Chapter 45

18 1 1
                                    

••Hera POV••

"WAAAAAAAAAHH Herauseeeeeeee~"

Tsk grabe parang lilipat lang anng kwarto eh. Napailing nalang ako kay Vien na nakasabit sa balikat ko.

"Tsk,Alis na hoy. Mamaya mainip pa yun babae na maghihintay sakin,"

"Sinong babae?yun maganda?yun alpha den?"

"Oo."

Binigay sakin ni West ang kakaunti kong dadalhin doon sa bagong kwarto, Hinatak ako paupo ni Vien sa kama.

"Tsk, ano ba?"

Ngumuso ito sakin."Edi mapapahiwalay ka kila West?"

"Ganun na nga. Hindi ko pa alam ang mga detalye kaya wala pa akong masabi sainyo..."

"Alam ba nila ang ability mo?"

Bigla akong natahimik sa tanong na iyon. Hindi pwede malaman nang kahit sino baka may magtangka sakin at malaman nila ng tunay kong pakay.

"Hindi ko sasabihin kung hindi naman kailangan...katulad nang sabi ko sainyo noon, iba iba ang pagkakakilanlan ng mga ibang uri sa aking abilidad."

Sinabit ko na sa aking balikat ang maliit na bag saka ako nagpaalam. Nakita ang lungkot sakanilang mata kaya naman binigyan ko sila nang litrato namin tatlo.

"Bat kayo ganyan? Tsk. Hindi ako mamamatay mga baliw. Kita kita nalang tayo."

Ngumiti pa muna ako muli sakanila bago tumalikod. Umupo si Emerald upang makasakay kami ngunit umiling lamang ako sakanya at sinakay na lamang si Winter.

Naglakad na kami palayo sa kwarto at bumaba. Nakita ko agad yun babae na alpha.

"Hey! Mukang ready ka na naman,Tara na!"

Tumango lamang ako sakanya at sumabay sa lakad nya. Halos nasa kabilang parte pa ng eskwelahan ang aming kwarto kaya halos mapaupo ako sa lapag ng nasa tapat na kami.

Natawa bahagya ang babae sakin. "Ang ganda nang pangalan mo,ako nga pala si Fran..."Agad ako nakipagkamay.

"Hera..."

Ngumiti ito saakin at tumango. Binigay na nya ang susi at nagpaalam na dahil may dadaanan pa daw ito. Hinintay ko itong umalis bago ako humarap kila Emerald.

"Tara pasok na kayo?"

Tumango ang dalawa. Pinihit ko ang hawakan at binuksan. Pumasok na agad ang dalawa habang ako ay nilock uli ang pinto.

Humarap nako sakanila at hindi ko maiwasan humanga. Napakaganda nang pagkakaestilo dito.

Kulay berde na carpet ang nakapalibot sa buong lugar. Ang dingding ay kulay puti na may mga desenyo na kulay berde. May dalawang malaki na bintana sa gilid ko dahilan upang makita ko ang araw na medyo tirik pa.

Umakyat ako pataas kung saan may malaking kama doon,may maliit na lamesa at dalawang upuan na nakaharap sa bintana. Sa gilid ng kama may dalawang maliit na lagayan at may lamp.

Bumaba ako muli upang tingnan ang maliit na kusina,pang apatan na lamesa at upuan. Binuksan ko ang pang unang pinto. Nakita ko ang iba't ibang klase nang damit. Maski ang bagong uniporme. Lumapit ako sa vanity table at nakita ang kumikinang na mga palamuti sa katawan at sa gilid nun ay malaking salamin. Dumayo naman ako sa kabing silid na naglalaman ng palikuran.

Lumapit ako sa pintuan palabas at saka tinitigan ng malayo. Pag pasok ay makikita agad ang hagdan na nasa mismong gitna habang may tatlong pinto nasa unang palapag. Napailing nalang ako dahil hindi ako sanay ng tahimik ang kapaligiran. Kinuha ko ang mga pinamili namin kanina at kakaunting gamit bago inayos ito.

Inaya ko sila Emerald na pumunta kay Vien at doon kumain ng gabihan pero papunta pa lamang kaming tatlo hinarang na kami agad ni Fran.

"Bakit?"

