Gumising ako ng mas maaga. Namumugto man ang mata ay pinilit ko parin bumangon.

Iyak lang ako ng iyak kagabi. Hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako sa mga sinabi ko. Magulo ang isip ko ngayon. Pero pipiliin kong makasama siya bago siya umalis dahil ito ang pinangako niya.

Mabilis lang ang oras. Nakabihis lang ako ng itim na pantalon at itim na v neck shirt. Nag denim jacket lang ako at puting sneakers.

Sa isang maleta ay nagdala ako ng mga damit na pang hike, pamalit, at pang langoy. Just in case na mag swimming. Nagdala rin ako ng jacket ko at kung ano pang kakailanganin ko.

5:00 am sakto ang flight. Isang oras ang biyahe papuntang Cebu. Nagdala rin ako ng back pack na nasa loob ng maleta, iyon ang gagamitin ko pag nag hiking na. Sa ngayon ay isang shoulder bag lang ang nakasabit sa balikat ko at ang laman ay cellphone, pass port, wallet at kung ano pang mahalaga.

Nagulat lang din ako na halos itim din lahat ang suot ni Blake maliban sa gray niyang sneakers at jacket. Naka upo siya sa sofa kausap si daddy. Pero nang makita niya akong pababa na sa hagdan ay tinulungan niya ako sa dala kong maleta.

Sakto lang naman ang laki non. Kaya ko naman dalhin pero siya na ang nag pumilit mag buhat. Nag paalam na ako kay daddy. Hindi pa gising si mommy at siya nalang daw ang magsasabi na umalis na kami.

"Gusto mo bang mag almusal muna? Hindi ka kumain." malambing niyang sabi.

Hilaw ang ngiti ko sa kaniya at tumango. Masiyado akong guilty sa mga sinabi ko kahapon. I'm sure nasaktan siya...

At hindi ko sinasadya.

Dumaan kami sa isang fast food at nag drive thru. Kumakain ako sa biyahe, madilim pa ang langit. Tanging ilaw lang sa kalsada ang nagbibigay liwanag sa daan. Nakita kong nahihirapan siya sumubo ng pagkain dahil sa pagmamaneho. May kasabayan kasi kaming mga sasakyan at mabibilis ang takbo nila. Kaya naman kinuha ko ang burger at inabot sa bibig niya. Nagulat siya sa ginawa ko pero kinagatan niya naman iyon.

"Thank you." he smiled.

Ngumiti ako at tumango. Pinainom ko rin siya ng tubig. Nakatulog na ako pagkatapos, nagising nalang ako nang makarating kami sa airport. May driver na naka abang doon para siguro mag uwi ng sasakyan niya pabalik. At sigurado akong si Mang Ador iyon. Tinulungan niya si Blake mag baba ng mga gamit namin.

"Mag iingat ho kayo, Sir...Ma'am." ngumiti siya at tumango.

"Salamat po. Kayo rin mag ingat sa pag mamaneho!" I smiled.

"Salamat. Ikaw na ang bahala, mang Ador." tinapik niya ang balikat nito.

Sabay kaming pumasok sa loob ng airport. Aangal sana ako dahil siya ang nag dadala ng maleta naming dalawa pero hindi niya ako hinayaan!

Ngumuso ako at sumunod sa kaniya.

Nag aantay lang kami ngayon ng boarding. Laking gulat ko nang makita si Rhajile!

"Uy! Eli, hello!" bati niya nang makita ako.

"Hello! San punta mo?" I asked. Bumeso siya sa akin. Ngunit parang nagsisi siya sa ginawa nang makita niya ang nakasimangot na si Blake sa likod ko.

"Ay, Blake andiyan ka pala! Hello, pre..." bati niya kay Blake. Tumango lang si Blake at hindi manlang ngumiti!

"Sa Boracay ang punta ko. Kayo?"

"Cebu..." sagot ko.

"Kayong dalawa lang?" nagtataka niyang tanong.

Tumayo si Blake at tumabi sa akin. Tinaasan niya ng kilay si Rhajile! Jusmiyo!

Unexpectedly Married To you ( Dela Miego Series #1)Where stories live. Discover now