Unti unting nagbabago, napapagod, nawawala...

"I'm so sorry...For, you know..." Gian said.

I looked at him and smiled. I want him to know that I understand him. Always.

"It's okay, no big deal." tumingin ako muli sa pinggan ko.

Andito kami ngayon sa isang restaurant na madalas naming puntahan, favourite kasi namin dito ang caldereta nila. Super budget friendly rin kasi ng mga pagkain dito.

Napansin kong kanina pa siya titig ng titig sa akin, tila ba tinitignan kung talagang okay lang ba sakin ang lahat. Katulad nalang ng hindi na kami ganoon kadalad magsama.

Parati siyang may inaasikaso na kung ano, but I'm really sure na hindi niya ako niloloko.

Gian is an anti social type, sumasama lang siya sa mga gala kapag kami nila Cora ang nag aaya. Hindi rin sila malapit sa mga babae because he used to turn them down.

And I know in myself that I trust him. He loves me so much, and so do I.

I understand that his love language is words of affirmation.

They say, fall out of love is true. But I don't buy it. Love is love. You can't fall out of love... Because if you get to that point. It's not love.

"I love you." he said.

Hindi ako nakatugon agad. Hindi ko alam kung bakit...Bakit bigla akong nalungkot? Bigla akong...Walang naramdaman.

I looked at him straight to his eyes.

I can feel my heart. It hurts and I don't know why.

"I love you." I said.

Natahimik kami saglit.

"Tomorrow..." pagbasag niya sa katahimikan.

Naagaw niya atensyon ko.

"We will go to batangas."

Napaangat ang kilay ko. Yes, nagulat ako. Bakit naman biglaan?

"Bukas agad?" I asked.

Kumunot ang noo niya, tinignan niya ako na para bang may katangahan akong nasabi.

"Babe...It's o-our monthsary tomorrow."

Oh my god.

Stupid Eli! Bakit nakalimutan mo 'yun!

"Oh, I- I...I'm sorry-"

"Are you okay? You're spacing out. What's wrong?"

Umiling ako at ngumiti.

Bakit ba ganto ka ngayon Eli! Anong nangyayari sayo? How did you forget that!?!

"Restroom lang." paalam ko.

Tumango lang siya, tumayo na ako at pumunta sa restroom ng restaurant.

Nagulat lang ako ng biglang nakasalubong ko si Blake!

Nagkatinginan pa kami, parehong gulat sa biglaang pagkikita! Anong ginagawa niya rito?

"Hey..." sabi niya.

I smiled.

"Hello, uh...Anong ginagawa mo rito?"

"May ka meet na business partner. What about you? Sinong kasama mo?"

His hair is slightly dishiveled. Looked so handsome in white button down dress shirt. Nakatupi iyon hanggang siko, ang pang ibaba niya ay gray slacks. He's also wearing khaki brogues shoes.

Unexpectedly Married To you ( Dela Miego Series #1)Where stories live. Discover now