatama ng tatlong mansanas. May tatlong pana ka lamang upang makatira..."

Tumango si Hera at umasinta na.

'Ahhhh sablay'

Gilid lamang ng mansanas ang natamaan sayang naman. Kumuha muna si Hera ng pana at umasinta. Huminga ito ng malalim bago pinakawalan.

Napatalon naman sa tuwa si Vien. Kinuha ni Hera ang last na arrow. Ngynit impossible nang manalo pa sya dahil dalawa pa ang mansanas na kailngan nyang tamaan.

Huminga ito ng malalim at tinutok sa mansanas. At....
.
.
.
.
.
.
Natamaan nya ng sabay ang mansanas! Inalog alog namin sya habang may narinig kaming palakpakan sa paligid. Ngumiti lang sya ng maliit at kinuha ang premyo. Mga ginto.

Dahil sa mga panyayari ay nag aya ako aa carousel. "West ano ba! Bata pa ba tayo para dyan? Dun tayo sa may banggaan ng karwahe"

Napasimangot ako kay Seid at tinuro iyon."edi dun ka,dito kami."

Napangiwi silang lahat ng itulak ko sila at pinasok sa may entrance. Napilitan silang sumakay sa mga kabayo habang si Alex naman ay nasa parang maliit na teacup. Natatawa akong humarap sakanya pero dinilaan nya lang ako at sumimangot.

Umandar na ito at akala ko simpleng ilot ikot lang ito ngunit biglang lumipad ang bawat kabayo at umikot ikot sa ere! Nagkaroon sila ng pakpak at inilipad kami sa buong lugar na tunay ngang maganda at maaliwalas. May narinig akong sumigaw pero di ako pinansin iyon.

■■■■■■■■■■■■TO BE CONTINUED■■■■■■■■■■■■■

A/N:

▪THANK YOU FOR WAITING AND MAKE SURE TO LEAVE A REACT AND COMMENT!

▪STAY HYDRATED,KEEP SAFE AND ILYSM!

Kenque University(completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon