Nang makabalik ako sa lamesa kung nasan kami kanina, agad akong naka busangot. Tsk! Sinong hindi mababadtrip sa nangyari?

"Oh? Bakit gan'yan itsura mo?" Tanong ni Liam.

Lumingon ako sa pintuan ng Café kahit na umalis na yung lalaki kanina at napailing nalang sa inis.

"Paano, may mayabang dun kanina! Ako pa sinisisi na humaharang daw ako sa daan! Okay lang sana kung kaming dalawa lang ang nasa pila, eh ang kaso may mga tao pa sa likuran ko! Nakakahiya 'yon!" Inis na inis talaga ako.

He laughed so hard! Nakaka insulto ha!

Padabog kong inilapag ang kape sa lamesa, kaya naman tumigil siya kakatawa.

Nang matapos na ang pag kakape namin ay agad kaming bumalik sa campus, last subject nalang ang babalikan namin. After ng class ay hindi ko na inisip ang nangyari kanina, bumuntong hininga nalang ako at nakita ko si Gian na papalapit na papunta sa akin.

Pagkalapit niya ay nag hi five sila ni Liam, nakita ko rin si Cora na papunta na rin dito. She looked so tired.

"Hi..." Pagbati ni Gian sa akin.

Babatiin ko sana siya pabalik nang biglang sumigaw si Cora.

"Araaaay!!!!"

Napatingin kami sa kaniya. Galit na galit siya at hawak hawak ang kaniyang paa gamit ang kanang kamay, habang ang isa namang kamay ay naka kapit kay Liam. Anong nangyari?

"Tangina ang sakit! Liam, bakit ka ba nang aapak!?!" Galit na galit niyang tanong habang nakatingin ng masama kay Liam.

Si Liam naman ay mukang gulat at nag so sorry na ngayon.

"Sorry nga! Hindi ko naman napansin na naapakan na pala kita! Tinitignan ko kasi yung babae kanina! Nawala na tuloy!"

Binatukan siya ni Cora at kahit na hindi naman ako ang nakaramdam non ay napailag ako sa lakas!

"Aray!"

Lagi nalang silang gan'to, simula dati. Hanggang ngayon ay hindi ko parin alam paano sila nag kakasundong dalawa, dahil lagi silang nag aaway! Parang aso at pusa!

"Uunahin mo pa 'yon!?! Ikaw pa may ganang mag reklamo, ha! Ako na nga 'tong naapakan!" umirap siya.

Tumatawa tawa naman itong si Gian sa gilid ko kakapanood sa dalawa, parang gusto kong itanggi na kaibigan ko si Cora at Liam! Pinag titinginan na kami rito, grabe!

"You guys, stop that! Parang kayong mga bata! Oh my god...Nakakahiya!" Pag saway ko sa kanila.

Ngumuso sila pareho at nakabusangot. Inirapan ni Cora si Liam at ganun din si Liam kay Cora.

This two...

Napailing nalang ako.

"Where do you guys wanna go?" Gian asked us.

"Sa bahay nalang nila Selene!" si Cora.

"Kung makapag aya ka naman ay parang bahay mo ang pupuntahan." Singit ni Liam.

"Stop, dun tayo sa bahay." I said. Talagang hindi matitigil ang dalawang ito kung hindi ko sasawayin!

Habang nag lalakad ay inakbayan ako ni Gian, uminit tuloy ang pisngi ko sa ayos naming dalawa. This is so awkward for Liam and Cora!

Nakarating na kami sa sasakyan ni Gian, saktong may dala rin palang sasakyan si Liam. Tinawagan muna ni Cora ang driver niya na huwa na siyang sunduin dahil sasabay siya sa amin.

"Sumabay ka nalang kay Liam, Cora." Gian suggested, nang aasar.

I smirked because of Cora's reaction!

Unexpectedly Married To you ( Dela Miego Series #1)Where stories live. Discover now