"What the fuck are you doing!?" Hinila ni Blake palabas ng sasakyan si Gian, dahilan para mapahiga si Gian sa lapag.

I can't move. I'm trembling in shock. I hugged myself while crying and shaking. I'm scared.

Natulala ako habang umiiyak na pinapanood si Blake na sinasapak si Gian sa galit. Naka ibabaw si Blake kay Gian at malalakas ang suntok niya.

"You fucking bastard! I will kill you!" Blake said.

Lumalaban si Gian at pilit na sinusuntok si Blake pabalik. Natamaan niya ang panga ni Blake kaya napasigaw ako!

"Blake!"

Nakahawak si Blake sa panga niya at wala akong makita sa mata niya kundi galit. Napapikit si Blake, gamit ang palad ay nakahawak siya sa kung saan siya tinamaan. Pag dilat niya ay sobrang talim ng tingin niya kay Gian na ngayon ay iniinda ang sakit na naka sandal sa sasakyan.

Nasa front seat parin ako ngayon. Lalo akong natakot nang marinig kong na lock ang pinto ng sasakyan!

Umatake si Blake kay Gian. Kinuwelyuhan niya ito at malakas na sinandal si Gian sa sasakyan! Sinapak niya ng mas malakas at mas mabigat! Muli, ay dinamba niya si Gian na nanghihina at naka higa sa sahig. Sa isang iglap, wala ng malay si Gian!

Oh. God.

Napaawang ang labi ko. Gustong gusto ko gumalaw! Pero hindi ko kaya! Mainit na sa sasakyan at pawis na pawis ako! I need to get out!

"Help! Blake! Help me get out!" I cried so hard while screaming.

Napatingin si Blake sa sasakyan at nag mamadali niyang hinanap ang car keys ni Gian. Pinindot nya ang remote ng sasakyan ni Gian.  Nagmadali niyang binuksan ito ay pumasok para yakapin ako.

I cried so hard. I'm still in shock. Hindi ako makahinga...

"Eliethia, ssshhh...I'm here now." his voice was breathy.

"I...I—can't, b-breathe."

Pumiglas siya sa yakap ay hinarap ako. Inayos ang buhok ko at binuhat ako palabas ng sasakyan. Nakita kong tumatakbo ang magulang ko papunta sa akin, at hindi ko na masundan ang susunod na nangyari dahil nandilim ang paningin ko.

Nagising nalang ako dahil sa isang haplos sa aking pisngi. Dahan dahan akong dumilat, napatingin ako sa paligid. Nakita kong na alarma ang magulang ko, lumapit si daddy at napatayo naman si mommy na siyang humahaplos sa pisngi ko.

"Anong...Anong pong nangyari?" naguguluhan kong tanong.

"You fainted." mom sighed.

"I'm sorry, anak..." hinalikan ni daddy ang kamay ko. "I'm sorry kasi...Kasi nangyari 'to sa'yo. K-kung alam ko lang na-" 

Ramdam kong naiiyak nanaman ako. Naalala ko nanaman ang nangyari. Hindi ko inaasahan na mangyayari 'yon, parang...Parang hindi si Gian 'yon. Parang ibang tao ang nasa harap ko kanina. Paano niya nagawa 'yon? 

"D-dad...Wala kang k-kasalanan. This is all my fault-" 

"No, baby. This isn't your fault. Okay? Walang may kasalanan dito. Are you okay now?" nag aalalang tanong ni mommy.

Sa totoo lang...Natatakot parin ako. Nasasaktan parin ako at hindi makapaniwala. I'm tired. Masakit ang katawan ko kaya napatingin ako sa pulsohan ko na ngayon ay namamaga. Nagulat rin ako dahil may dextrose ako. May nurse sa gilid ko at isang doctor na babae. Nasa hospital kami ngayon. May pasa rin akong nakita sa braso ko at may mga kaunting kalmot. Siguro ay hindi ko na ito naramdaman kanina dahil sa takot. Nilalamig rin ako ng sobra, kaya tinaas ni mommy ang kumot.

Unexpectedly Married To you ( Dela Miego Series #1)Where stories live. Discover now