Dumaan pa ang ilang araw na gano'n lang ang nangyari, naging normal sa amin ni Gian na lagi kaming mag kasama. Nag aaya naman sila Cora ng inuman tuwing weekends, pakiramdam ko talaga mapapa aga ang buhay ko kapag kasama ko ang mga ito!

Kinakabahan ako dahil baka sa susunod na gising ko ay si St. Peter na ang unang makikita ko!

Nagsimula na rin ang panliligaw ni Gian sa akin, hindi namin minamadali ang panahon na ito. At swerte ako dahil hindi ako minamadali ni Gian para sagutin siya.

Ang routine naming dalawa ay lagi na siya ang nag ha hatid- sundo sa akin, kung mas maaga ang labas namin sa school ay nag d-dinner date kaming dalawa lalo na kapag hindi busy. Hinahatid niya agad ako sa bahay pagkatapos non, tinutulungan niya rin ako sa mga homeworks ko kapag nahihirapan ako. Sobrang thankful ako dahil and'yan siya.

"Lagukin mo na!" sigaw ni Cora, hindi kami halos magkarinigan dahil sa lakas ng music dito sa Club.

Nilagok ko ang whiskey nabinigay niya sa akin! Gumuguhit ang lasa sa aking lalamunan! Halos maduwal ako dahil hindi naman ako talaga umiinom ng sobrang hard!

Nakailang shots na din ako, kaya medyo nakakaramdam ako ng onting hilo. Naramdaman ko ang kamay ni Gian sa aking bewang na, nasa likod ko lang siya the whole time!

"Careful..." he said.

Hindi siya masyadong umiinom ngayon, si Liam naman ay hindi na namin matagpuan!

We're now dancing, hinatak kasi ako ni Cora. Speaking of...

Asan na siya!?!

Iginala ko ang paningin ko sa dagat ng tao ngunit nawala na rin siya!

Ako:

Where are you!?!

agad naman siyang nag reply!

Cora:

Jstngh enjyy

Huh? Ah basta! Nahihilo ako pero naiihi rin!

"Cr lang ako"

"Samahan na kita" Gian said.

"No need! Kaya ko sarili ko don't worry!"

Naglakad ako papunta sa Restroom, pa ekis ekis na ang lakad ko ng kaunti. Pilit kong nilalabanan ang hilong nararamdaman nang bigla akong nakaramdam ng pag ikot ng sikmura! Naduduwal ako!

Hawak hawak ko ang bibig ko, malapit na ako makarating sa Cr.

Bumangga ako sa isang lalaki, nahihilo ako at hindi ko maaninag kung sino ito! Hindi ko na kinaya at naduwal na talaga ako...

"Fuck!" he hissed.

Minulat ko ang aking mata at nakitang nasukahan ko siya sa damit!

"I- uh...I'm s-" nasuka nanaman ako!

"Tangina..." dinig kong sabi niya habang hinihingal, batid kong pinipigilan niya ang sarili niya.

Tatayo pa sana ako ngunit hindi na kinaya ng katawan ko, nagdilim na ang paningin ko.

Nakaramdam ako ng kung anong maligamgam na bagay sa aking noo, dahan dahan kong dinilat ang aking mata. Nakita ko ang isang lalaking nag pupunas ng aking noo! Hindi ko makita ang muka niya dahil natatakpan ng towel ang muka niya!

"I'm sorry... Are you okay?" he asked in husky voice.

I slowly got up, but closed my eyes because I could feel the pain in my head. I was holding my head in extreme pain, damn hangover!

"Here's the med."

binukas ko ang mata ko, nakitang maliwanag na! Asan ako!?!

"Nasan ak..." hindi ko maituloy ang sinasabi ko ng makita ko ang itsura niya! Unti unti ay nakilala ko na kung sino itong lalaki na 'to!

Unexpectedly Married To you ( Dela Miego Series #1)Where stories live. Discover now