Chapter 37

20 1 0
                                    

••Hera POV••

"Bilis pa Emerald!" Nang mapansin ko ang bilis nang humahabol samin. Puta,ano toh? Karera?

Napaiwas kami nang nagbuga eto nang laser. Kala ko sa mga mata lang yun tsk. Napahawak ako nang mahigpit nun tumigil kami. "B-Bat tayo tumigil?"

Tumingin tuloy ako sa harapan. May mga tao na nakakulay itim. Tumingin din ako sa likod nang malapit na ang mga toh saamin. Palihim akong nalagay sa harap namin nang portal.

Akmang tatakbo na uli si Emerald,nang bigla nawala ang portal! Napamaang akong tumingin sa harap.

"Teleportation? One of the weak student ehh? Pathetic."Wika nang isa. Pinagsasabi nito? Wag mong sabihin na sya....tss sya nga.

Napangisi ito sakin nang makalapit silang tatlo. "Bow down,peasant."

"Hmmm. Sino kayo?"

Napatawa ito."Kami na ang bagong mamumuno dito. Kaya kung ako sayo,galangin mo kami."

Bumaba ako kay Emerald. "Ahh."

Lalong lumawak ang kanyang ngisi. "Ako si Violeta,ito si Red at si Light."

Bagot akong tumingin sakanya."Sinong nagtatanong."

Agad na nabura ang kanyang ngiti. Napalitan ito nang inis."Sino ka ba ha? Ang tapang tapang pero wala naman binatbat."

"Ako si Hera."

"Hah! Pangalan palang muka nang mahina."

Napataas ang kilay ko. Yabang lunurin ko toh eh. Palibhasa maganda ang suot kaya nagmamataas.

Inatake nya ko gamit lakas na kinuha sa portal. Pareho kaming umiwas ni Emerald. Ahhh pagnakaw pala ng lakas kakayahan nya ah?

Tumakbo ako papunta sakanya. Naalarma sya kaya pumosisyon sya nang depensa. Napangisi ako nang nagulat sya nun dinaan ko lang sya at hinawakan ang buhok.

Ginaya ko ang atake nya nang mas malakas pa. Nagulat sya at agad na umiwas. "Pano m-mo yun nagawa?"

"Secret walang clue."

Inulit ko iyon nang ilan beses pero panay ang iwas nya. Aaminin ko mabilis sya at ang ability na meron sya ay mahirap maintindihan kaya di ko bihasa ang paggamit nito.

Nakita ko na lumapit ang isang lalaki na may espada kay Emerald. Kaya mo yan Emerald. Umungol si Emerald bago sumugod.

Tinignan ko ang itim na ilaw sa kamay nito."You are really getting in my nerves! Die,Bitch!"

Napaurong ako at pilit na kinukuha ang lakas nun pero di kaya. Tineleport ko nalang ito sa ibabaw nila ng palihim.

"Shit!"

Agad silang napaiwas. Napatingin silang tatlo sakin. Kailangan sabay sabay? Tsk. "Ikaw ba yun?"

Ngumiti ako sakanila at nag kibit balikat. Pero agad din nawala nang may maramdaman akong kirot sa bewang.

Napahawak tuloy ako dun. May dugo. Napatingin ako uli sa kanilang tatlo na nakangisi na sakin. Shit di ko napansin yun ah. Napaupo ako sa damuhan at dinaluhan ni Emerald. Shit meron din syang sugat. Kinuha ko ang panyo sa bulsa ko at diinin dun sa sugat nya.

Pilit nya kong tinatago pero hinawi ko lamang sya.Akmang gaganti ako nang may lumitaw na apat na tao sa gilid namin.

"Hey miss ayos kalang?" Sabi nang isang lalaki at tinulungan akong tumayo.

"Sorry na huli kami ng dating Hera hehe pero andito na kami!" Wika ni Fammy. Oo ang apat na tinutukoy ko ay ang mga alpha. Nag iwas ako nang tingin nang mapansin kong nakatitig sakin si Peter.

"Kaya mo naman na sigurong tumakbo diba?" Sabi uli nun lalaki. Ano nga uli ang ngalan nito? Siya ang nanununo sa mga taong lobo eh.

"A-ano ba? Ibaba moko."Sabi ko Habang nagpupumiglas pero pinalo nya lamang ako sa pwet.

Tanginang yan. Pero di padin tumigil at gumalaw galaw padin. Ang puta bigla akong hinulog.

"Aray! Bat moko hinulog?Di mo naman ako sinalo peste."

"Tss. Baka malikot ka kase at nadulas ka nang aksidente sa balikat ko?"Mapang uyam na sagot nito.

Napatahimik ako dahil kasalanan ko naman talaga. Napatingin ako kay Emerald na nasa kabilang balikat at nakatingin lang sakin.

"Psh. Oo na kasalanan ko na kahiya naman eh. Vámonos!"at lumakad na palayo.

*Vámonos-let's go*

-----------------To Be Continued-----------------

A/N:

■SALAMAT SA PAGBABASA!MAG IWAN NG REAKSYON AT KOMENTO SA IBABA!

■KEEP SAFE & STAY HYDRATED. I LABYU ALL MWUAH.

Kenque University(completed) Where stories live. Discover now