Ngumiti ito saakin at sinabi na sabay sabay daw kaming alpha na kakain. Tumango na lamang ako dahil di ko din sila ganon kakilala.

Nakarating kami sa kulay ginto na pinto. Napaatras ako ng unti at agad na hinanda ang sarili sa mga posibleng mangyari. Lumapit na rin sakin si Emerald at lumipad naman si Winter sa harap ko. Binuhat ko sya at saka kami nagpatuloy sa paglalakad.

"Saan ba tayo kakain Fran? Tila napakalayo naman ng ating nilalakad."

Tumawa ito nang mahina dahil nahimigan nya sa tono ko ang pagkabagot. "Sa kabilang sekyon ang dayo natin,Hera."

"Sa mga bampira?"

"Tama ka! Doon ang pro alpha natin nakadestino kaya doon din tayo kakain."

Napakunot ang noo ko dahil dun."Bakit hindi nalang tayo sa cafeteria natin?"

"Cafeteria nyo iyon Hera..hindi namin."

"Gigisahin ba ko sa pupuntahan natin?" Nakagat ko ang labi ko dahil baka mapahiya lamang ako sa pupuntahan namin.

"Wag kang mag aalala...medyo huli na tayo sa gabihan."

"Ha?"

"Nahuli ako sa pagsundo kaya baka kumakain na ang mga iyon."

Tumigil kami sa isang pinto na kulay pula. Binuksan nya iyon at pinauna ako. Umupo bigla si Emerald na parang pinapasakay nya kami kaya inilagay ko si Winter doon at tinulungan si Fran na isarado ang pinto.

"Tara,"

Lumakad na sya kaya inaya ko na din si Emerald ngunit tumingin lang sya saakin.

"Pagod ka na ba?"

Tumingin ito saakin at ginalaw ang bandang likod nya. Lumapit ito sakin at sinenyas na sumakay ako. Wala akong nagawa dahil hindi sya titigil sa pangungulit kung hindi masusunod. Mabilis na lumakad si Emerald at pinasakay si Fran. Nahiya sya ngunit pinilit ko sya.

Tinuro nya ang daan kay Emerald at nakarating kami cafeteria ng mga bampira. May mangilan ngilan ang tao doon at nakatingin samin. Dumeretso si Emerald sa isang kulay puti na pinto. Bumaba na si Fran kay gumaya ako. Kumatok ito bago binuksan. Pumasok na ito at sinenyasan na sumunod. Inakbayan ko si Emerald tsaka kami pumasok.

Nakita ko ang isang malapad na mesa doon. May apat na upuan sa bawat gilid. Ang kulay ng loob ay maaliwalas at kulay puti. Ang mesa ay punong puno nang mga pagkain at ang mga plato ay nasa tamang ayos. Napatigil sa pagkain ang dalawang lalaki at tumingin sa amin.

"You two are late. Sit down." Tumingin sakin si Peter kaya napababa ako nang tingin. Sinulyapan ko sila Emerald at nakita na sila ay inalalayan sa isa pang pinto. Agad ko silang dumaluhan.

"Saan mo sila dadalhin?"

"Sa pagkainan nila, miss alpha."

May narinig akong pagtayo at lumapit sa pwesto ko. "Calm down ,Saren..."

Napahinga ako at tumango. Tumingin sakin sila Winter kaya tumango rin ako sakanila. Naramdaman ko ang pagkilos nitong bampira na toh kaya umiwas ako at pumunta na sa upuan.

Nagsimula na kaming lahat kumain ng tahimik pagtapos namin kumain at nasa panghimagas na kami ng tumikhim si Peter.

"Magpakilala tayo sakanya bago siya magpakilala saatin."

Tumango si Fran at isang lalaki sakanya.

--------------TO BE CONTINUED-------------
A/N:

■SALAMAT SA PAGBABASA!MAG IWAN NANG KOMENTO AT REAKSYON SA BABA!

■MAG INGAT TAYO GOIS AT STAY DRY! Stay hydrated also!

■Halo ebriwan na makakabasa nito! So, heads up for the updates here in watty! Been busy with studies and didn't have time to post here :( I will upload maybe every week from now on? HAHA ayaw ko kainin ang sinabi ko, so I will try my hardest para makasabay ang chaps dito, sa fb!

Kenque University(completed) Where stories live. Discover now