Chapter 66

19 0 0
                                    

••Hera POV••

Napatingin ako sa paligid habang hinintay ang mga upuan. Nakamataas kami na sapin sa paa at mahabang bestida tapos walang upuan?

:>

Pinagmasdan ko ang paligid, ng itim na mga lamesa at puting mga rosas sa ibabaw nito ay tila nangingibabaw. Meron din silang kinabit na rosas sa kamay namin at nakakamangha ito. Ang upuan ay tila naubusan na ata pero kasalukiyan gumagawa.

Muling pinagsama ang lahat nang bampira, taong lobo, mga fairies at tao, at ang huli ay mga wizards. Malaki ang gym nang mga bampira kaya dito gaganapin ang anibersaryo nang unibersidad.

May biglang lumapit saamin at nilagyan na kami ng upuan. Umupo ako agad at uminom bago muling pinagmasdan ang paligid. Nagniningning ang mga diyamante na nakakabit sa taas at mga petal ng gintong rosas na nagkakalat sa sahig. Napangiwi ako dahil sa ingay nang buong paligid. Napakadaming nilalang at para ang sarap nalang matulog kaso isa kasi ito sa pinakadapat puntahan.

Pumalakpak sila kaya nakipalakpak ako. Mukang magsisimula mula na ang seremonya. Pinaglaruan ko ang rosas at binago bago ko ang kulay. Biglang tinawag ang mga alpha kaya wala akong nagawa kundi tumayo at lumapit sa harap.

Lumapit sakin si Nexan at may binulong pero muka itong inaalalayan ako.

"You look extra good, tonight."

Hindi ko na sya pinansin dahil bigla akong tinawag. Ngumiti ako nang plastik bago binati ang buong estudyante nang unibersidad at mga opisyal. Matapos iyon ay pinaupo kami malapit sakanila. Dahil ayokong makipagplastikan, pinilit ko si Copper na umupo sa gilid ko at si Fran sa kabila.

Hindi ako masyadong komportable kasama ang opisyal kaya binilisan ko ang kain at nagpaalam. Napansin namna ng ibang alpha kaya nagtamguan na din sila at umalis na kami dun. Bumalik ako kila Vien para panoorin ang butterfly show na hinanda nang mga fairy.

Nagliparan ang mga paru-paro na kulay itim at puti sa itaas. Nagsimula silang gumawa nanag mga imahe tungkol sa nakaraan ng unibersidad. Nawalan ako nang gana pagtapos noon. Muli ko naalala ang mga dinanas ko dito at sinabing hindi nako babalik. Pero heto ako ngayon at muling tumapak.

Nagpaalam ako kila Vien na uuwi na at nagkunwari na masama ang pakiramdam ko. Sabi nila ihahatid nila ako pero tumanggi ako dahil kailangan ko munang mapag isa at mag isip.

Pumunta ako sa garden kung saan ko ako nakatulog noon at unang nakita si Nexan. Humiga ako at inisip kung bakit malabo na ang mga pakay ko dito.

Napahinga nalang ako sa gulo at tumingala sa mga butuin. Pumikit ako at sinimulan ang kumbinsihin ang sarili na dapat ko nang kalimutan---

Pero pag kinalimutan ko na ang lahat sa nakaraan, parang tinalikuran ko na din ang mga kabigan ko na namayapa na?

Sumasakit na ang ulo ko kakaisip. Bakit ngayon lang ulit sumanggi sa isip ko ang mga gantong bagay? Baka nga nakakalimot  nako. Dumilat ako at hindi inaasahan makikita si Nexan sa harap ko at napakalapit.

Bumilis bigla nag puso ko nang mas lalo syang lumapit. Napapadalas na ganto ang puso ko, puta.

Tinulak ko sya bahagya. "Anong kailangan mo?"

"Ikaw." sabi nya habang inayos ang tayo.

"Tsk, patapos na ang anibersaryo, ano pang kailangan mo sakin?"

Tumayo nako at sinalubong ang mga tingin nya. Bumaba ang tingin nya sa suot ko at inayos ang sleeves sa bandang balikat ko.

"Teleport us."

Napakunot ang noo ko sakanya. "Bakit? At saan?"

"Sa silid mo."

"Ano gagawin natin dun?"

Ngumisi sya nang palihim pero nakita ko pa din iyon. "Ano bang ginagawa sa isang silid?"

Bigla akong namula sa aking naisip pero mabilis akong umiling para mawala ang nasa isip ko. "A-Ahm ano... Nagpapahinga at natutulog. "

Tumango lang sya at hinawakan ako sa kamay. "Tara na."

Dinala ko sya sa silid ko at sinalubong kami ni Emerald at Winter. Napansin ko ang pagkainan nila kaya madali kong nilagyan ito nang pagkain. Nakita ko naman si Nexan na umupo.

"Tubig?"

Tumango ito. Kumuha ako na isang bote ng tubig at inabot.

"Magpalit kana para di ka na lamigin, "

Mabilis ako nagtungo sa cabinet at nilock ito. Humanap ako nang isang hoodie at pajama habang iniisip kung bakit nya gusto pumunta dito.

Lumabas ako at naabutan na nakikipaglaro siya kay Winter. Umayos sya nang upo noon nakita nya ako.

" Ano ba talagang kailangan mo, Peter?"

Niyakap nya ako bigla nang mahigpit. Tinapik ko naman ang balikat nya para tumigil sya.

"Bakit, may nanyari ba?"

Nawala bigla ang emosyon sa mata nya. "Hera..."

"Oh?"

"..."

"Nagugutom ako."

Da freak? Akala ko kung anong seryoso ang sasbaihin nagugutom lang pala.

"Tsk, bumalik ka na doon at kumain uli."

"Sabi ni Vien masama daw ang pakiramdam mo... Kaya sinamahan na kita pauwi."

"Hindi naman, nagkunwari lang ako dahil inaantok at wala naman akong ginagawa. Hindi ko inaasahan na wala ako gagawin,"

"Hmm... Matutulog kana?"

"Yeah pag alis mo..."

"Can I watch you?"

"Alin ang papanoorin mo?"

"You sleep,"

"Bakit?"

"Kasi gusto ko lang..."

Napailing nalang ako. Kakaiba din ang trip nitong isa. "Bahala ka."

"Do you trust me Herause?"

"Oo naman,"

"Can you close your eyes? I don't think I can hold back anymore..."

"What's with your game, huh?"

Pumikit sya bago sumandal sa pader. "Gusto mo sa ingles o tagalog?"

Hay matutulog nalang ako dami pang ano ano. "Kung saan ka komportable."

"Well..." nakita kong lumunok sya bago magsalita.

"I want to watch the sunrise and sunset everyday..." pinutol nya ang kaniyang salita at nagtama nag mga paningin namin. "with you."

-----------------TO BE CONTINUED-------------------

A/N:

🔑THANKS FOR READING! LEAVE A LIKE, REACT AND COMMENT IF YOU ENJOY!

🔑STAY HYDRATED AND KEEP SAFE EVERYONE! I LOVE YOU ALL!

Kenque University(completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon